Paano kaya kung ang buhay ay parang isang java program? Siguro mas magiging maayos.
May exceptions catching, hindi mag-cocompile kapag hindi mo sinigurado handa yung program mo kapag naka-encounter ng kahit na anong posibleng error.
Pero malayo ito sa tunay na buhay.
Mas marami ang mga tao na kilos lang nang kilos, gawa lang nang gawa pero hindi naman iniisip ang mga kahihinatnan ng mga ito. Padalos-dalos, nagmamadali.
Kaya naimbento ang salitang pag-sisisi. Sana isang java program na lang ang lahat.
Ayus nga, sasabihin pa sa yo nung compiler kung may nakita siyang posibleng mag-create ng error.
Pero hindi, halos wala tayong ideya sa kung ano ang kapalaran natin. Kung ano ang mangyayari sa susunod na araw o kaya sa susunod na oras. Baka hindi natin alam, huling araw na pala natin ngayon, at nag-aaksaya pa ako ng oras sa kakasulat ng blog na ito.
Hindi natin kontrolado ang lahat. Sana isang java program na lang ang lahat. Safe at secured.
Hindi tulad ng mundong kinagagalawan natin. Maraming gulong nagyayari, kahit sa tabi-tabi lang. Minsan akala natin ok lang ang mga ginagawa natin pero hindi pala. Nakakasira pala tayo sa iba o pati na rin sa sarili natin.
Magulo.
Sana isang java program na lang ang lahat. May boundaries checking.
Totoo naman ito, hindi naman lahat pwedeng gawin, hindi lahat pwedeng pasukin.
Pero ano ang ginagawa ng mga tao?
Hindi natin alam kung kelan dapat huminto, kelan hindi na pwede.
Pero kahit alam na nga na mali na ang lahat, kahit nagmamakaawa na ang lahat na huminto tayo, wala pa ring epekto, tuloy pa rin.
Siguro nga, try and try until you die.
At ano paano kung alam na nating mali na tayo? Hindi natin ito aaminin. Pilit hahanap ng mapagbubuntungan ng sisi. Saan pa ba hahantong ang lahat?
Sana isang java program na lang ang lahat. May garbage collector.
Parang gawa lang tayo ng basura, mga walang kwentang bagay tapos yung gc na yung bahala para linisin ang ikinalat ng tao.
Pero mali pala yun, hindi dapat ganito.
Ang lahat ng mali, dapat harapin ang consequence. Hindi tinatakbuhan, hindi kinakalimutan, tinatanggap dapat.
Maraming mapapansing mali sa mundo, sa tao, sa sarili.
Saan pa ba ito hahantong?
Sa hinabahaba man ng function,
Sa return statement din ang tuloy.
Siguro nga parang isang program lang talaga ang lahat, may katapusan.
May oras ang bawat isang upang makita ang sarili niyang return statement.
Return? Kanino? Edi sa sa Kanya. Lam mo na yun.
Ang problema, ano ang i-rereturn natin?
Nasa sa atin na yun, kung 0, 1.25, ?X?, “ayus”, true o void.


![E[kwento]MO: bawat emo, may kwento.](http://kundiman.net/wp-content/uploads/2008/09/emo-5-small.png)







