Korni korn korn

No Comments » January 29, 2005 » 1618 days ago
Uncategorized

korny talaga ako
mas korny pa sa tinubuan ng mais sa mukha
mas korny pa sa math professor na korny ang punchline
mas korny pa kay JM Rodriguez na ang nakakatawa lang ay ang ilong
mas korny pa sa unang natanggal sa clown in a million

korny talaga ako
mas korny pa sa joke book sa national bookstore
siguro mas korny pa dun sa joke book sa katabing goodwill
mas korny pa sa barberong tawa lang ng tawa
mas korny pa sa platoon leader namin na korny,
na sa tingin niya ay nakakatawa ang push-ups
mas korny pa sa old maid namin

korny talaga ako
korny sa mga salitang sinasabi
korny sa mga kilos na ginagawa
korny sa kalokohang itinatago
korny talaga, sobrang korny

sa sobrang korny
talo ko pa ang nestle na gumagawa ng corn flakes

korny talaga, hehe, korny…
kornikornkorn

Data Bit Degradation

No Comments » January 26, 2005 » 1620 days ago
Uncategorized

Nagdedegrade na yung pc namin. Kakailanganin mo ng kalahating oras sa kakarestart bago mo ito magamit ng matino. Bummer, hindi ko nga alam kung ano ang may problema,kung yung hard drive ba o yung processor, bummer talaga.

Inabot ako ng mahigit tatlong oras sa pagdownload ng java documentation nung sabado. Tagal no? 32MB yung zip file, at ang bagal nung download rate, dial-up kasi eh. Hindi na nga ako nag-surf dahil baka lalong bumagal pero nag-chat naman ako sa messenger.

Regional Philippines.. User rooms.. BobOng Pinoy room

Uy, may room si bob ong, makapasok nga. Ayus, kahit apat lang kami, na naging tatlo at di nagtagal ay dalawa na lang, maayus pa rin yung usapan, nagkakaintindihan. Mas maganda talaga kung konti ang chatters, hindi magulo ang usapan.

Ok lang palang mag-antay ng tatlong oras.

Nakita ko yung link sa home ng blogista.com sa may prendster (hindi friendster). Sumali daw kami, kaya ayun, sumali nga ako. Free blogsite, but unlike others na magpopost ka ng entries tapos makikita mo kagad. Dito, ikaw mismo yung gagawa ng page. Mhairap na trabaho di ba? Pero mas malawak yung freedom siyempre. Mas made-develop rin yung skill ko in pursuing web development. Para na rin may babagsakan ako kapag na-out ako sa comsci.

Mas ok kesa dun sa geocities, dito na lang siguro ako magse-settle. May support pasa sa CGI o common gateway interface, pero hindi ko pa alam kung paano gawin yun. Nandito parin ako sa javascript. Naayos ko na yung picture game ko, hindi kasi malaro nung nasa geocities eh. Ok na ngayun, dineklara ko na nga yun dun sa chauvet forum.

Academics na ngayon ang buhay ko, pati na itong programming, hobby ko na ang mag-program, ang totoo, ang gumawa ng laro. Yun ang isa pang kababagsakan ko, game development.

Pero eto ang pinakamasaklap sa lahat, I try hard to pero hindi ko talaga kayang maging graphic at layout artist. Mahirap. Programming muna ko, long term goal ko na yun.

Siguro nga marami ang IT graduates ngayon kaya mahirap ang kompetisyon, kaya nga pinagbubuti ko eh. Ayoko nang lumipat ng course. Pero kung nagkataon, ECE ako pupunta.

Mid-term goal ko ngayun ay ang matutunan kung paano mag-store yung website ko ng file dun sa web Server tapos kapag online ako, tsaka ko i-checheck kung anong na-save dun sa file. Paano kaya yun? Plano ko ring gumawa nung parang sa proboards.

Ayoko kasi na mga nakalagay sa ibaba ng page na kung anu-anong advertisements at links na responsibilidad ng isang website kung gumagamit siya ng free service.

Meron na rin akong .tk, ano pa edi komski.tk, ngayon, nakapoint pa ata siya sa geocities site ko. http://komski.tk o http://www.komski.tk

Libre rin siyempre. Estudyante pa lang ako eh.

Basta, aspiring computer scientist, programmer, web master, game developer, graphic artist ako. Parang cocc.

public static void main ( String args[ ] )

No Comments » January 14, 2005 » 1633 days ago
Uncategorized

Paano kaya kung ang buhay ay parang isang java program? Siguro mas magiging maayos.

May exceptions catching, hindi mag-cocompile kapag hindi mo sinigurado handa yung program mo kapag naka-encounter ng kahit na anong posibleng error.

Pero malayo ito sa tunay na buhay.

Mas marami ang mga tao na kilos lang nang kilos, gawa lang nang gawa pero hindi naman iniisip ang mga kahihinatnan ng mga ito. Padalos-dalos, nagmamadali.

Kaya naimbento ang salitang pag-sisisi. Sana isang java program na lang ang lahat.

Ayus nga, sasabihin pa sa yo nung compiler kung may nakita siyang posibleng mag-create ng error.

Pero hindi, halos wala tayong ideya sa kung ano ang kapalaran natin. Kung ano ang mangyayari sa susunod na araw o kaya sa susunod na oras. Baka hindi natin alam, huling araw na pala natin ngayon, at nag-aaksaya pa ako ng oras sa kakasulat ng blog na ito.

Hindi natin kontrolado ang lahat. Sana isang java program na lang ang lahat. Safe at secured.

Hindi tulad ng mundong kinagagalawan natin. Maraming gulong nagyayari, kahit sa tabi-tabi lang. Minsan akala natin ok lang ang mga ginagawa natin pero hindi pala. Nakakasira pala tayo sa iba o pati na rin sa sarili natin.

Magulo.

Sana isang java program na lang ang lahat. May boundaries checking.

Totoo naman ito, hindi naman lahat pwedeng gawin, hindi lahat pwedeng pasukin.
Pero ano ang ginagawa ng mga tao?
Hindi natin alam kung kelan dapat huminto, kelan hindi na pwede.
Pero kahit alam na nga na mali na ang lahat, kahit nagmamakaawa na ang lahat na huminto tayo, wala pa ring epekto, tuloy pa rin.

Siguro nga, try and try until you die.
At ano paano kung alam na nating mali na tayo? Hindi natin ito aaminin. Pilit hahanap ng mapagbubuntungan ng sisi. Saan pa ba hahantong ang lahat?

Sana isang java program na lang ang lahat. May garbage collector.
Parang gawa lang tayo ng basura, mga walang kwentang bagay tapos yung gc na yung bahala para linisin ang ikinalat ng tao.

Pero mali pala yun, hindi dapat ganito.

Ang lahat ng mali, dapat harapin ang consequence. Hindi tinatakbuhan, hindi kinakalimutan, tinatanggap dapat.

Maraming mapapansing mali sa mundo, sa tao, sa sarili.
Saan pa ba ito hahantong?

Sa hinabahaba man ng function,
Sa return statement din ang tuloy.

Siguro nga parang isang program lang talaga ang lahat, may katapusan.
May oras ang bawat isang upang makita ang sarili niyang return statement.

Return? Kanino? Edi sa sa Kanya. Lam mo na yun.

Ang problema, ano ang i-rereturn natin?

Nasa sa atin na yun, kung 0, 1.25, ?X?, “ayus”, true o void.

aaaah! wala lang

No Comments » January 13, 2005 » 1634 days ago
Uncategorized

medyo naaalala ko yung commercial sa radyo tungkol dun sa movie na polar express, sabi dun: “you know kid, the most real things are those that you cannot see.”

well, siguro nga.

umulan kahapon, mga bandang alas onse ng umaga dito sa may diliman. natpos tuloy ng di oras yung p.e. namin.

sana talaga umayos na yung mga gov’t officials natin. ngayon, itutuloy pa nila yung electoral protest ni FPJ. Para san pa? para lalong gumulo ang bansa? para malaman ang totoo? kapalit ng kaayusan? kung nanalo si FPJ, edi lalong napaaga yung pagkamatay niya sa dami ng trabaho ng isang presidente. gara talaga. tpos meron pang signature campaign para tumakbo si susan roces. buti na lang ayaw niya sa politika, pero ayaw din naman dati ni FPJ sa pulitika. Ayaw naman ng lahat sa pulitika, kundi lang dahil sa pera at kapangyarihan eh baka wala nang tumakbo.

sana talaga umayos na sila. baka mamya, makisama na lang ako dun sa mga nangingibang bansa para makalayo sa kaguluhan, hehe. pero hindi yon nakakatawa. ano ba talaga ang totoo?

babangon ako sa higaan, tapos maghahandang pumasok sa school. makikinig sa boring lectures, magsasagot ng madugong exams, tapos uuwi para matulog, haay. ewan. siguro im sick and tired of living. siguro nga. maghihintay na lang ako sa kamatayan ko. pero until then, gigising pa rin ako, maghahanda sa school. makikinig sa mga boring lectures, magsasagot ng mga boring exams.

ayoko sa lahat ang mag-antay.

mabuhay ka batman

No Comments » January 3, 2005 » 1643 days ago
Uncategorized

langyang sunog yan, kumitil pa ng pitong katao. garang isipin na kadaraan lang namin dun sa mga tindahan na yon bago naganap yung pagsabog. garang isipin na kung na-late lang ako ng ilang minuto sa pagigising, kung natrapik lang kami kahit kaunti, kung naisipan naming bumili rin ng paputok, siguro ay hindi lang pito ang namatay. buti na lang ay medyo malayo na kami, pero gara pa ring isipin. ayoko ng trahedya. masakit makita ang pagdurusa. magara talaga ang buhay.

nagtangkang magpakamatay nung kaklase ng ditse ko nitong bakasyon. uminom ng baygon. minura daw siya ng tatay niya. eh, dinamdam, nsa icu na siya ng east ave med ctr.

sa may palengke, bisperas ng pasko
maraming tao sa palengke
nagtitinda kami sa may tabi
nang biglang may nagcollapse,
convulsion, masyado sigurong nainitan
ang magara, lam ko bata lang ang nagkakaganun
pero teenager na babae siya
binuhat ng tatay ko at isinakay sa traysikel
dinala sa ospital pero hindi ko na alam kung
ano ang nagyari. wala namang sigurong
nangyaring masama. sana

dalawa ang nakita kong taong nabunggo sa tabi ng pwesto namin sa palengke
isang ale at isang matandang lalaki
nabunggo pareho ng motorbike
isa nung tanghali, yung matanda nung hapon
buti na lang hindi masyadong nasaktan.
kahit na natumba na yung babae

gara talaga..

biglang maraming nagtakbuhan
may nanakawan pala
di ko alam kung nahabol pa, hindi siguro

tapos habang nag-aantay ako dun sa termunal ng bus sa divisoria
nasubaybayan ko pa dun sa katabing kainan ang isang lalaki
at kung ano ang gimik niya para hindi magbayad
pagkatapos kumain…. madugas

bata kasi yung nagbabantay.
sabi nung lola niya
“Hayaan mo, masasaksak din yon.”

magulo ang mundo
sana totoo ang mga superhero
sana

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.