Ewan ko ba, siguro unpredictable lang talaga ang math 17. dati kasi nung ang pinag-uusapan eh inequalities ay sobrang di ko maintindihan yung sinasabi ng prof ko. kala mo ba naman eh first class ko yung math, hassle pa ung trip, 4am ang gising tapos alis shortly after five, hehe, pagdating ng up ay lalakad naman ng fc hanggang math bldg. Siguro sing layo ng McDo hanggang monastery, thinking na hindi pa nagsisimula ang klase eh sobrang pagod ka na. Balik tayo dun sa math, eh parang machinegun kung magturo yung prof namin, sa sobrang tuloy-tuloy eh wala na siyang time na tumingin sa klase niya. Isang oras siyang nakatingin sa blackboard at nagsusulat ng sunod-sunod na formula at examples. Well, ngayon eh medyo nakaka-adjust na rin ako sa lessons niya. Paano ko nasabi yon? Kasi hindi na ko nakikinig masyado sa sinasabi niya. Hindi na yung dati na iniintindi ang bawat salita niya. Tumitingin na rin ako sa labas ng klasrum, hehe, konti na lang siguro eh mag-uumpisa na kong magdrawing. Pag nangyari yon eh talagang well adjusted na ko. Pero baka hindi mangyari yon kasi as of now, medyo madadali lang yung lessons, pano pa kaya kung dumating na kami sa trigonometric functions at kung ano-ano pa, baka hindi ka na magtaka kung makita mo na lang ako na nag-aalay ng batang kambing sa may church of the holy sacrifice bago pumunta sa math bldg. Mahirap ang math, kahit anong sabihin nila at kahit na ano pang isipin ko, talagang mahirap ang math. Kala ko magaling ako sa math pero nang pumasok ako sa klasrum na to eh nag-iba lahat yun. Pero math parin yan at kakayanin ko pa rin, siguro.
Foundation day ng up ngayon, at kaya ako nagkaroon ng oras para gawin to eh wala akong klase sa English at philo namin, siguro tinatamad magturo. Mamaya pa namng tanghali yung pe class ko kaya wala kong magawa. Mahirap magkaroon ng kasama kasi sa bawat subject eh iba-iba ang kaklase mo at hindi pa lahat ay freshman. May ka-block nga ako pero daig pa ang human genome sa pagkakaiba ng schedule namin.
English, kahit ngayong college eh ayoko pa rin ng English na subject. Ewan ko ba kung dahil sa titser o saan pero kung pwede lang sana eh hindi ko na pupuntahan yon. 15 minutes after math ung English ko. Bale babalik ako sa fc at lalakarin ko yun within that 15 minutes. Pero bakit ko naman gagawin yun di ba? Sasakay na lang ako ng toki para hindi pagod pagdating don.
Last time, ay nagkwentuhan ang klase tungkol sa ghost stories. (aga-aga pero ghost stories ang pinag-uusapan) this is weird kasi may kaklse ko na taga-bocaue. May multo raw sa may batia ata yun tapos nakakakita raw ng aso na sing laki ng baka. Hmmmmm.weirder naman yung istorya ng quezon kasi ang indication kung may multo malapit eh makakaamoy ka ng patis. At na-experience niya yun, weird di ba. (by the way, yung taga bocaue eh may kasama pang dalawa at graduate sila ng sto nino). Hainaku, tapos na ang English. Tatakbuhin ko pa yung philo 1 ko kasi magkadikit sila nung English, pero dun lang naman yun sa parehong bldg. Yun nga lang eh nasa fourth floor. Fourth floor? Di ko rin inakala na may 4th floor tong A.S. na to. Bagong dagdag lang ata kasi bago pa yung pintura sa pader. No time to waste, di ako pwedeng ma-late kaya nagmamadaling umakyat sa ilan ba yung hagdanan na yun? Ah, ewan. Kaya pag-upo sa klase hinihingal ka na. Hirap no?
Pero mas mahirap gawin tong istorya na to. Ewan ko ba, gusto ko sanang gayahin yung nasa ABNKKBSNPLaKo? at yung Ang paboritong libro ni Hudas. Mahirap palang pagandahin ang bawat pangungusap. Ikaw? Kung binabasa mo pa rin hanggang dito eh napagtyatyagaan mo to. Salamat.
Siguro ang na-eenjoy ko na klase eh yung env. sci. ko. Laking hirap ko sa paghahanap ko sa klase na yun nung first day. Kasi TBA yung klasrum. Nagpalipat-lipat ako sa tatlong building pero buti naman eh hindi pa ko late. Astig yung prof., kasi sa unang araw eh hindi syllabus ang pinagusapan kundi muntik na kaming magkaroon ng pictorial. Na-postpone yun, kasi yung isa kong kaklase eh nakamaskara buhat ng kanyang operation sa molars. Natuloy yun nung second day. Astig yung paraan ng pagpapakilala sa sarili. Hindi yung common na state your name, course and college, birthday kundi binigyan kami ng oras para magyabang. Tama, ipagyayabang naming ang tungkol sa min sa harap ng klase at walang aangal. Mas matatandaan mo siguro yung kakalse mo na nangongolekta ng kotse as a hobby, nagbibreed ng mamahaling aso, highschool, elementary at pre-school valedictorian, anak ng cabinet member, tinanghal na young scientist ng gobyerno, miyembro ng swimming team, valedictorian ulit at presidente ng 5 academic clubs bukod pa sa pagiging editor-in-chief ng school paper nila, huh? Ako na ba? Ah..eh..ako??? ano, BS comsci, freshman galing st.paul, ah, mahilig sa physics(siguro) kaya sinali sa nationwide kuno na quizbee. Natalo nga lang kasi nung second round eh itanong daw ba kung sino ka-love team ni Daredevil at kung ano ba talaga ang totoong pangalan ni Green Goblin. At least hindi ko masisisi na dahil sa kabobohan ko sa p6 kaya ako natalo. Instant scapegoat, ayus. Tsaka dapat honor ako nung graduation kung hindi nga lang nagloko at may nagreact pa na titser. At hindi nga lang simpleng reaction, binigyan niya below 85 na grade, dalawa pala sila Music at PeH. Kaya pala una ko palang makita siya nung nagsubstitute titser siya dati nung firstyear sa music eh ayoko na sa kanya. Pero okey naman yung pe titser ko na yun, actually, isa siya sa gusto kong nagging adviser. Maipagyayabang ba yun mga yun? Ah nanalo pala ko(sa wakas) sa Games of the Generals sa school. Magaling ako dun. First time na sumabak sa giyera ng mga heneral. Di nila ko kilala kaya yung representative dati eh hinamon ako sa laban isang araw na gumagawa ako sa arts club. Di siya makapaniwala na ako yung napili kasi nasa cream section ako. At lalong di siya makapaniwala na natalo ko siya. Lamang pa naman siya kasi nasa home siya at ako yung away team, wala pa kong hakot na supporters, konti lang nga yung nakaalam ng hamon eh. Best of 3 ang laban. Unang laban eh panalo ko, ginamit ko kasi yung total strike, 5, 4, 3 star ang sumugod tapos private sa likod na katabi ang spy, kapag naubos yung gilid ng kampo niya, na siguradong mangyayari kasi first time na makalaban niya ko kaya nakikiramdam pa lang siya sa formation, pasok kagad ang flag at instant win. Talo naman ako nung second kasi ginamit ko uli yung strategy nung una pero napaghandaan na niya, nakorner yung flag ko. Talo siya nung 3rd kasi ginamitan ko na siya nung normal na strategy ko, hehe, tulala ng iwan ko siya. Tsaka nanalo rin ako sa academic contest sa amin sa physics. Ah. ok na ba yun?
Cs 11 namin kahapon, computer programming. At nag-machine problems kami at sobrang hirap nun. Medyo di ko naintindihan kung paano paikut-ikutin ang numero sa loob ng isang program, sana hindi ako bumagsak. Malalaman ko sa Monday. Ikukwento ko na rin kung ano ang nangyari pagdating nun. Balak ko nga palang dumaan ng Valenzuela mamya pag-uwi ko, ewan baka para maglibot, baka para maghanap, basta ewan.












