#define me

Posted almost 8 years ago Uncategorized

Nakita ko na naman si kathlyn.

Laking hirap ng long exam sa math17. pero kung tutuusin, ngayon lang ako nakuntento sa mga sagot ko sa test. Natapos ko naman lahat ng items at medyo sigurado ako sa sagot ko. Umaasa na lang na sana tumpak nga ako sa nararamdaman ko. Midterms sa sabado, kailangan ko pang mag-aral.

Lumabas ako ng klasrum matapos ang karumal-dumal na exam. Iniisip pa rin ang kinabukasan ko sa pag-aaral nang paglabas ko sa building at nakita ko siya. Asar nga kasi nagmamadali ako. Kung babagalan ko naman bigla ang lakad para makita siya nang mas matagal, siguradong mapapansin niya ang gagawin ko. Kaya diretso pa rin ng lakad, pero hindi ko naalis ang tingin ko sa kanya. Hanggang sa makita niya kong nakatingin sa kanya. Nakangiti siya (o baka kanina pa siya nakangiti) ewan ko, basta nakangiti siya. Siguro na-wierduhan sa isang taong hindi niya kilala na nakatitig sa kanya na para bang gusto siyang kausapin. At natapos ang sandaling kaligayahan na hindi ko alam kung mauulit pa o hindi.

8:34 ng umaga, kung hindi niya dadalian eh baka maunahan siya ng prof niya sa math. Nag-iba na siya ng bag. Hindi na yung kulay puti na nakasabit sa balikat niya. Mabigat din ata yung dala niyang gamit dahil iba yung porma ng balikat niya. Mabigat nga siguro ang dala niya.

Ang totoo, hindi ko naman siya kilala. Pangalan lang niya ang alam ko. Hindi rin niya ako kilala. At kung magkasalubong man kami sa paglakad ay hindi man lang siya magkaka-ideya na ako pala yung nakita niya. ( may pakialam kaya siya? )

Nagsimula ang lahat sa limang numero, 54333.

Nakita ko ito sa form 5 niya nang iwanan niya ito sa upuan niya upang magbayad ng kinaing pasta sa may eng?g. Buti na lang at clear white yung filecase niya at nagkataon pang nakaharap yung form 5 sa side kung saan makikita anng student number. Hindi ko na nabasang mabuti kung ano ang pangalan niya dahil nakabalik na siya. Hindi niya ako napansin ( husay magpanggap ).

Dumiretso ako sa eng?g lib kasi mas malapit kaysa kung pupunta pa ako sa SC. Baba sa baba at naglogin sa may counter. Unang binuksan ang google kasi may search from pages in the Philippines. Mas narrowed down ang search. Enter ang 2004-54333, alam kong freshman din siya tulad ko. At poof! Lumabas ang link patungong UPCAT results. Buti naman at nandun pa iyon.

2004-54333 Uy, Kathlyn Charmaine Juansing Computer Engineering Passed.

Hmmm.. ano pa ang susunod? Medyo napag-isipan ko na nag bagay na ito kaya diretso ako ng your-ip-was-logged-yahoo-scams-are-not-allowed-here. Dahil dito kaya nabuo ang innocentskye@yahoo.com. Ayaw kasi ng innocentsky, meron na daw ganun, eh ayaw ko naming dugtungan ng number. Medyo alanganin pa nga kasi feminine-sounding yung name. Siyempre hindi ko pwedeng gamitin ang address ko kasi medyo halata naman kung ganun. Para san ang email add, eh hindi ko nga alam ang email add niya?

Ano pa ba ang ginagawa ng user search sa friendster?

Edi nag-open ako ng panibagong account sa kinaaasaran kong site. Ayoko talaga ng friendster, kung hindi lang naging walang kwentang requirement yun dati eh hindi ako magsa-signup dun. Pero mabuti rin naman ito sa mga pagkakataong tulad nito. Sino ba naman kasi ang walang friendster account? (ako) Tsaka dahil dito kaya medyo nakausap ko nang kahit konti yung crush ko nung highschool (hannggang ngayon pa rin), kahit hindi na nadugtungan yung chain ng messages at replies. Asar talaga. (pero ibang kwento na yun)

Continue if you really are friends with Charmaine

Huh? Eh ano ung nakalagay sa index page nyo? You?re there to meet new people w/c will become, if possible, your friends. Bobo pala to eh.

Pero ok na rin kasi nakita ko na yung homepage niya. Isang toy bear , hmmm ewan ko kung ano yun. Pero may lima pang ibang pictures kaya click sa view all pics. Hehe, confirmed na siya nga yung hinahanap ko. At sinned ko na rin ang una kong message sa kanya, hoping na sana sumagot siya by confirming my request for us to be friends.

A week passed pero wala pa rin.

Until one day at chineck ko yung email ko through my sister?s cell. At meron daw akong message galling friendster. Siyempre di ko mabubuksan kaya excited mag-internet kinabukasan para makita yun. At nang buksan na ang messages, nagulat ako kasi ang sabi, Ikaw ba si skye? from Kalay?. Hehe, gusto pa atang pormahan yung inaakala niyang babae pero nagkakamali siya. Siguro naghahanap rin siya pero mas swere ako sa kanya kasi ako, nakita ko yung hinahanap ko. Pero wala pa yung reply.

Mag lolog-out na dapat ako ng biglang nag-red ung alert. May bago daw akong friend. Hehe, tinanggap niya yung request. Sandali lang, edi ibig sabihin, nag-iinternet siya, pero when I tried to talk to her, di naman siya nagreply kaya alis na ko.

Hehe, akala rin niya na isa akong babae kaya pinalitan ko na nga yung pangalan ko. At nabuhay sa komski kuno. Kung gusto mo siyang maging kaibigan, search mo lang sa user search. Sampu lang naman kasi yung kaibigan niya. Akala rin niya na kaklase niya ko sa math kaya nilinaw ko na hindi. Sa sobrang kawalan niya ng ideya, muntik ko nang ipaliwanag sa kanya na isa lang akong walang magawang admirer na naging interesado sa kanya pero sa sobrang torpe ay dinaan na lang sa friendster ang pagkausap sa kanya dahil kapag nakikita siya hindi malaman ang gagawin dahil nag-eerror sa runtime ng isip.

Pero hindi ko sinabi yun, yung iba lang. Normal lang siguro sa kanya ang maka-encounter ng katulad ko.

Nagsimula na nga ang panibagong chain ng messages ng mag-aantay ka pa ng isang lingo para makuha ang reply. Every Monday ata siya nag-iinternet. Sana lang ay hindi siya magsawang magreply. Kahit anong reply tatanggapin ko. Problerma ay kung wala na kaming mapag-usapan. Sana tuloy-tuloy lang to.

Gusto niyang mag-comsci pero gusto kong mag-com eng?g. gara di ba? Di ko siguro siya magiging kaklase. Unless magkapareho kami ng GE course. At merong paraan kasi may kopya ako ng course outline niya hanggang fifth year at buti naman at stated ang ge course nila at sa amin ay hindi kaya pwede kong piliin yung subjects na kukunin niya. Problema na lang ay kung magkakapareho kami ng section. tadhana na lang siguro ang bahala. (yon, pwedeng gawan ng love story. Asar, lakas ko talagang mangarap)

Kelan kaya niya ako makikilala pero as if gusto niya kong makilala. Hehe, bakit ko ba kinunwento ito sa iyo? Eh wala ka rin namang pakialam sa akin, hehe.

It took a thousand and one hundred words and counting just to describe one girl that I don?t even know. Hintayin mo na lang na ikwento ko yung crush ko nung highschool (na hanggang ngayon pa rin). Ilang pahina kaya aabot yun? Pero alam kong hindi sapat ang salita upang ipakilala siya sa iyo. Pero sabi ko nga kanina, ibang kwento na yun. Kung hindi ka sigurado kung sino yun, read my other journals para magkaideya ka.

return 0;

/* end of program*/

tabulastugan ng isang kaluluwa

Posted almost 8 years ago Uncategorized

Napaka-ikli namang araw to, dalawa sa apat na subjects ang may pasok. Maaga pa, buti na lang sinabi kaagad nila na walang pasok sa subjects nila kundi eh nagsayang pa ko ng oras kakaantay. Ano kayang magawa?

Makasakay na nga lang ng dyip.

Nangiti na naman dahil nakita ulit ang ang-iisang Ikot na pangalan mo nakasulat sa harap. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi talaga kita makakalimutan ( pero ayaw ko rin namang gawin yon ). Saya, pero Toki ang kailangan ko, para hindi na ko umikot pa nang malayo para lang makarating ng Vinzons. Baka kasi marami ring walang magawa katulad ko at maisip bigla na mag-mall ( maunahan pa ko sa pila ).

Sabi ko na nga ba, maaga pa pero malas at nagkasabay-sabay parin kaming pumila. Isa?t kalahating punong dyip ang layo ko sa unahan, medyo matagal pa kong mag-aantay. Ewan ko ba kung pano ang sistema nila, pero ilang SM na ang nagdaan pero hindi raw yun ang sasakyan, ayon sa matanda dun. Mahirap talagang mag-antay.

Pero minsan, nakabubuti rin sa akin ang mag-antay. Nagagamit ko kasi ang oras para mag-isip. Pag-isipan ang MP, isang magandang algorithm o kaya isang essay para sa english na kung mamya eh baka mawalan pa ko ng gana paandarin ang utak ko. Natigilan na lang nang biglang nalingon sa may CBA at namataan ang isang pamilyar na mukha (medyo malayo yun pero madali ko talagang nakikita ang mga gusto kong makita). Siya na naman, tanghali ko siya nakakasabay pero baka wala rin siyang pasok. Ilang beses ko na siyang nakasabay pero di ko inaasahan na makasabay ko siya ngayon. Ewan ko ba, pero parang sa tuwing nakikita ko siya, lalo siyang gumaganda. Di ko siya kilala, totoo, pero parang naiimadyin ko na ang ugali niya kasi kamukha mo siya (mula mata, labi, buhok at hugis ng mukha). Siguro nga hindi nalalayo ang ugali niya sa iyo. Sa wala pang sampung minutong biyahe mula UP hanggang SM eh medyo marami na kong napansin na pagkakatulad niyong dalawa, mula sa facial expressions hanggang sa galaw ng mata, nakikita kita sa kanya (o pinipilit ko lang ang sarili kong gawin iyon). Siguro nga lagi kitang hinahanap sa lahat ng makilala ko, yun siguro ang ibig sabihin ng changing one?s life. You changed mine. Masasabi kong iba na kong mag-isip ngayon kaysa noong hindi pa kita nakikilala.

Ewan ko ba, pero buti na lang at hindi niya ko napansing nakatingin sa kanya. Husay ko talagang magpanggap (o baka hindi ko alam na pinalalabas lang niya na kunwaring hindi niya ko napapansin). Naalala ko nang una ko siyang nakita. Magkatapat kami sa dulo nung dyip at nagkahiyaan pa kung sino ang unang bababa pagkarating sa paroroonan. Medyo naimadyin ko siyang ngumiti ng konti, siguro kasi nga heto kami, bababa na lang, hindi pa magkasundo kung sino ang mauuna. Yun ngayon ang ninanais kong makita sa kanya. Sana makita ko siyang ngumiti o kaya matawa kung papalarin. Bakit? Kasi sigurado kong mas maganda siya kung nakangiti, parang ikaw (pero iba parin siyempre yung seryoso ang mukha). Ni hindi ko pa nga rin naririnig ang boses niya, hehe. minsan nung nauna akong nakasakay, talagang inantabayanan ko siyang magsalita nung magbabayad na siya pero laking pagtataka ko nung wala siyang sinabi. In-outstretch lang niya yung kamay niya, hawak-hawak yung bayad, pero wala akong narinig na boses mula sa kanya. Medyo naguluhan ako dun ah. Alam kaya niya na gusto kong marinig ang boses niya o bakapero medyo malayo, hindi kaya siya marunong mag-tagalog? Nasabi ko na ba? Hindi siya mukhang pilipino, not probably japanese, siguro korean or chinese. O kaya naman pipe (hindi naman siguro) o tinatamad lang talaga. Medyo na-wirduhan tuloy ako sa kanya ngayon. Aantayin ko na lang ulit na magkataong parehong dyip ang masakyan naming dalawa. Makikilala ko kaya siya? (iniisip ko na baka pareho kayo ng pangalan)

Maaga pa lang, pero marami na ring tao sa loob. Medyo magulo pero nung malapit na ko sa pinto eh merong hindi pinapapasok na grupo ng estudyante sa loob. Hinarang sila nung gwardiya. Narinig kong sinabi nung guard, STI pa gusto niyo ha, medyo napa-isip ako habang sinisigurado niya na wala akong tinatagong bomba sa loob ng bag ko. Medyo mas mabusisi siya ng konti kumpara nung dumaan ako doon kahapon. Nagulat ako ng pinilit niyang silipin ang bag ko. Siguro kasi maaga pa (o baka wala siyang tiwala sa mukha ko). Medyo enthusiastic pa siya sa araw niya kaya masipag pa. Kapag hapon na kasi, medyo dinadampi lang niya yung likuran ng mga dumadaan (siyempre tinatamad na). Naalala ko tuloy yung entrance sa LRT, pagkatapos kunin yung tiket mo, tatama yung bakal sa likod mo (malayo ba?). Paano kaya kung gumawa ako ng improvised bomb-looking na article tapos dumaan ako dun, tapos protective at nerbiyoso ang dating, hehe. baka hulihin nila ako, kaya wag na lang nga.

Medyo malayo rin ang lalakarin ko papuntang Annex. Pero wala yun kumpara sa nilalakad ko papunta sa mga klase ko kaya ok lang. Air-con, maraming tao, lahat may pinagkaka-abalahan. Ano pa ba ang iisipin ko eh uuwi na ko, kaya deretso agad sa labas. Hainaku, kelan ba mauubusan ng tao? Mainit, ilang beses ko na ring kinuha ang panyo ko para magpunas ng mukha pero tumatagaktak parin ang pawis. Matagal, nakita ko na yata ang lahat ng pwedeng mapuntahang destinasyon kung sasakay ka sa mga bus na nagdadaan. Wala pa ring Del Carmen. Maaga pa, wala parin akong maisip kung paano magiging makabuluhan ang araw ko. Karuhatan, nakita ko na ito ng ilang beses na. Para bang hinihikayat ako na sumakay sa kanya, pero bakit? Bakit ako sumakay sa bus na hindi ko naman hinihintay?

Hehe, halos maasar yung konduktor sa akin dahil wala akong maisagot sa kanya kung saan ko gustong bumaba. Medyo naguluhan nga ako dahil hindi ko nga rin alam kung saan ako patungo.

“Basta dun sa may ano.”
“Eh saan nga dun eh? Gulo niyo naman boss..”
“Sa may ano, hanggang saan ba ?to? Estudyante ko ha.”

Ayos ?tong bus na to. Parang isang malaking full-body massager (o mas appropiate kung agitator). Isandal mo lang ang ulo mo sa upuan o kaya sa bintana at ilang sandali lang eh siguradong daig mo pa ang na-jetlag. Kung hindi ka titingin sa labas ay aakalain mong nasa gilid kayo ng mataas na bundok sa may Cordillera. Sisilip ka sa labas at magtataka dahil sementado at wala namang lubak ang dinadaanan ninyo. Naisip ko na baka isang rough-road simulator ang nasakyan ko.

Malapit na.

Alam kong malapit na kasi iba na yung pakiramdam ko o baka kasi ngayon lang ako napadpad sa lugar na ito kaya parang hindi ako mapakali. Hmmm, hindi pala maayos mag-antay dito. Lahat ng makikita eh naka-uniporme ng puti, magkakasama at nag-uusap. Hanggang sa makakita ng matatambayan na hindi gaanong kalayuan sa harap ng building ninyo. Nakikita ko pa naman ang mga lumalabas na para bang hindi nauubos at tuloy-tuloy. Ngunit wala ka pa rin sa paningin. Ilang oras na rin ang nagdaan pero nandito pa rin ako sa kinatatayuan at naghihintay.

Ikaw ba yun?

Sa wakas at nakita rin kita, kahit halos naaaninag lang ang mukha mo sa ibang tao sa paligid mo. Hindi ko malaman ang susunod kong gagawin. Kahit ito na ang pinakaiintay kong sandali ay hindi ko parin lubos maisip na nakita kitang muli. Natigilan pa rin sa kinatatayuan nang biglang may humarang sa akin. Asar namang sasakyan yun at dun pa tumigil sa harapan ninyo. At nang umalis na ay bigla naman nawala ka at hindi ko na malaman kung saan ka hahanapin. Asar talaga, hindi naman ako pwedeng tumakbo sa lugar kung saan huling nakita ka at isigaw ang pangalan mo ng buong lakas. Sa isang sandaling pagkakataon ay nakumpleto na ang araw ko. Siguro ay sumakay ka na sa dyip upang umuwi na at magpahinga pagkatapos ng mahabang paglalagi sa kolehiyong iyong pinapasukan. Hindi mo man lang siguro nalaman na naroon ako at inaantay ka. Ngunit paano kung nakita mo ako at nalaman mong ikaw ang dahilan ng pagpunta ko sa lugar na ito? Ewan ko kung anong magiging reaksyon mo.

Uuwi na lang akong inaalala ang iyong mukha nakangiti at babalik muli upang umasang baka sa susunod na pagkakataon ay makita kang muli kundi man ay makausap ka kahit ?sang sandali dahil ang magagawa ko lamang ngayon ay mag-antay ng panahon at ipaubaya na lang ang lahat sa pagkakataon.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.