langya, buhay ka pa pala?

No Comments » May 16, 2005 » 1767 days ago
Uncategorized

medyo nga nabuhay ako muli ngayon, bakasyon kasi kaya hindi ako nakakalabas ng bahay. talo ko pa si boy sa pagiging homeboy. Medyo lango sa kakatulog at kakakain buong maghapon. Kung hindi lang dahil sa lingguhang praktis para sa debut ni jopai, baka naisugod na ako sa ospital dahil sa sleep overdose, kung meron nga nun. pero wala kaya nandito ako habang ginagawa itong kalokohan na ito.

scrollbar nga pala yung nasa gilid ha, yung red cross. wala lang. pinag-isipan ko yan. na-gets ko na kung paano pagmumukain na dinadrag yung isang bagay gamit yung mouse.

nagsimula ang lahat ng minsang nagloko yung ginawa kong program sa pag-parse ng english dictionary. gagamitin ko sa laro ko eh, pinaghihiwalay ko yung n-letter words sa mga text files. eh hindi ko man lang tsinek kung ok ang argar ng program, sinabak ko agad sa laban. ayun, bigla na lang namatay yung yung computer. nung binuksan ko ulit, ayaw mag-load ng os, corrupt or missing files daw. siguro na-override nung program ko, edi lagot.

natutunan ko sa karanasang ito na dapat i-testing muna ang isang program bago gamitin, kung gamot yung ginagawa ko, baka nakapatay na ako ng libo-libong tao, buti na lang mga 1’s and 0’s lang yung nawala.

medyo naka-recover na after 2 weeks na hindi ko nagamit yung pc ko. pero bulukin na talaga to, aabutin ka na ilang oras kaka-restart bago mo magamit ng maayos. gusto ko na ng bago, kahit yung nasa pandayan lang.

sinisimulan ko na ring gumamit ng cascading stylesheets, simula dito sa pahinang ito. at nalaman ko na mas madali nga. konting praktis pa, baka makapagtrabaho na ko sa mga gumagawa ng blog templates.

dunkin lady

1 Comment » May 15, 2005 » 1768 days ago
Uncategorized

isa akong bagong lutong donut
lasang harina’t hinalong tubig
ngunit nang dahil sa iyong pagdating
nabudburan ako ng gatas, asukal
at samut-saring kendi

dulot mo’y kakaibang saya
sounds good, tastes even better
ika nga nila
araw ko’y binigyang kulay
lalong sumarap tuloy mabuhay

ngiti mo’y sing tamis ng strawberry
kutis mo’y sing puti ng bavarian
hanap-hanap kitang parang tsokolate
na may kasama pang nuts

kaparis mo’y mantikilya
sa lambot mong haplusin
ngunit sana’y hindi ka matunaw
sa matindi kong pagtingin

kahit anong mangyari
hindi kailanman kita maipagpapalit
sa tinda mong dunkin,
dunkin lady

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.