kundiman

karmi. komski. parehong 20-something. frustrated writer. rockstar wannabe. madrama. naruto fanatic. mahilig kumanta. cam-whore. charmed addict. loves twitter. writer kuno. isip-bata. idol si BO. mastermind ng komski quotebox. makulit. computer geeks. pero mas geek pa din si komski. mababaw ang kaligayahan. 14.

Chat with: karmi | komski | komski
*plugoo chat (opens in new window)

  • Aira Bongco: Wow cute contest. Very nice idea. May questions po ako. Kailangan po ba matagal na yung blog? And also,...
  • enday: waaah… haba ng mechanics.. gusto kong sumali… haha.. hanap nga ako ng problema para madrama...
  • LJ: parang masaya ito! at parang ang galing mo ring mag-market :)) EMO nga ‘tas masaya hahaha. Pero oo, masaya...
  • jeniffer: ang sweet.. malayo man.. mararating din.. parang globe lang.. piniktyur pa talaga hehehe.. :) adik nga raw...
  • pmonchet: Ito na ang pagpapakalat ng contest. ang problema lang baka walang magbasa ng blog ko....
  • Rob: hindi man ako madrama, sadyang malungkot ang buhay ko. hindi nakakapagtaka na sa edad kong ito, hindi ko pa alam...

Subscribe to my feed




September 18th, 2004 | Uncategorized

“Dun ka sa labas ng klasrum hanggang dismissal!”

Walang nag-react sa buong klase, parang walang nagyari. Lumabas ako ng klasrum nang hindi man lang umiimik. Iniisip kung ano ba ang nagawa at ang tanging paraan na naisip ng guro ay ang palabasin ako.

Mahirap mapalabas ng klasrum, lalo na nang nag-iisa. Lahat nagkakalase, tapos ikaw nasa labas, nakasandal sa pader, nakasilip sa bintana, mahirap talaga. Hindi ko na maalala kung bakit niya ako pinalabas.

Nakatikim na ako ng sermon sa halos lahat ng klase ng tao. Sa magulang, kapatid, kaibigan, kaklase, seatmate, janitor, titser, madre, prinsipal, pari, guwardiya pero ang hindi ko malilimutan ay ang masermonan ng drayber ng bus. Pati ba naman siya ay sumama sa listahan, asar siya.

Sandali lang ha

Masaya sa CES. Masayang magpakain ng mga batang hindi mo man lang kaanu-ano. Nakakatuwang magturo sa mga batang maliliit sa loob ng kakarampot nilang klasrum. At ginagawa ang lahat ng ito kapalit ng boring lectures at discussion sa highschool.

Halos linggo-linggo tuwing huwebes ay liliban sa klase ang isang grupo ng mga estudyante para pumunta sa kalapit na public elementary school para magturo sa mga mag-aaral. Magandang excuse para mag-cut ng klase. Kami ang tatayong guro sa mga bata doon. Tatlong subjects lang naman, english , math at religion. Hulaan mo kung ano ang tinuturo ko. Tama, religion. Weird mang isipin pero dati ay isa akong religion teacher, kahit isang oras lang bawat linggo.

Bawat sabado naman ay ibang destinasyon ang pinupuntahan ng grupo. Dun naman kami naglalagi sa kalapit na squatter?s area, dun ba sa may riles ng tren na balak ipaayos ng administrasyon. Nagtuturo ulit kami tapos ay nagpapakain ng mga bata. Dami nila pero kinakaya naman namin.

Masaya sa CES.

Sa susunod, sasagot ka kaagad kung bababa ka.

Asar talaga yung drayber na yun, buti na lang at hindi ko pa nasasakyan ulit yung bus na yon. Malaki ang itataas ng toll fee sa NLEX. Asar naman, lalaki pa tuloy yung pamasahe ko panigurado.

Hala, lagot kayo. Harot kasi eh

Ang galing panoorin ang isang hilara ng mga blackboard na sunud-sunod na tumutumba na parang domino. Breath-taking, natigilan ang lahat kasi pati podium sa stage napatumba, pero walang pumalapak. Konti lang ang nakakita, swerte, kailangang mag-isip kaagad. Pinagtulungang buhatin at tinago ang mga nasira dahil baka may makahuli pang iba. Wala pang ilang minuto at naitago na lahat ng ebidensya. Malinis ang crime scene, di mo aakalaing may nangyaring gulo kani-kanila lang. Pwede nang sumali sa sindikato, hehe. Walang nakadiskubre sa nangyari, buti na lang at hindi pa tuloy kami nagastusan para palitan yung mga nasira.