kundiman

karmi. komski. parehong 20-something. frustrated writer. rockstar wannabe. madrama. naruto fanatic. mahilig kumanta. cam-whore. charmed addict. loves twitter. writer kuno. isip-bata. idol si BO. mastermind ng komski quotebox. makulit. computer geeks. pero mas geek pa din si komski. mababaw ang kaligayahan. 14.

Chat with Us

Plugoo: karmi | komski: 1, 2
Y! Messenger: karmi | komski

  • glesy the great: ahehe… kaw naman.. di naman ineng… basta ba may nakakacarry pang magbasa ng post mo okay...
  • joshmarie: isan-libo at isang tears i mean 3 tears para sa Lamentations of a Withered Tin Can ni ron. :) hindi pwede...
  • joshmarie: 3 tears for longing by ice :) hindi pwede na dalawang entry ang bigyan ng 3 tears.
  • dzerom: 2 tears for enday…
  • rio: 3 tears for yods 2 tears for teresa 1 tear for ice gudluck sa lahat ng sumali=)
  • andeng: i vote for enday =) vote counted.

Thank you!

Subscribe to my feed




February 23rd, 2005 | Uncategorized

isa itong reaction papaer na pinasa ko para sa natural science 1: Physics part. Pinanood kasi namin yung Hyperspace, tungkol sa kung anu-ano. Pero ang masasabi ko lang, astig yung visual effects!

Hyperspace

Ang galing, nanggaling pala tayong lahat sa mga bituin mula sa kalawakan, ang garang isipin di ba? Lalo tuloy dumami ang mga tanong ko tungkol sa mundong ating kinagagalawan. Kung saan ba talaga tayo nanggaling? Paano nangyari ang lahat ng ito? Weird, medyo magulo. Saan nanggaling yung primordial atom na sumabog noong Big Bang? Hindi ko pa rin lubusang naiintindihan. Nadagdagan rin ang nalalaman kong paraan kung paano magugunaw ang mundo. Yung ay ang pagbulusok nito sa isang padaang black hole. Pero buti naman at mauuna muna akong mamatay bago mangyari yun. Hindi ko mararanasan na magkahiwahiwalay ang mga molecules ko sa aking katawan, ngunit bago pa noon ay matutunaw muna sa sobrang init ng sikat ng papalapit na araw.

Pero bonus na lang siguro kung malaman natin ang mga ito. Parang ?Did you know that?? na part sa isang trivial na aklat. Na nakasingit lang sa gilid ng mga pahina. Nakakatuwang basahin kasi nga hindi mo alam dati, pero ito ay pang-dagdag lang sa totoong nilalaman na teksto ng libro. Hindi ito ang pangunahing dahilan kung bakit gusto ng may-akda na basahin mo ito. Parang yung libro ang buhay, ang Diyos ang may-akda at tayo ang nagbabasa. Hindi siguro tayo dapat gumugol ng sobra-sobrang oras para sa mga nakasulat sa gilid kundi doon sa mismong nasa gitna ng pahina, kung ano ang talagang mahalaga. Para sa akin, siguro out muna ko sa pagtingin-tingin sa kalawakan para maghanap ng mga dambuhalang kumakain ng mga bituin. Siguro ok pa para dun talaga sa ganito ang trabaho kasi mabuti nga naman na isipin nila kung ano ang gagawin natin sakaling may maganap nga na mga di inaasahang pangyayari. Pero kung ilang libo kundi man milyong taon bago pa mangyari ito eh bakit naman nila gugugulin ang lahat ng oras nila para mamoblema, eh marami na nga ang pinoproblema ng mundo sa ngayon. Kung ibigay na lang nila sa kawanggawa ang perang ginugugol nila sa mga antena ng radyo at malalaking teleskopyo. Edi napigilan pa nila ang pagkamatay ng maraming tao sa iba?t-ibang parte ng mundo ngayon. Harapin ang mga problema sa kasalukuyan para magkaroon pa ng bukas. Baka mamya eh plano nang plano para sa pagkagunaw ng mundo sa malayong hinaharap, pero hindi naman iniisip na baka hindi na tayo umabot doon dahil sa hindi pagharap sa mga problema natin ngayon. Tamang paglaan lang ng oras at yaman ang kinakailangan.

February 18th, 2005 | Uncategorized

Ang buhay ng tao dito sa mundo ay parang nang sa isang website sa internet. We are just one part of the whole thing, we cannot live alone, maraming links, papunta dito, doon, kung saan-saan. may mga sites na restricted, yung iba well advertised. May mga web giants, meron kung umasta parang friendster o kaya yahoo mail. Pero meron din naming small personal sites na parang blog, tama blog. may mga sites na maganda sa paningin pero hanggang dun na lang. Punong-puno ng graphics at mga flash animations pero kulang naman sa content. parang ibang tao na dinadaan na lang sa itsura. Yung iba naman, halos puro text lang talaga, pero bawat letra mahalaga, bawat salita mapapakinabangan. siguro may kakilala ka na ganito. ang madalang na makita ay ang site na maganda ang layout at user-friendly at lalong mahalaga ay maganda rin ang content. Sing dalang ng tao na halos kung titignan mo perpekto na, kulang na lang ng pakpak, lilipad na.

ikaw anong klaseng website ka?

at dahil napag-usapan na rin lang ang mga website, isama na rin natin ang paano ito nakikita, siyempre kailangan ng browser. Pero hindi lahat ng browser pare-pareho. yung iba luma ang version, pwedeng kulang sa plug-ins, hindi enabled ang java o kaya nasa maximum level ang security settings kaya hindi pwede ang cookies. kaya di ba may mga site na hindi pwedeng tignan sa ibang browsers?

kaya nga may mga prefferred system requirements. kailangan ganito yung resolution o kaya color-depth. iba-iba talaga.

anong koneksyon?

Dahil sa mga pagkakaibang ito, hindi sa lahat ng pagkakataon ay maayos na lumalabas ang isang website sa screen. gaya ng paglabas ng isang tao sa paningin ng iba. kung mababa ang resolution, hindi lahat ng parte ng site nakikita. you do not see the whole picture. Pero madaling maghusga ang mga tao, kahit hindi pa nila alam ang lahat sa isang tao, kung anu-ano na ang iniisip.

different people view other people diffrently.

malay mo, kaya kayo hindi nagkakaintindihan ng mga parents eh kasi luma ang version nila. baka mamya kulang sa plugins yung kaaway mo sa iskul, o baka hindi java enabled ang bago mong boyfriend.

at para idagdag sa listahan ng mga mahirap hanapin na tao ay yung magandang tignan sa kahit na anong klase ng browser?

Yung website mo? saan lang pwedeng makita ng maayos yun?
Baka mamya IE 6.0 and higher lang.

komski orgfree com

February 17th, 2005 | Uncategorized

2 teams…
20 members each…
who will outplay, outwit, outlast?
Survivor: Softball

Bigla ko na lang na-realize na pwedeng idagdag sa survivor series ang softball classes namin after ng vanuatu. Pano ba naman daig pa ang quest for survival. Lakas ng kompetisyon. parang reward challenge ang bawat laro. ang reward? ano pa edi ang karapatang mag-trashtalk! at hindi lang basta trash talk, sobra sobrang trashtalk.

Kaya lang, kami lagi ang panalo kaya ano, edi, kami ang maangas, hehe. Pati nga kami naangasan sa sarili namin eh.laging immunity challege kasi kung natalo ka, baka mapilitan kang mag-drop. at ayaw mo namn siyempre yun. Marami na nga ang nawala eh, kasi absent nang absent.

At nito lang miyerkules. naganap ang hindi inaasahan ng parehong kupunan.

isang merge.

Lalong naging mahipit ang labanan. At hindi pa nagtapos don ang kababalaghan. Nagkaroon ng lipatan. Nilipat ako sa kabilang tribo. masaklap. dun sa laging talo. dun sa laging asar kasi sila yung lagi naming pinapatamaan ng trashtalk. Masaklap.

Masaklap talaga.

outplay, outwit, outlast… Survivor: Softball.

/* panget kong magkwento no? kasi wala sa mood eh, baka i-retype ko na lang ulit to. */