4 years, 3 months ago by komski ayokong mag-pari, wala lang.
sabi kasi ng retreat master namin dati na magpari na lang ako kasi nga dahil dun sa nangyari sa rest in the spirit. kasalanan ko bang ganun yung maramdaman ko?
pero ayoko namang magpari. kahit na iniisip ko na baka dun ako pulutin, sa seminaryo.
siguro kasi i want to speak out to poeple yung mga pagkukulang nila, pagkakamali, kasalanan at kung paano nila magagawan ng paraan yung mga yun. ganda siguro kung makikinig ang isang tao sa sermon mo ng walang reklamo, kasi nga pari ka. siyempre kasi madali kong makita (ewan ko sa iba) kung ano ang problema ng isang tao, dapat siguro nasa psychology ako o kaya behavioral sciences.
sarap pagsabihan yung mga tao sa paligid mo kaya lang gara nga. baka magalit sila pero kung ok lang, sana.
ang malaking pinagkaiba ng lalake sa babae na napansin ko sa pakikisalamuha sa pang-araw-araw na buhay ay ,
pinipilit ng lalake ang isang bagay na gawin kahit alam niya baka hindi niya makaya. tumitigil lang siya kung nagawa na niya ito o kaya ay sinasabihan na siya ng mga tao sa paligid niya na tumigil na.
ang babae naman, (yung mga nakilala ko na dati but not in general), sinasabi nila kaagad na hindi nila kaya kahit kaya naman nila. ginagawa lang nila ang isang bagay kapag wala na silang makitang ibang tao na gagawa ng bagay na iyon para sa kanila.
hindi naman parehong maganda pero hindi rin parehong masama. ang kailangang gawin ay dapat isipin ng isang tao kung kailangang niyang gawin ang isang bagay o hindi. isa rin sa pinakamahalagang bagay na dapat malaman ng isang indibidual ay ang kanyang kakayahan. alam mo dapat kung ano ang kaya mo sa hindi. kung ano nag kakayanin mo hindi, kung gaano mo katagal makakaya ang isang bagay dapat alam mo rin.
hainaku
sarap mangaral sa ibang tao
ayokong maging pari