kaw pa, pano kya kng me? konti tiis lang

No Comments » June 30, 2004 » 2089 days ago
Uncategorized

Sandali lang. Una sa lahat, mali yata ang inaakala mo. Ewan ko pero parang hindi mo ako naiintindihan. Kasi naman laging bitin ang mga salita ko pero ibig sabihin lang, baka hindi mo pa talaga ako kilala. Sandali lang.

Kami na yata ang isa sa pinakamalas na klase sa kayupihan. Biruin mo, (pero hindi ito biro) may klase pa pala na mas malayo pa sa math building. Napansin mo na ba minsan yung building sa harap ng MB? Hindi siguro, kasi sa gilid ka lagi dumadaan. Totoo, nandun ang MJEC at may nagkakalase pa sa building na yon sa kabila ng C.P.Garcia. Doon kami nagc-CS11. Ok lang sana kasi konting lakad lang mula sa math pero bakit naman kailangan pang ilagay ang kalsada na yun sa gitna. Hainaku, nasa peligro ang buhay mo kada papasok ka sa klase. Dumaan daw ba sa isang kalsada. Eh wala pa namang kanto na malapit kaya dire-diretso ang takbo ng rumaragasang sasakyan na umaabot ng siguro mga 30kph. Nagtataka siguro yung mga nakasakay sa toki kung saang lupalop pumupunta yung mga estudyante na nakikita nila dun. Swerte na lang minsan kung marami na talaga yung sasakyan kaya nagkakabuhul-buhol sa may gate papasok sa NIGS na umaabot sa tinatawiran namin. Pero sabi ko nga, swerte na lang yun. Aabutin ka siguro ng ilang Ama Namin bago mapanatag ang loob mo sa pagtawid dito. Mabuti naman at wala pa kaming nabalitaan na naaksidente dun. Pagkasambit ng unang dekada ng rosaryo, tatawid ka na dun sa unang lane kasi medyo malayo pa yung ibang sasakyan. Pero ano naman ba ang possibility na parehong walang sasakyan ang magkabilang lane ng kalsada? (Mga math majors naman dyan) kaya siguradong titigil at titigil ka rin sa gitna, kaya tuloy ang rosaryo. Konting ingat kasi nariyan na yung sasakyan sa unang lane at baka mahagip pa yung likod mo. The Crucifixion, oops tigil muna, kasi napansin mo na yung puwang na matagal mo nang hinahantay para makatawid. Naalala mo tuloy yung madalas mong nilalaro sa PC kung saan kailangan mong itawid yung tupa sa may kalsada na puno ng sasakyan. Ganun din ata yung konsepto ng scuba duba doo sa txttube. Kaibahan nga lang ay may multiple lives yung character, eh ikaw isa lang. Wag nang magulat kung nakalagay na in red bold letters na isang estudyante naaksidente sa pagpunta sa klase(sabay katok sa may noo). Ayan, nakatawid ka na, pero wag mo muna tapusin ang rosaryo kasi kakailanganin mo pa yun mamya pabalik. Bilisan mo konti na lang late ka na sa klase mo.

Masaya sa CS11, kasi kapag hindi mo naiintindihan ang lesson, magsaya ka na lang kaysa mamroblema. Natatawa na lang ako kapag nag-jojoke yung instructor namin kasi yung joke lang yung medyo naiintindihan ko pa. Pero minsan tumawa siya after saying something in binary(ibig sabihin di ko naintindihan). Di ko alam kung joke yung sinabi niya o baka narealize lang niya na hindi namin siya naiintindihan. Buti na lang at may bonuses sa ME?s at LE?s at MP?s kundi ay wala na kong pinasa?. Ayon dun sa CSmanual, ang CS 11 ang tsansa mo para maka-uno pero malabo ata yun. (Hindi ko masyado maikwento ang pinag-aaralan sa CS kasi nga hindi ko lubusang naiintindihan) Pero ang medyo naiintindihan ko na rin ay kung bakit may waiting area sa may MJEC, siguro para after an ME, settle down ka muna para i-recollect yung sarili mo. Bakit kailangan nun? Isipin mo na lang, nandun ka, lango sa ME, umiikot pa rin sa utak ang iba?t-ibang variables at iniisip pa rin kung tama yung algorithm na ginamit mo(at siguradong maasasar bigla sa narealize na pagkakamali). Nagmamadali ka kasi nag-overtime ka para lang matapos sa ME kahit may kadikit na next class ka pa. Magulo ang isip kasi may quiz ka rin mamya (eh hindi ka pa nag-rereview) tapos nakatayo ka sa gilid ng CP Garcia, naghihintay na makatawid sa kabila. Tingin mo tuloy sa mga sasakyan eh mga bits of data na rumaragasa sa isang computer circuit. Na-imagine mo na ba? o kailangan ko pang uilitin sa simula?

may pinabasa sa amin sa Eng 1. isang essay tungkol sa isang torpe. nakakatuwa nga eh, kung binasa mo nang hindi nakikita yung title, aakalain mong biography ko yun, hehe. parang blind item na ako yung pinatatamaan. ok nga eh, katulad sa kwento eh sa huli, lalayuan ng girl yung guy. parang lagi, ngayon nga eh hindi na siya nagreply sa mensahe ko sa kanya. ewan ko ba.

nawala ang aking cellphone ngayong week, wala lang…. it took me 10 minutes to walk from FC hanggang dito sa SC, hirap. kasa-submit ko lang ng survey kanina. hmmm…. wala na namang ganang magsulat. wala akong maisip eh. sige, magbobowling pa ko mamya.

Amazeng’g Race scenarios

No Comments » June 21, 2004 » 2098 days ago
Uncategorized

hainaku, di ko naisip na ganun ang magiging kahihinatnan ng araw ko kahapon. sumali ba naman ako sa Amazeng’g race. para itong amazing race at survivor hybrid na laro. merong 10 stations na nakakalat sa buong u.p. tapos kailangan mong makapunta don as fast as you can with any way possible pero puro takbo lang naman ang ginawa namin. at every station, merong task na dapat gawin ng bawat team. astig di ba? project ng ESC (eng’g student council), pero parang gusto lang nila kami pag tripan, hehe. pero ayus yun prize, 3,000 sa first, 2T second at 1T sa third. ayus di ba? pero di naman kami nanalo,hehe. laspag ang katawan tapos nakuha lang namin eh ni-repack na zesto na dinagdagan ng tubig para dumami tapos pinangalang BH. (bagong henerasyon) pero actually, bh herera yung nagpagawa, councilor dito sa qc. siguro ginamit nung eleksyon. ayus rin yung sponsors, pinoyexchange.com, abc5, level-up games( kaya may libre kaming cd’s ng ragnarok online) at seventeen( kaya may libreng mag’s yung may gusto).

hirap talaga, masakit pa rin ang binti at braso ko.

hehe, aircon na raw sa MJEC! haha kasi yun lang ang computer lab na napuntahan ko na walang aircon. ayun, sobrang init, kulob kasi ang loob. 17 out of 20 nga pala ung nakuha ko sa ME dati (Machine Exercise). meron nakakuha ng 25, nasagutan niya kasi yung lahat pati bonus question, talino talaga. Excited tuloy ako mag-ME mamya kasi aircon na nga eh. pero sana mas mataas naman ang makuha ko dun.

eto ko ngayun, nag-uubos ng oras dito sa SC (shopping center). mura lang internet eh. pero parang lalong bumabagal ang oras.

boring yung math 17 kanina, madalas naman eh, sobrang nakakaantok, labas nga nang labas yung katabi ko eh.

mga peepz mamya pako makakauwi

No Comments » June 18, 2004 » 2101 days ago
Uncategorized

Ewan ko ba, siguro unpredictable lang talaga ang math 17. dati kasi nung ang pinag-uusapan eh inequalities ay sobrang di ko maintindihan yung sinasabi ng prof ko. kala mo ba naman eh first class ko yung math, hassle pa ung trip, 4am ang gising tapos alis shortly after five, hehe, pagdating ng up ay lalakad naman ng fc hanggang math bldg. Siguro sing layo ng McDo hanggang monastery, thinking na hindi pa nagsisimula ang klase eh sobrang pagod ka na. Balik tayo dun sa math, eh parang machinegun kung magturo yung prof namin, sa sobrang tuloy-tuloy eh wala na siyang time na tumingin sa klase niya. Isang oras siyang nakatingin sa blackboard at nagsusulat ng sunod-sunod na formula at examples. Well, ngayon eh medyo nakaka-adjust na rin ako sa lessons niya. Paano ko nasabi yon? Kasi hindi na ko nakikinig masyado sa sinasabi niya. Hindi na yung dati na iniintindi ang bawat salita niya. Tumitingin na rin ako sa labas ng klasrum, hehe, konti na lang siguro eh mag-uumpisa na kong magdrawing. Pag nangyari yon eh talagang well adjusted na ko. Pero baka hindi mangyari yon kasi as of now, medyo madadali lang yung lessons, pano pa kaya kung dumating na kami sa trigonometric functions at kung ano-ano pa, baka hindi ka na magtaka kung makita mo na lang ako na nag-aalay ng batang kambing sa may church of the holy sacrifice bago pumunta sa math bldg. Mahirap ang math, kahit anong sabihin nila at kahit na ano pang isipin ko, talagang mahirap ang math. Kala ko magaling ako sa math pero nang pumasok ako sa klasrum na to eh nag-iba lahat yun. Pero math parin yan at kakayanin ko pa rin, siguro.

Foundation day ng up ngayon, at kaya ako nagkaroon ng oras para gawin to eh wala akong klase sa English at philo namin, siguro tinatamad magturo. Mamaya pa namng tanghali yung pe class ko kaya wala kong magawa. Mahirap magkaroon ng kasama kasi sa bawat subject eh iba-iba ang kaklase mo at hindi pa lahat ay freshman. May ka-block nga ako pero daig pa ang human genome sa pagkakaiba ng schedule namin.

English, kahit ngayong college eh ayoko pa rin ng English na subject. Ewan ko ba kung dahil sa titser o saan pero kung pwede lang sana eh hindi ko na pupuntahan yon. 15 minutes after math ung English ko. Bale babalik ako sa fc at lalakarin ko yun within that 15 minutes. Pero bakit ko naman gagawin yun di ba? Sasakay na lang ako ng toki para hindi pagod pagdating don.

Last time, ay nagkwentuhan ang klase tungkol sa ghost stories. (aga-aga pero ghost stories ang pinag-uusapan) this is weird kasi may kaklse ko na taga-bocaue. May multo raw sa may batia ata yun tapos nakakakita raw ng aso na sing laki ng baka. Hmmmmm.weirder naman yung istorya ng quezon kasi ang indication kung may multo malapit eh makakaamoy ka ng patis. At na-experience niya yun, weird di ba. (by the way, yung taga bocaue eh may kasama pang dalawa at graduate sila ng sto nino). Hainaku, tapos na ang English. Tatakbuhin ko pa yung philo 1 ko kasi magkadikit sila nung English, pero dun lang naman yun sa parehong bldg. Yun nga lang eh nasa fourth floor. Fourth floor? Di ko rin inakala na may 4th floor tong A.S. na to. Bagong dagdag lang ata kasi bago pa yung pintura sa pader. No time to waste, di ako pwedeng ma-late kaya nagmamadaling umakyat sa ilan ba yung hagdanan na yun? Ah, ewan. Kaya pag-upo sa klase hinihingal ka na. Hirap no?

Pero mas mahirap gawin tong istorya na to. Ewan ko ba, gusto ko sanang gayahin yung nasa ABNKKBSNPLaKo? at yung Ang paboritong libro ni Hudas. Mahirap palang pagandahin ang bawat pangungusap. Ikaw? Kung binabasa mo pa rin hanggang dito eh napagtyatyagaan mo to. Salamat.
Siguro ang na-eenjoy ko na klase eh yung env. sci. ko. Laking hirap ko sa paghahanap ko sa klase na yun nung first day. Kasi TBA yung klasrum. Nagpalipat-lipat ako sa tatlong building pero buti naman eh hindi pa ko late. Astig yung prof., kasi sa unang araw eh hindi syllabus ang pinagusapan kundi muntik na kaming magkaroon ng pictorial. Na-postpone yun, kasi yung isa kong kaklase eh nakamaskara buhat ng kanyang operation sa molars. Natuloy yun nung second day. Astig yung paraan ng pagpapakilala sa sarili. Hindi yung common na state your name, course and college, birthday kundi binigyan kami ng oras para magyabang. Tama, ipagyayabang naming ang tungkol sa min sa harap ng klase at walang aangal. Mas matatandaan mo siguro yung kakalse mo na nangongolekta ng kotse as a hobby, nagbibreed ng mamahaling aso, highschool, elementary at pre-school valedictorian, anak ng cabinet member, tinanghal na young scientist ng gobyerno, miyembro ng swimming team, valedictorian ulit at presidente ng 5 academic clubs bukod pa sa pagiging editor-in-chief ng school paper nila, huh? Ako na ba? Ah..eh..ako??? ano, BS comsci, freshman galing st.paul, ah, mahilig sa physics(siguro) kaya sinali sa nationwide kuno na quizbee. Natalo nga lang kasi nung second round eh itanong daw ba kung sino ka-love team ni Daredevil at kung ano ba talaga ang totoong pangalan ni Green Goblin. At least hindi ko masisisi na dahil sa kabobohan ko sa p6 kaya ako natalo. Instant scapegoat, ayus. Tsaka dapat honor ako nung graduation kung hindi nga lang nagloko at may nagreact pa na titser. At hindi nga lang simpleng reaction, binigyan niya below 85 na grade, dalawa pala sila Music at PeH. Kaya pala una ko palang makita siya nung nagsubstitute titser siya dati nung firstyear sa music eh ayoko na sa kanya. Pero okey naman yung pe titser ko na yun, actually, isa siya sa gusto kong nagging adviser. Maipagyayabang ba yun mga yun? Ah nanalo pala ko(sa wakas) sa Games of the Generals sa school. Magaling ako dun. First time na sumabak sa giyera ng mga heneral. Di nila ko kilala kaya yung representative dati eh hinamon ako sa laban isang araw na gumagawa ako sa arts club. Di siya makapaniwala na ako yung napili kasi nasa cream section ako. At lalong di siya makapaniwala na natalo ko siya. Lamang pa naman siya kasi nasa home siya at ako yung away team, wala pa kong hakot na supporters, konti lang nga yung nakaalam ng hamon eh. Best of 3 ang laban. Unang laban eh panalo ko, ginamit ko kasi yung total strike, 5, 4, 3 star ang sumugod tapos private sa likod na katabi ang spy, kapag naubos yung gilid ng kampo niya, na siguradong mangyayari kasi first time na makalaban niya ko kaya nakikiramdam pa lang siya sa formation, pasok kagad ang flag at instant win. Talo naman ako nung second kasi ginamit ko uli yung strategy nung una pero napaghandaan na niya, nakorner yung flag ko. Talo siya nung 3rd kasi ginamitan ko na siya nung normal na strategy ko, hehe, tulala ng iwan ko siya. Tsaka nanalo rin ako sa academic contest sa amin sa physics. Ah. ok na ba yun?

Cs 11 namin kahapon, computer programming. At nag-machine problems kami at sobrang hirap nun. Medyo di ko naintindihan kung paano paikut-ikutin ang numero sa loob ng isang program, sana hindi ako bumagsak. Malalaman ko sa Monday. Ikukwento ko na rin kung ano ang nangyari pagdating nun. Balak ko nga palang dumaan ng Valenzuela mamya pag-uwi ko, ewan baka para maglibot, baka para maghanap, basta ewan.

kei lang po, kaw p

No Comments » June 18, 2004 » 2102 days ago
Uncategorized

biyernes kahapon, masaya akong pumunta sa may sc para tingnan yung bago kong messages.

na-check ko kasi sa GPRS-phone ng ate ko yung email ko nung nakaraang gabi. inantay ko pa syang makatulog para gawin yun. baka kasi batuhin ulit ako tulad nung dati matapos kong hiramin yung phone niya. Ayaw niya kasing naiistorbo sa pagcha-chat. nakatulog nang hawak-hawak ang phone sa kamay at nakapatong sa tyan. nang mapansin ko na nakapikit na at di na nakakunot ang noo dahil sa bwisit na server busy message na laging lumalabas sa screen, dahan-dahan kong inabot at kinuha ang inaasam na phone sa kanya. tila bang isang special tactics operative na nagdidis-arm ng bomba sa may iraq. pinapakirmdaman ang bawat muscle ng mukha na tila napapanaginipan pa rin ang bwisit na server busy message. sa wakas ay nakuha na rin. may bago akong mensahe.

nagtataka si KCU sa kung sino ba tong sumulpot sa friendster account niya at nangangarap daw na maging kaibigan niya. kaklase ba kita sa math17? kala rin niya babae ako. bakit ksi skye pa napili na nickname sa account. kaya pinalitan sa komski na medyo hindi bias sa kasarian, di na rin pagtatakahan kung bakit. ayaw pa rin akong magpakilala. nagtanong rin kung sigurado ako sa taong nakasalubong lang at nahanap pa ang pangalan sa upcat results webpage. Gets na raw ni KCU. bait talaga, sabi nga sa mga testimonials niya. sandali lang.

pero eto ang naging problema…

may nawawala akong kaibigan. kala ko kasi ok lang na sabihin sa kanya. hindi pala. badtrip ako buong araw. buti nalang tumaas ang points ko sa bowling namin ng 3 points. 62 dati, naging 65, hehe. pero asar parin kapag naaalala ko. ups, alanganin gamitin ung word na yun. ewan ko ba. tuloy medyo asar magkwento ngaun. ayoko na eh. kung hindi dahil may tinutulungan akong kaklase sa asar na machine problem na yun. ewan ko ba. di pa nga ako tapos eh. asar talaga. wala ako sa mood.

nagsorry na nga ako eh.

naisip ko na gumawa ng program na magpiprint ng sorry ng isang milyong beses. ok na ba yun?

kaya lang baka akalain niya na virus yun. kaya baka di buksan. kailangan kong malaman kung paano i-embed yung icon sa program.

ayoko na….

Konti na lang

No Comments » June 15, 2004 » 2105 days ago
Uncategorized

konti na lang masasanay na rin ako sa college. langya tong up eh. mumurahin ka ng paa mo kakalakad, hehe. pero kahit ganto, ayos parin at nakapasok ako rito. lagi nga yon ang pinamumukha sa aming freshman eh. haha, ngayong araw eh natutunan ko na kung pano gumawa ng sariling program. ayus di ba? Computer science nga pala ko, kala ko mahihirapan ako sa programming subject namin pero medyo ok pa naman ngayon. sana tuloy-tuloy lang to. sige, mamahal pa ang babayaran ko sa utakbagyo na to.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.