i not stupid

Add comments March 19, 2005 » 1826 days ago
Uncategorized

medyo mahaba ang istorya. hmm, hindi pala masyadong mahaba pero sobrang daming tinalakay na mga bagay. kahit na sa singapore yung kwento, pwede pa ring maihalintulad sa ibang nationality. maganda talaga. sayang di mo napanood.

Mga tinalakay sa palikula ay:

mga batang bobo, sobrang baba di ba ng tingin nila sa mga bobo kaya suyempre mga panlalait. yug isa nga sinasaktan na nung nanay para mag-aral. tapos nung bumagsak siya ulit sa exam, tinangka niyang magpakamatay. isang 11 year old na magpapakamatay dahil sa grades, gara di ba?

mga magulang na dominating. hindi na kailangnag mag-isip nung mga anak kasi wala rin namang magagawa kung kokontra sa magulang. kaya siyempre dalawa ang kalalabasan, kundi magrebelde, magiging alipin ng pilosopiya ng kanyang nanay, eh sakto yung anak niya dalawa kaya parehong nagyari.

pagpapahalaga sa kaibigan. siyempre kung anu-ano. bugbugan, pang-aapi ng kaklase(kasi nga bobo). pati ang pagtestigo sa totong nangyari. Madalas kasing mahuli sa gulo kaya sa opis napupunta. pero ang totoo, wala silang kasalanan. Eh ayaw magsabi ng totoo nung isang witness na kaibigan nila kasi daw sabi ng nanay niya, wag siyang makialam sa iba. (tama, siya yung anak nung dominating mother)

pagmamahal sa magulang. yung nanay na sinasaktan yung anak ay may leukemia pala. kaya nagsumikap yung anak na mag-aral na nga ng todo. eh sabi ng kaklase niya. sa tagalog “Buti nga yun, pag wala na siya, wala nang sasakit sa iyo.” ang nagsabi yung anak nung dominating mother. edi sinapak niya yun kasi mahal niya yung nanay niya.

parent-child communication. nagsumbong yung sinapak sa tatay niya kaya sumugod dun sa bahay nung bata. ang nakausap ay yung tatay nung isa. Nagalit kaagad at tinanong yung bata kung totoong sinapak niya. Sumagot siya ng oo at sabay sinapak siya ng tatay niya. “May sakit na nga yung nanay mo, gumagawa ka pa ng kalokohan!” (kung lam lang niya kung bakit niya ginawa yon)

co-worker competition. yung tatay nung anak na may leukemia ang nanay ay nagtatrabaho sa isang marketing firm ata yun. eh biglang nagrecruit ng isang amerikano. siyempre bilib silang lahat kasi nga amerikano kaya lang alam nung mga ilan na mas magaling pa nga sila dun kung titignan. siyempre hindi alam nung boss. at ang nagyari, ninakaw ng amerikano yung proposal nung tatay nung may anak na may nanay na may leukemia. Madaya!

pinepersonal ang mga bagay. yung client kasi ay kilala na nung tatay na may anak (lam mo na kung ano sunod). kilala kasi lagi silang nagkakaasaran, sa pag-agaw ng parking, nangunguna sa gasolinahan, siya rin yung tatay nung anak na sinapak ng anak niya. maliit lang naman ang singapore kaya posible. eh di hindi sumangayon sa proposal niya kahit sobrang ganda. kasi nga magkagalit sila. Pagkatapos niyang magpresent, dumating yung amerikano, at nagpresent din. At agad na tinanggap nung kliente kahit na ninakaw lang naman yung proposal at parehong pareho sila nung sinabi nung kaaway nung kliente. buhay nga naman.

tungkol dun sa kidnapper. kinidnap yung anak nung kliente na mayaman. ang kidnapper ay yung sinibak niyang empleyado. Sinibak kasi may nangyaring aksidente sa kompanya at hindi na niya binigyan ng pakakataon. eh kasi nga yung bata ay dominated ng nanay niya. spoiled at binibeybi, walang alam gawing matino yung bata, kahit magpalaman lang ng tinapay. “Pwede naman daw gawin ng maid yun” sabi ng nanay niya. Eh napuno yung kidnapper, “Ano kala mo sa kin? kidnapper ako, hindi yung filipino maid mo!’” (special mention tayo)

haynako, mahirap palang magkwento ng ganito. pwede tuloy ko na lang kung interesado ka? ok lang, ipopost ko na rin sa blog ko to eh. hirap talaga, pero sayang at di mo napanood. tignan mo every saturday ng gabi sa ABC 5. every saturday yung asian films dun eh, maganda rin yung pinalabas nung bago ang i not stupid. ang titulo ay homerun. maganda rin ang kwento.

Mga Kahalintulad na Posts



3 Responses to “ i not stupid ”

  • wanderer says:

    ang tagal na palang nag-e-exist ng blog mo. ngayun lang kasi ako nakarating sa mga past entries mo, at type kong mag-comment kahit katagal na nitong artik na to, hehe..
    i did watch the movie (pero ung “i not stupid 2″ pala). feeling ko parehong maganda, at naiyak ako don sa movie. kasi mag-isa lang ako sa kalaliman ng gabi kaya malakas loob kong mag-shed ng konting tears, hehe.. walang mang-aalaska. pero asteeg naman talaga di ba? at kahit gc type ka pa o may maayos na pamilya, imposibleng at one point e di ka makaka-relate sa istorya nito. naku, makahanap na nga nung ins1. niwei, post pa!? enjoy the summer vacation! (ay mag-summer classes ka din pala no?)

  • maenoodle says:

    waaa… napanuod ko din yan eh, nalagay ko din sa blog ko hehe. at naiyak ako sa ilang eksena. hmm.. di ako normal na umiiyak sa mga pelikula ha. nakakatuwa kasi ung mga bata. favorite ko ung magaling magdrowing na bata ^_^

  • Basta ….Maganda Yung Kwen2 ng I not stupid
    and I not stupid 2

    HEhehehehe

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.