Pekeng white rabbit

No Comments » May 31, 2005 » 1746 days ago
Uncategorized

matigas, hindi nakakain yung puting balat. peke na peke itong nabili kong white rabbit. meron nga palang dalawang bagong-bagong laro! yehey! parehong may kinalaman sa mga litrato, at customizable pa. jigsaw yung isa, astig. pero teka, hindi pala siya jigsaw kasi pantay-pantay yung gupit sa pieces, derecho ang linya kaya hidi siya jigsaw literally. pero parang ganun yung konsepto, ah basta.

jigsaw

“pwedeng patingin?”
“ok lang, alin ba, ‘tong laruan?”

“yung jigsaw puzzle.”
“bakit? may plano ka bang bilin?”

“hinde naman, medyo weird kung sasabihin ko sa ‘yo kung bakit, kaya wag na lang.”
“ok lang naman kung mahilig kang maglaro niyan eh, hehe pambata.”

“hindi no, sige na nga, pinag-aaralan ko ‘tong jigsaw.”
“huh? pinag-aaralan? panong pinag-aaralan? ano yan project?”

“hinde, wala lang. may ginagawa kasi akong laro.”
“gumagawa ka ng laro? ano, jigsaw puzzle?”

“medyo, sabi sa ‘yo weird eh.”
“weird nga.”

” … ..”
“panong laro?”

“laro, sa computer, tapos lagay ko sa website ko.”
“huh, may website ka? pa-weird na nang pa-weird ah.”

“nag-poprogram kasi ako. eh, nagyon gumagawa ako ng laro.”
“program? sa computer? ano yun, parang word?”

“parang ganun, pero mas simple dun siyempre, sobrang simple.”
“sandali lang, ano ka ba?”

“anong ano ka ba?”
“ano, nag-aaral o graduate na?”

“nag-aaral, college na ko.”
“ano ka, computer programming?”

“hehe, 4 years to, comsci.”
“saan? sa AMA?”

“sa ano, yupi, diliman.”
“talaga? galing naman.”

“… ..”
“gumagawa ka ng laro tapos wala lang?”

“wala lang, wala kasi akong magawa eh.”
“lakas mong mag-trip ah.”

“tingin ko nga rin.”
“bilisan mo.”

“bakit?”
“marami pa kong aasikasuhin eh”

“edi dun ka na.”
“ayoko nga.”

pirated

No Comments » May 30, 2005 » 1747 days ago
Uncategorized

sa una’y sobrang ganda
hindi mo aakalaing ito’y pinirata
hanggang sa makarating ka
sa parteng nakakairita.

masyado nang maraming gasgas
ang ating pagsasama
na para bang isang pekeng pelikula.

hindi malinaw ang ating pagkakasundo,
ni wala nga yata talaga.
at gaya ng lahat ng mahinang klaseng makinarya
hindi na rin ito maisasalba.

patalbog-talbog ang musika,
malabo ang mga salita ng artista
at parang tayo kapag magkasama,
walang nangyayaring maganda.

kaya gaya ng lahat ng mga nakukumpiska
sinusunog sa baga, tuluyang binubura.

wala talagang kwenta ang isang pinirata.

Wala yan sa script ah

No Comments » May 26, 2005 » 1751 days ago
Uncategorized

narito ka ngayon sa blog kung saan ang raw script lang ang seryoso, at lahat ng hindi nakapaloob sa gitna ng <script> at </script> ay pawang mga alphanumeric characters that come in no particular/sensible order.

anything that may seem readable could have just been formed by generating a random number in ranges of 48-57, 65-90 and 97-123 and converting them to their equivalent unicode characters then finally grouped together to look just like any ordinary word.

pero, hinde, hindi pa ako hard core dynamic html programmer. ang alam ko lang naman ay konting javascript at mga css style properties, ni hindi ko nga kayang mag-handle ng online forms eh. nakakatuwa lang gawing alipin ang komputer, ang kailangan lang ay ang tamang paraan para pasunurin siya na ayon sa gusto mo. (on cue: evil laugh)

may mga pagkakahawig ang programmer-computer relationship sa parent-child, employer-employee, teacher-pupil, o kahit na ano pang mutual relationship na mayroon. ang komputer ang subordinate, programmer ang master. kung sa parent-child, una, kailangang intindihin muna ng magulang ang anak bago niya ito mapasunod. kailangan niyang sabihin ang tamang salita sa tamang oras, para hindi mag-alboroto ang anak. yun nga lang, nasa extreme level ito.

isipin mo na wala pang alam ang anak, sa madaling salita, bobo. Ngayon, para mapasunod mo siya, kailangan todong paliwanag, siyempre kasi bobo nga. pero ang maganda, isang paliwanagan lang dahil madali siyang matuto. kumbaga sa notebook, pag binili mo, walang laman, pero pag sinulatan mo na, isang sulatan lang, mahirap nang mabura. ok ba?

ang kainaman, kahit anong iutos mo, basta’t kaya niya, gagawin niya. walang angal, walang reklamo, walang kapagod-pagod, mabilis pa.

Mano po, ninong

No Comments » May 23, 2005 » 1755 days ago
Uncategorized

nag-anak ako sa binyag kaninang tanghali sa immaculada concepcion parish ng sta. maria. unang beses kong ginawa ‘to. ninong na ako, hehe.

kasama pa sa mga ninang yung adviser ko nung grade 2, si ms. mendoza, ewan ko lang kung naaalala pa niya ko, panigurado hindi. isa kasi akong commoner, kung ibabase sa abnkkbsnplko.

ayoko nang may sumunod pa rito. nasisira ang solitary life ko sa bahay. ni hindi ko nga nalaman ang pangalan nung bata eh, hehe. lagot ako sa pasko, sa birthday niya. Magkakadahilan na naman ako para mag-ipon, kaya lang, hindi para sa sarili ko.

ok na to, kaysa wala.

bilog ang mundo

No Comments » May 21, 2005 » 1756 days ago
Uncategorized

sa iyong paglisan,
malay mo, humantong muli sa pinanggalingan
bilog nga naman ang mundo.

sa pagtahak natin ng magkaibang landas
malay mo, magkrus ulit ang ating daraanan
siyanga naman, bilog nga ang mundo

sino nga naman ba ang makapagsasabi
na baka sa susunod na pagliko natin
sa kantong sakayan ng bus o dyip
ay magkatagpo tayo ng isa pang ulit

at baka sa puntong, yon ay mangyari
ay baka makita mo ako hindi ng iyong mga mata
kundi ng puso mong matagal ko nang ninanais.

ilang taon pa ba ang pwedeng bilangin?
panahon ay lilipas, oras ay malalagas
malay mo, huminto kahit ’sang saglit
para mapagbigyan ang aking minimithi

ang magtagpo ang ating mga titig
ang magsabay ng tibok ang ating mga puso
at baka sa pag-ikot pang muli ng bilog na mundo,

baka humantong ang ating nilalakaran
sa iisa at parehong daan.

malay mo, ating matanto
na bilog nga pala talaga ang mundo.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.