it’s hard when finally you start to show your real self to others, then they start feeling that you becoming untrue to them. and it’s harder when you start explaining about the situation, then they feel that you are just doing a defense.
gaano ba katagal pumiraso ng litrato mula sa isang 1024×768 na wallpaper para gawing animated sidebar? Kinapos lang ako ng sampung minuto, naka-dalawang oras na ko. pero marami naman akong libreng oras eh.
ano nga ba ang pakiramdam na walang kinikilalang mga magulang at ang talikuran ka ng sarili mong bayan? Na sa bawat pagyapak mo sa kalsada ay parang nanaisin mo na ito ay mabiyak at lamunin ka dahil ang bawat nakakasalubong mo ay konti na lang ay patayin ka dahil sa suklam. Siguro pa nga ay mas nanaisin mo na patayin ka na lang nila dahil nararamaman mo na walang naman talagang halaga ang buhay mo. Pero kahit ikaw ay hindi kayang saktan man lang ang iyong sarili dahil sa isang bagay na mahalaga sa iyo. Isang bagay na hinding-hindi mailalayo sa iyo kailanman. At siya ring dahilan kung bakit pinipilit mo na idilat pa rin ang iyong mga mata sa bawat araw na dumarating.
Iyon ay dahil sa iyong mga pangarap.
Isang pangarap na siyang tanging bumubuhay sa iyo, ang nagpapadaloy sa iyong dugo, ang nagpapatibok sa iyong puso. Isang pangarap na gagawin mo ang lahat makamtan mo lang kahit maging kapalit pa nito ay ang iyong buhay. Dahil nanaisin mo pang mamatay, huwag lang mabaon sa hukay ang iyong mga pangarap.
Ano nga ba ang pakiramdam? Malay ko.
Nag-apply ako sa trabaho sa munisipyo noong nakaraang linggo. Ayus, parang totoo, maraming nakapila, may mga number pa para sa interview, parang magtatrabaho na talaga ako. Lahat nag-aantay sa labas. Parang sanay na sila lahat sa mangyayari, samantalang ako, pinapalabas na alam ko nga ang mga mangyayari.
“No. 12? nasan yung No. 12?”
“ako po yun.”
“Sige, pasok ka na sa loob.”
Parang clinic ng doktor, tinatawag pa ng nurse kung sino na ang sunod, kaya lang hindi karamdaman sa katawan ang ipagagamot, kundi sakit sa bulsa. Pero parang sa doktor din kasi hindi ka sigurado kung malulunasan ka nga o hindi.
“Nag-aaral ka pa ba?”
“Opo.”
“Edi magwo-working student ka?”
“Kung pwede.”
“Kasi ang layo naman ng iskul mo.”
“Halos kalahating araw lang naman po yung pasok ko eh.”
“Kelan ka ba gagraduate?”
“2008.”
“Huh? ilang taon ka na ba?”
“Mag-eeighteen po next week.”
“Edi hindi ka pa eighteen?”
“Medyo.”
“Ah, ano kasi, lam mo, balik ka na lang sa amin kapag 18 ka na. Hanapin mo na lang ko (taguan tayo?). Nakasaad kasi sa requirements namin na kailangan 18-23 ang mga aplikante, balik ka na lang ulit (goodbye, sabay baling ng ulo)”
“sige po”
Para akong na-out sa weakest link. Hindi ako kailangan ng grupo. Para akong cellphone na walang load, battery na walang charge, tunaw na ice cream, alkansya na walang butas, t.v. na walang screen, radyo na walang speakers, library na walang aklat, iskul na walang titser, intsik na hindi singkit, para akong gulong na hindi bilog.
Masaklap.
sa isang soda commercial,
“Are you in heat?”
na pagkatapos mailabas ang huling impit ng mga sinabi ay agad namang nakatanggap ng isang matunog na sampal mula sa katabing magandang babae na siyang dahilan kung bakit naglakas-loob na magsalita sa simula pa lang.
kung anu-ano talaga ang nagagawa ng isang taong nababalutan ng nerbiyos. At para sa akin, wala nang mas nakakanerbiyos pa na sitwasyon kaysa ang makita ko ang aking sarili na kasama ang isang babaeng gusto ko, sobrang gusto ko.
lalo na kung hindi ko siya kilala
Mabilis na pangyayari, hindi inaasahan, sadyang biglaan
at sa sandaling yaon ay wala na akong magagawa kundi ang magpadaig sa pagkakataon, isang pagkakataon na wala na sa aking mga kamay. hindi na ako ang may kontrol. wala na sa akin ang pagpapasya. Bahala na lang kumbaga.
at sa lahat ng pagkakataong ito, ay walang nangyaring matino, hehe












