3 years, 10 months ago by komski asul ba yon? dilaw o pula?
langya, di ko na maalala.
kulay ng suot mong blusa
nang minsang ikaw ay makita.
hanggang tuhod nga ba ang iyong palda?
o baka ikaw ay nakapantalon pala
at ano nga ulit ang iyong dala?
bag ba iyon o isang mapa?
sa sobrang laspag naman kasi ng memorya,
sa lahat ng kalilimutan ay bakit yon pa?
ang sandaling masulyapan, natatanging ganda
na magpapatalbog pa sa isang artista
pantranco? katipunan o philcoa?
wala na ba talaga akong mapipiga?
hirap na ako sa kaiisip, langya.
sana tuloy, dumaan ka na lang bigla
sana nga…