May pulis talaga sa ilalim ng tulay, at ang dami pa nila. Tatlong traffic assistance vehicles, yung may nakakabit na wet flag, at isang patrol car. Ang dami nila sa ilalim ng quezon avenue corner edsa flyover.
Quezon avenue ba talaga o quezon boulevard? Nakalagay dun sa may ibaba, sa may signboard, quezon boulevard pero dun naman sa MRT, quezon avenue station yung nakalagay. Minsang itinama ako ng konduktor ng bus nang sabihin kong sa may quezon avenue ako baba, sabi niya, quezon b-o-u-l-e-v-a-r-d, nang may diin. Sa mother ignacia na lang kaya makababa.
Wala nang mas wi-weirdu pa kaysa sa traffic lights sa may kanto ng eng?g at academic circle, yung sa tabi ng tennis court. Kasi may oras na walang tumatawid sa daan, sasakyan man o tao. Lahat nakahinto at nag-aantay. Weird di ba?
“Sir, may credit kard ka na ba?”
“ako ba?”
“May credit kard ka na ba? Alam mo malaki ang”
“wala pa eh.”
“Ah ok, sasabihin mo kasi kagad.”
Nakatikim na rin kami sa wakas ng pagkatalo. Ito ang araw namin. Nag-start ang game namin ng wala si 1st base. Bumalik na rin sa kabilang team yung isang replacement. Hindi kami pinalaran ng mga bituin, kahit magtatangahali pa lang. Naramdaman namin ang matinding sikat ng araw, sa wakas. Ganito pala ang pakiramdam kapag natalo ka sa softball. Masaya ang kalaban, sa lahat kasi ng laban namin, laging tambak, kami ang panalo. Pero bumaligtad ang sitwasyon, hindi namin ito araw.
Sa sobrang dami ng puntos ng kalaban, itinigil na ang laro, hindi na kailangan pa ng paliwanag, talo kami.
Apat na team ang bumubuo sa klase namin, kalahating oras kami ang magkalaban, sa susunod, yung sa kabila naman. At nagpalit na nga ng makakatungali.
Dumating na si 1st base, late lang pala siya, siya ang unang tumira, at sa minalasmalas naman ng araw na iyon, nasalo ng kalaban ang flyball. Natanto namin ng hindi lang pala kami ang may ace player, sila rin meron. Kung kami may 2nd base, sila may shortstop.
Hindi magandang umpisa, na-triple out kaagad kami, sunod-sunod pa. Malas talaga. Pero nung sumunod na inning, medyo lumiwanag na rin ang umaga. Bumawi kami, at hindi lang basta bawi, bawing-bawi, 15-1, kami ang panalo. Bumalik ang sigla sa mga mukha na kanina pa nanlalata. Nabuhayan ang mga loob namin kasi kanina, parang gumuho na ang softball career ng grupo. Magaling pa rin kami. Buti na lang hindi ako nag-paout kaagad, nakakahiya talaga, baka tanggalin nila ako sa grupo, ako ang weakest link.
May bago, kung last week may libreng gatorade, ngayon meron namang mga photographers, mga estudyante rin ata, o kaya freelance, hindi taga-up ata kasi hindi alam na ang p.e. sa amin ay hindi restricted sa kahit anong course o year. Na pwedeng maging magkaklase ang isang fine arts, accounting, education, broadcasting, comsci o kahit na anong estudyante basta ba taga-up siya.. Sana kasama ako sa nakunan nila, hehe.
Ako nga pala ang catcher ng grupo, konti lang naman kasi, mukha na akong catcher. Sila yung mataba, mabagal tumakbo, sa team ng softball o baseball. Mataba para mas malaki ang inertia kaysa sa bola na umaabot sa 10m/s ang bilis.
Sabi ni coach kung baka pwede kaming pumunta ng maaga next week, alas-otso. Para daw makalaban namin yung klase sa umaga. Exciting, baka kasi mas magaling sila kaysa sa amin. Para may mas-challenging, may bago, kasi nga hindi na nakakapanibago sa mga nakakaharap na kalaban. Ok daw, pupunta ang team namin. Kaya lang hindi raw ok kay pitcher, sayang.
A priest would be having dinner with us at our house this coming february. May schedule na, wala nang atrasan to. Bakit? Masyado ba kaming makasalanan, na parang si Hesus na kumain kasama yung pandak na tax collector? Gara di ba? Aantayin ko ang araw na iyon.











