ang pinagmulan
bago magsimula ang paglalakad mo
bago mo gawin ang unang yapak paglabas ng pinto
bago mo pa sabihin na “Ma. alis na ‘ko.”
isipin mo muna kung saan ka patungo.
mahirap maglakad ng walang patutunguhan
hindi mo alam baka bigla kang masagasaan
masagasaan ng rumaragasang katotohanan
na ikaw pala’y walang kinabukasan
kaya’t sumama na sa aking tambayan
ok lang kung gusgusin ka at walang kamalayan
sabay tayong lalakad, ikaw at ako sa daan
tutunguhin natin ang walang hanggan.
Dito, tama, dito kung saan ang lahat ay ibabawas
sa kung ano ang meron at ang malalabi ay ang wala.
Wala, na kung saan labis na maipararating
ang tanging nilalaman ng saloobin.
Dahil sa kawalan, walang sagabal, walang hadlang,
walang makapipigil sa ating kamulatan.
tara na, tawid na,
kumuha na rin ng konting barya
para sa fishball ni aling nena.
sidewalk series: kwentong kanto
ni cornyscience




