ang buhay ko’y parang isang virus.
pakalat-kalat, walang patutunguhan
pumupunta lang kung saan dalin ng hangin.
nabubuhay lang kung nasa loob ng isang nabubuhay rin na nilalang
ako ay patay kapag nag-iisa
walang malay, walang buhay
parang isang virus.
tulad ng virus, kailangan ko ng magbibigay sa akin ng katauhan
na gigising sa aking pagkakahimlay sa pag-iisa.
na magpapadaloy sa aking dugo
na magbibigay sa akin ng pakiramdam
pero hindi gaya ng isang virus,
hindi kita sisirain mula sa iyong kalooban
hindi ko pagsasamantalahan ang iyong kahinaan
magiging masaya tayo, sana












