kuntento

No Comments » March 24, 2005 » 1823 days ago
Uncategorized

Alam ko na ito kaya hindi mo na kailangang ipaalala pa

malaki nga ang problema ng mga tao. Malaki, marami, iba-iba, parang sakit na hindi nararamdaman. Akala mo hingal lang, asthma na pala. Parang sakit lang ng ulo pero yun pala, may namumuo nang tumor. Hindi namamalayan, nababalewala lang, binabalewala lang.

Isang mahirap na project, final exams, pagsasalita sa stage, paglelead sa flag ceremony, pagsali sa isang patimpalak, pag-aaral, paghahanap ng trabaho, panliligaw, pagrerecite sa klase, paggawa ng asaynment. Hindi talaga maiaalis sa isang araw ng paninirahan dito sa mundo ang mga pagsubok na tulad ng mga ito. Gaano man ito kaliit o kalaki, mahirap man o madali, itinuturing pa rin itong susubok sa ating kakayahan. Siguro iniisip mo na alam mo na yan, hindi ko na kailangang ipaalala. Tama ka. Yan naman ang iniisip ng lahat. Pati na rin ako.

“Alam ko na yan, hindi mo na kailangang sabihin pa.”
“Anong akala mo sa akin? Bobo? Matagal ko nang alam yan.”

Pero alam nga ba natin kung ano ang talagang kabuluhan ng lahat ng ito? Hihinto na lang ba ang lahat sa kaalaman? Hindi naman ang nalalaman ng isang tao ang mahalaga. Bakit?

Sino ba ang hindi nakaaalam ng kaibahan ng mabuti sa masama? Sino ba ang hindi alam ang ibig sabihin ng bawal magtapon ng basura dito, o bawal umihi dito at kung lagi ka sa may edsa, bawal ang tao dito? Mahirap bang intindihin ang ibig sabihin ng mga salitang ito? Marahil hindi, dahil paniguradong alam ng lahat iyan. Pero hanggang dun na lang ba ang lahat?

“Alam ko na yan, hindi mo na kailangang ipaalala.”

Siguro iniisip mo na ang babaw naman, eh ano kung magkalat ka minsan ng isang balat ng kendi sa kahabaan ng kalsada? Iisipin mo na wala lang yun, aanudin lang ng tubig kapag umulan. Ok lang, ngayun lang naman.

Ganun din ang iniisip ng isang bata habang kumukupit ng limampiso sa wallet ng kanyang nanay. Ok lang to, hindi naman mapapansin ni nanay na kulang ng limampiso.

Pati ang kinse-anyos na isinama ng kanyang kabarda para uminom. Una lang ?to, hindi naman ako uulit. Konti lang, hindi ako malalasing. Parang wala lang.

At kapag inaya na rin siyang mag-droga. Una lang ?to, hindi naman ako uulit. Konti lang, hindi ako maaadik. Parang wala lang.

At pag nawalan ng pambili ay magnanakaw. Una lang ?to, hindi naman ako uulit. Konti lang, hindi ako masasanay. Parang wala lang.

At kapag lumaban ang kanilang pinagnanakawan ay makakapatay. Una lang ?to, hindi naman ako uulit. Konti lang, hindi ako mahuhuli. Parang wala lang.

Pati na rin siguro ang mga opisyal na nangungurakot. Ok lang to, wala namang makakaalam. At kapag nahuli ay, Balat ng kendi lang naman ang itinapon ko ah, bakit hindi ninyo hulihin yung nagtatambak ng nuclear wastes? Dapat sila ang hulihin niyo, hindi ako. Kagaya nga ng laging naririnig sa love radio 90.7, Tagos ba?

Maliit man o malaki, madali o mahirap, sinusubok pa rin nito ang ating pagkatao.

Pangongopya ng asaynment, sasabihing trapik pero ang totoo, late lang talaga ng gising, panunukso, pagsasabi ng put*, bisyo, sugal, panloloko, dagdag-bawas sa eleksyon, pagnanakaw sa kaban ng bayan, pagpatay.

Sana hindi mo na lang sinabi na alam mong mali yun. Sana nagkunwari ka lang na ngayon mo lang ito narinig at nang sa gayon ay hindi na ako nadismaya sa ginawa mo. Para hindi na sana nabawasan pa ang paubos ko nang pag-asa na muli pang makakabangon ang bayan natin.

Balat ng kendi lang yan, wag mong masyadong damdamin. Pero ang pinakamalaking epidemya na nakakapatay ng milyon-milyon ay nagsisimula sa isang virus na hindi naman nakikita ng mata. Isang pagkakamali lang sa DNA ng isang cell mo sa katawan ay magiging abnormal ito at magiging sanhi ng kanser.

Ipagpalagay na nating, alam nating lahat ang lahat ng ito. Anu ngayon?

—>

“Ang sakit ng ulo ko…”
“Kumain ka ba kanina? Baka nalipasan ka lang.”
“Baka nga samahan mo nga ako sa canteen”

Siguro habang binabasa mo ito ay may nagawa ka nang kahit ilan lang na pagkakamali. Isang maling letra sa testpaper, mali mong nasabi sa kasuyo mo, nakalimutan mo yung sinaing, hindi magkapareha ang suot mong tsinelas, sabi mo bukas pero ang totoo, hindi ka naman sigurado. Anu nga naman ang magkamali ng isang beses?

Kinabukasan,
“Ang sakit uli ng ulo ko, parang kahapon.”
“Baka may migraine ka, may oras yun di ba?”
“Baka nga samahan mo nga ako sa clinic.”

Pero ang unang beses ay nauulit pa, at kung minsan ay hindi na talaga napipigilan. Para ngang migraine, aasahan mo na sasakit ang ulo mo sa ganitong oras, sa ganitong pagkakataon. Iisipin mo na talagang mangyayari to, at pagkaraan ay lilipas din, at muling babalik sa susunod, sa madaling salita, nakasanayan na.

Anong ibig sabihin ko? Akala ko ba ay alam mo na ito at hindi ko na kailangang ipaalala pa? Kailangan pa bang imemorize yan? Bisyo na ?to.

Na sa sobrang sanay na sa paggawa ng mali ay inaakala na na ito marahil ay tama at katanggap-tanggap. Magbigay ka nga ng example? Itaas mo na ang kamay mo kahit wala ka pang sagot.

“Ano ba yan, uminom na nga ako ng gamot, wala pa ring bisa.”

Iisipin ng isang tao kung ano ang gusto niyang isipin. Madalas ay kung ano ang kakayanin ng pilosopiya nila sa buhay. Yung rason na matatanggap nila, yung parang yun nga, siguro. Kung ano ang idadahilan nila para hindi sila magmukhang nagkamali. Walang bisa ang gamot kaya masakit pa rin ang ulo ko. Mahirap kasing magbigay ng test yun eh. Mababa talaga siyang magbigay ng grade.

Pwedeng tama, pero pwede ring mali. Swertihan na lang. Swertihan na lang? hehe.

Nanay: Bakit ayaw mong mag-aral?
Anak: Hindi naman lahat ng nag-aaral nagtatagumpay, swertihan lang yan.
Nanay: Anong gagawin mo ngayon?
Anak: tatambay lang, aantayin ko ang swerte ko.

Kaklase1: nag-aral ka ba?
Kaklase2: hindi. Kung papasa ka naman, talagang papasa ka.
Kaklase1: Eh paano ka naman papasa kung di ka nag-aral?
Kaklase2: Swertihan lang yan, bahala na, bagsak kung bagsak.

Botante1: Sinong iboboto mo?
Botante2: Kahit sino, pareho lang yun.
Botante1: Pareho? Alin?
Botante2: Kahit sino naman ang umupo dyan, wala ring mangyayari. Ok lang kahit sino.

Huwag mong isipin kung ano ang gusto mong isipin. Tanggapin ang katotohanan. Kumilos nang naayon sa sitwasyon. Mag-isip ng tama.

At sa wakas ay nagpadoktor,
“Dok, ano po ba ang problema ko?”
“Ayoko mang sabihin pero malala na ang tumor mo sa utak Hindi na ito maaagapan pa ng gamot o ng operasyon, pasensya na.”

Nasa huli talaga ang pagsisisi, kung kailangan wala nang magagawa pa, kung kailan tapos na. Kung nalaman ko lang sana nang mas maaga, hindi sana ito aabot sa ganito.

Sana hindi mo na lang sinabi na alam mong mali yun. Sana nagkunwari ka lang na ngayon mo lang ito narinig at nang sa gayon ay hindi na ako nadismaya sa ginawa mo. Para hindi na sana nabawasan pa ang paubos ko nang pag-asa. Pero tapos na, wala tayong magagawa pareho kundi magpatuloy sa kung ano ang meron tayo ngayon.

Kaya tayo may tenga ay para makinig, kaya tayo may bibig ay para magsalita, kaya tayo may mga kamay ay para tumulong, kaya tayo may mga paa ay para kumilos. Marahil ay sawa na tayo sa mga pangaral na tulad nito. Paulit-ulit na lang, pareho lang naman ang sinasabi. Iniba lang ang ayos ng mga salita pero yun din yon.

Alam ko na yan, hindi mo na kailangang ipaalala pa.

i not stupid

3 Comments » March 19, 2005 » 1829 days ago
Uncategorized

medyo mahaba ang istorya. hmm, hindi pala masyadong mahaba pero sobrang daming tinalakay na mga bagay. kahit na sa singapore yung kwento, pwede pa ring maihalintulad sa ibang nationality. maganda talaga. sayang di mo napanood.

Mga tinalakay sa palikula ay:

mga batang bobo, sobrang baba di ba ng tingin nila sa mga bobo kaya suyempre mga panlalait. yug isa nga sinasaktan na nung nanay para mag-aral. tapos nung bumagsak siya ulit sa exam, tinangka niyang magpakamatay. isang 11 year old na magpapakamatay dahil sa grades, gara di ba?

mga magulang na dominating. hindi na kailangnag mag-isip nung mga anak kasi wala rin namang magagawa kung kokontra sa magulang. kaya siyempre dalawa ang kalalabasan, kundi magrebelde, magiging alipin ng pilosopiya ng kanyang nanay, eh sakto yung anak niya dalawa kaya parehong nagyari.

pagpapahalaga sa kaibigan. siyempre kung anu-ano. bugbugan, pang-aapi ng kaklase(kasi nga bobo). pati ang pagtestigo sa totong nangyari. Madalas kasing mahuli sa gulo kaya sa opis napupunta. pero ang totoo, wala silang kasalanan. Eh ayaw magsabi ng totoo nung isang witness na kaibigan nila kasi daw sabi ng nanay niya, wag siyang makialam sa iba. (tama, siya yung anak nung dominating mother)

pagmamahal sa magulang. yung nanay na sinasaktan yung anak ay may leukemia pala. kaya nagsumikap yung anak na mag-aral na nga ng todo. eh sabi ng kaklase niya. sa tagalog “Buti nga yun, pag wala na siya, wala nang sasakit sa iyo.” ang nagsabi yung anak nung dominating mother. edi sinapak niya yun kasi mahal niya yung nanay niya.

parent-child communication. nagsumbong yung sinapak sa tatay niya kaya sumugod dun sa bahay nung bata. ang nakausap ay yung tatay nung isa. Nagalit kaagad at tinanong yung bata kung totoong sinapak niya. Sumagot siya ng oo at sabay sinapak siya ng tatay niya. “May sakit na nga yung nanay mo, gumagawa ka pa ng kalokohan!” (kung lam lang niya kung bakit niya ginawa yon)

co-worker competition. yung tatay nung anak na may leukemia ang nanay ay nagtatrabaho sa isang marketing firm ata yun. eh biglang nagrecruit ng isang amerikano. siyempre bilib silang lahat kasi nga amerikano kaya lang alam nung mga ilan na mas magaling pa nga sila dun kung titignan. siyempre hindi alam nung boss. at ang nagyari, ninakaw ng amerikano yung proposal nung tatay nung may anak na may nanay na may leukemia. Madaya!

pinepersonal ang mga bagay. yung client kasi ay kilala na nung tatay na may anak (lam mo na kung ano sunod). kilala kasi lagi silang nagkakaasaran, sa pag-agaw ng parking, nangunguna sa gasolinahan, siya rin yung tatay nung anak na sinapak ng anak niya. maliit lang naman ang singapore kaya posible. eh di hindi sumangayon sa proposal niya kahit sobrang ganda. kasi nga magkagalit sila. Pagkatapos niyang magpresent, dumating yung amerikano, at nagpresent din. At agad na tinanggap nung kliente kahit na ninakaw lang naman yung proposal at parehong pareho sila nung sinabi nung kaaway nung kliente. buhay nga naman.

tungkol dun sa kidnapper. kinidnap yung anak nung kliente na mayaman. ang kidnapper ay yung sinibak niyang empleyado. Sinibak kasi may nangyaring aksidente sa kompanya at hindi na niya binigyan ng pakakataon. eh kasi nga yung bata ay dominated ng nanay niya. spoiled at binibeybi, walang alam gawing matino yung bata, kahit magpalaman lang ng tinapay. “Pwede naman daw gawin ng maid yun” sabi ng nanay niya. Eh napuno yung kidnapper, “Ano kala mo sa kin? kidnapper ako, hindi yung filipino maid mo!’” (special mention tayo)

haynako, mahirap palang magkwento ng ganito. pwede tuloy ko na lang kung interesado ka? ok lang, ipopost ko na rin sa blog ko to eh. hirap talaga, pero sayang at di mo napanood. tignan mo every saturday ng gabi sa ABC 5. every saturday yung asian films dun eh, maganda rin yung pinalabas nung bago ang i not stupid. ang titulo ay homerun. maganda rin ang kwento.

Dito

No Comments » March 14, 2005 » 1833 days ago
Uncategorized

Dito,
kahit gaano kadami ang mga letra
hindi pa rin ito magiging mahalaga.
niloloob mo ay akin pa ring madarama.

Dito,
kung saan komportable ang katahimikan
wala ka nang nanaisin kailanman
iba ito sa iyong kinagisnan

Dito,
kahit ano pwedeng gawin.
kahit ano ang iyong naisin,
pilit kong ito’y tutuparin.

Dito,
kung saan isa lang ang problema
yun ay dahil dito,

dito ay wala ka…

kemistri

No Comments » March 12, 2005 » 1836 days ago
Uncategorized

*sa loob ng cs audi, habang inaantok na nakaupo sa may bandang likod

titser: “take note that the bulk of the exam can be found at the module. So if you read it carefully, you will be able to do well in the finals.”

natawa na lang ako habang sinasabi niya ito. Paano ba naman, hindi sa hindi ko binasa ang module na kailangan namin sa subject na ito, hindi yun ang problema kundi, wala naman akong module, hehe. Sa last exam namin na idiniscuss kanina, nakuha ko ay 64%, pasado, pero konti lang. Ok na rin kasi wala na nga akong mga lectures, wala pa ako nung module, masaklap. Kaya goodluck na lang sa akin sa finals at meron pa palang 4th exam bago yun. kaya ko to

siguro mahilig lang talaga ako sa gipitan, sa pag-take ng risks. Katulad dun sa isa ko pang saubject, programming. Kasama ako dun sa mga exempted ksai nakaabot na kami dunsa 475 points, 527 ata ako. Ibig sabihin, we have the choice to take or not to take the finals for that subject. kukunin na lang yung average ng mga long exams namin at yun ang finals grade namin.

ang problema, 72 ang average ko. At to get an uno, kailangan ko ng 675 points, bukod pa sa mga ito, meron pa kaming ipapasa na MP na worth 100 points, to sum it all up, if i were to not take the finals, kailangan kong i-perfect ang MP ko, w/c is not so likely kasi mahirap siya. last MP ko ay 85 lang.

magulo pero, the verdict is, i decided to take the long exam. Basta ba makakuha lang ako ng mas mataas sa 72, kahit 86 lang, ok na yun. points are points, kahit gaano kaunti.

ang scenario, sa lahat ng na-exempt, ako lang ang kukuha ng finals. kapag lalong bumaba yung exam ko, edi patay, hehe. sabihin man nilang sayang. and if i were to take another chance, i’d still go for the 1 million peso question. hindi ako babawi, hindi ako makukuntento sa pot money. laban kung laban. hehe.

makikita natin ang resulta ng pagsusugal ko next week. its between having a 2.25 class card to an UNO, tumataginting na UNO.

laban!

kanta ng pag-asa

No Comments » March 9, 2005 » 1838 days ago
Uncategorized

tatlo, dalawa, isa
ano na ang iyong nakikita?
hindi mo pa rin ba natatamasa
katahimikan at ligaya?

tatlong araw nang hindi makausap
naglaho na ang mga pangarap
sawa na sa pagod, sawa na sa hirap,
masyadong matayog ang mga ulap.

dalawang buhay na rin ang nawala,
ang sa iyo, isang pinagpala
naglaho bigla ang matinding tiwala
sa Maykapal na tinitingala

isang saglit na lang ang inaabangan
hindi na kailangan pang magbilang
kahit buong mundo, hindi kayang harangan
magwawakas na, walang hahadlang

tatlo, dalawa, isa
gusto sana kitang makita
pagmulat na aking mga mata
sa mga alapaap, aantayin kita

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.