unang class card sa pagiging college student

No Comments » September 28, 2004 » 1999 days ago
Uncategorized

harhar, nakakuha na rin ako sa wakas ng kauna-unahan kong klaskard sa college harhar.
pambihira,
CS11: Programming 1
anong grado?
edi uno!
tama, isang tumataginting na 1.0
yehey!
whoa!=)
astig….
pero yun lang ang pinasahan kong subject yung iba bagsak, hehe
wala rin, isang uno tapos apat na singko, harhar.

stop to think

No Comments » September 24, 2004 » 2003 days ago
Uncategorized

can we ever stop to think?
even for just a sigle second, if we could stop the flow of
ideas on our minds. could we?
could we make nuerons stop passing messages to each other?
stop axons from receiving information
and dendrites to stop sending them?
maybe not or your brain dead.. hehe
we should not stop thinking but rather
we should stop to think…
we should mind things and not
to be indifferent to them

wala lang

Sabunin mo ako

No Comments » September 18, 2004 » 2009 days ago
Uncategorized

“Dun ka sa labas ng klasrum hanggang dismissal!”

Walang nag-react sa buong klase, parang walang nagyari. Lumabas ako ng klasrum nang hindi man lang umiimik. Iniisip kung ano ba ang nagawa at ang tanging paraan na naisip ng guro ay ang palabasin ako.

Mahirap mapalabas ng klasrum, lalo na nang nag-iisa. Lahat nagkakalase, tapos ikaw nasa labas, nakasandal sa pader, nakasilip sa bintana, mahirap talaga. Hindi ko na maalala kung bakit niya ako pinalabas.

Nakatikim na ako ng sermon sa halos lahat ng klase ng tao. Sa magulang, kapatid, kaibigan, kaklase, seatmate, janitor, titser, madre, prinsipal, pari, guwardiya pero ang hindi ko malilimutan ay ang masermonan ng drayber ng bus. Pati ba naman siya ay sumama sa listahan, asar siya.

Sandali lang ha

Masaya sa CES. Masayang magpakain ng mga batang hindi mo man lang kaanu-ano. Nakakatuwang magturo sa mga batang maliliit sa loob ng kakarampot nilang klasrum. At ginagawa ang lahat ng ito kapalit ng boring lectures at discussion sa highschool.

Halos linggo-linggo tuwing huwebes ay liliban sa klase ang isang grupo ng mga estudyante para pumunta sa kalapit na public elementary school para magturo sa mga mag-aaral. Magandang excuse para mag-cut ng klase. Kami ang tatayong guro sa mga bata doon. Tatlong subjects lang naman, english , math at religion. Hulaan mo kung ano ang tinuturo ko. Tama, religion. Weird mang isipin pero dati ay isa akong religion teacher, kahit isang oras lang bawat linggo.

Bawat sabado naman ay ibang destinasyon ang pinupuntahan ng grupo. Dun naman kami naglalagi sa kalapit na squatter?s area, dun ba sa may riles ng tren na balak ipaayos ng administrasyon. Nagtuturo ulit kami tapos ay nagpapakain ng mga bata. Dami nila pero kinakaya naman namin.

Masaya sa CES.

Sa susunod, sasagot ka kaagad kung bababa ka.

Asar talaga yung drayber na yun, buti na lang at hindi ko pa nasasakyan ulit yung bus na yon. Malaki ang itataas ng toll fee sa NLEX. Asar naman, lalaki pa tuloy yung pamasahe ko panigurado.

Hala, lagot kayo. Harot kasi eh

Ang galing panoorin ang isang hilara ng mga blackboard na sunud-sunod na tumutumba na parang domino. Breath-taking, natigilan ang lahat kasi pati podium sa stage napatumba, pero walang pumalapak. Konti lang ang nakakita, swerte, kailangang mag-isip kaagad. Pinagtulungang buhatin at tinago ang mga nasira dahil baka may makahuli pang iba. Wala pang ilang minuto at naitago na lahat ng ebidensya. Malinis ang crime scene, di mo aakalaing may nangyaring gulo kani-kanila lang. Pwede nang sumali sa sindikato, hehe. Walang nakadiskubre sa nangyari, buti na lang at hindi pa tuloy kami nagastusan para palitan yung mga nasira.

ayokong magpari

No Comments » September 17, 2004 » 2010 days ago
Uncategorized

ayokong mag-pari, wala lang.

sabi kasi ng retreat master namin dati na magpari na lang ako kasi nga dahil dun sa nangyari sa rest in the spirit. kasalanan ko bang ganun yung maramdaman ko?

pero ayoko namang magpari. kahit na iniisip ko na baka dun ako pulutin, sa seminaryo.

siguro kasi i want to speak out to poeple yung mga pagkukulang nila, pagkakamali, kasalanan at kung paano nila magagawan ng paraan yung mga yun. ganda siguro kung makikinig ang isang tao sa sermon mo ng walang reklamo, kasi nga pari ka. siyempre kasi madali kong makita (ewan ko sa iba) kung ano ang problema ng isang tao, dapat siguro nasa psychology ako o kaya behavioral sciences.

sarap pagsabihan yung mga tao sa paligid mo kaya lang gara nga. baka magalit sila pero kung ok lang, sana.

ang malaking pinagkaiba ng lalake sa babae na napansin ko sa pakikisalamuha sa pang-araw-araw na buhay ay ,

pinipilit ng lalake ang isang bagay na gawin kahit alam niya baka hindi niya makaya. tumitigil lang siya kung nagawa na niya ito o kaya ay sinasabihan na siya ng mga tao sa paligid niya na tumigil na.

ang babae naman, (yung mga nakilala ko na dati but not in general), sinasabi nila kaagad na hindi nila kaya kahit kaya naman nila. ginagawa lang nila ang isang bagay kapag wala na silang makitang ibang tao na gagawa ng bagay na iyon para sa kanila.

hindi naman parehong maganda pero hindi rin parehong masama. ang kailangang gawin ay dapat isipin ng isang tao kung kailangang niyang gawin ang isang bagay o hindi. isa rin sa pinakamahalagang bagay na dapat malaman ng isang indibidual ay ang kanyang kakayahan. alam mo dapat kung ano ang kaya mo sa hindi. kung ano nag kakayanin mo hindi, kung gaano mo katagal makakaya ang isang bagay dapat alam mo rin.

hainaku
sarap mangaral sa ibang tao
ayokong maging pari

mind-boggling no-nonsense

No Comments » September 1, 2004 » 2026 days ago
Uncategorized

so lately, been wondr?ng, who will be there

Hindi na ako nagsawa sa kantang paulit-ulit na pinatutugtog sa media player. On repeat, nag-iisa kasing wma file na medyo bago-bago at mas ok pakinggan kaysa sa mga oldies. Masaya ako ngayon kahit wala pa rin akong nakikitang linaw sa kahihinatnan ng pag-aaral ko.

.and maybe, I?ll find out a way to make it back someday

Nakakatuwa ang isang tao. Nakakatuwang isipin kung ano ang maaaring maisip, sabihin at ikilos ng isang kaibigan, kaklase, kabarkada, kapamilya o kaya kapuso. Interesanteng malaman kung ano ang nilalaman ng utak ng katabi mo sa bus, kasunod sa walang hanggang pila sa jeep o kasabay sa pagkuha ng bagsak na exam sa math.

…in your heart, in your mind, I?ll stay with you for all of time..”

Makakanta ko na ito kahit nakapikit ako, paborito talaga. Gayang-gaya na rin yung boses at accent nung singer. Naririnig ko sa labas ng kwarto ang sigaw ni lorelie dahil sa tumubong mukha sa likod ng ulo niya, hehe. Galing niyang umarte, theater arts kasi.

Nakakatuwa talaga ang araw na ito. Una, maysakit yung math teacher ko, edi walang klase. Tapos, ok yung discussion sa english, walang kwenta, as always. Wala ring pasok sa philo na hindi ko alam kung magkakaklase pa kami dahil simula nung june ay nakakatatlong discussion pa lang kami. Pasado rin ako sa bowling namin, 80, hindi man highest ay mataas na rin yon kahit paano. Masaya talaga ang araw na ito.

If I could, then I would, I?ll go wherever you will go

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.