Nakakatawa talaga ang buhay eh ano. Hindi mo ine-expect ang mga pwedeng mangyari. Isang araw pwedeng sobrang lungkot mo tas ilang oras lang eh sobrang tawa naman. Alam mo un, bipolar lang.
Last week lang, naisulat ko ung kino-consider ko na pinakapangit na naging interview ko. Sobrang epic fail. Nalungkot ako, at sobrang sigurado akong hindi ko makukuha ung trabaho. Back to square one ang drama ko. Hanap na lang ulit ng ibang trabaho. Tanggap ko na, pero may iba pang nangyari.
Biyernes ung naging interview ko, pero pagdating ng Lunes, nakatanggap ako ng e-mail tungkol sa pagba-background check. Anakng. BACKGROUND CHECK. Ayokong magisip ng kung ano, pero sabi nga ng katrabaho ko, positive feedback kapag umabot na ng background check. Todo ang ngiti ko, sobrang saya. Pero un, wala na, pagpasa ko nung form, intay na naman. Buong linggo akong nakakatanggap ng emails. Para magfollow up at para magpadala ng iba pang requirements. Sa wakas, nagamit ko din ang diploma at transcript of records ko galing PUP. Sa tagal ko nang nagtatrabaho, ngayon ko lang nagamit un. May security clearance pa para sa trabaho. Iniisip ko, siguro nama’y natanggap ako dahil hindi naman sila magaabala ng ganito diba? Diba?
Dumaan ang isang linggo, kanina, nakatanggap na naman ako ng e-mail. Tinatanong nung recruiter kung anung oras ako pwedeng tawagan. Sumagot ako na pwede nya akong tawagan kahit nasa trabaho. Alam mo ung wala akong magawang maayos dahil sa paghihintay ko ng tawag? Feeling ko talaga eh may relasyon kami nung recruiter. Tumawag sya, good news. Sabi nya’y tatawag daw ulit sya at the end of the day para malaman ko ang sagot. Dumaan ang isang araw, nagmamaneho ako nung tumawag sya. Hindi ko nasagot kahit na gustong-gusto ko dahil mahal ko pa naman ang buhay ko. Nagiwan sya ng voicemail, inemail ko sya paguwi ko ng bahay, tumawag sya ulit. Hindi ko na siguro kailangan pang i-kwento kung ano na ang sumunod na nangyari.
Pero ikukwento ko pa din.
Nakuha ko ung job position. Magsisimula na ako sa August. Sobrang saya. SOBRANG SAYA. Hanggang ngayon, hindi ko pa din maipaliwanag ang nararamdaman ko. Alam mo ung, chill lang, pero sa loob eh gusto kong sumabog. Sobrang natuwa din syempre pamilya ko. Isa-isa nang sabi ng mga ipapabili mga kapatid ko. Hay, sobrang salamat Papa God. Naiiyak ako. Tears of joy. :)
Bukas, magfi-file na ako ng two weeks notice. Matapos ang limang taon at siyam na buwang pagtatrabaho sa ospital, sa isang outsourcing company naman ako. Hay. Isa lang ang naipayo sa akin ng nanay ko, “Pahalagahan ang trabaho.” At yun naman ang gagawin ko. ^_^