Quezon ave. nga po, estudyante

No Comments » June 6, 2005 » 1743 days ago
Uncategorized

balik na naman sa paggising ng madaling araw, sa pagsakay sa bus, sa pagtayo pag puno, sa pakikipagpatintero sa jeep at taxi sa kanto ng quezon ave., sa paglalakad ng metro-metro sa iskul papunta sa next class.

sana kahit isang buwan pa ang bakasyon, pero hindi dahil gusto ko pang magpahinga dahil baka nga mas nahirapan pa ang katawan ko ngayong bakasyon kaysa sa kung pumapasok na lang ako sa iskul.

sumasama kasi ako sa pagtitinda ng mga magulang ko sa palengke. hindi lang basta palengke, isang flea market, tiangge.

Gigising nang maaga, bibiyahe papunta sa kabilang bayan, magbubuhat ng paninda, magkakabit ng habong, magtatayo ng tukod at buong araw na “makikipagbuno” sa mga makukulit na mamimili. isang in-depth economics class, sagad.

Ang masasabi ko, consumers could be really harsh.

samahan mo pa ng matinding init ng tag-araw, daig pa namin ang …

( medyo inabot ako ng ilang minuto sa kaiisip ng scenario na pwedeng ikumpara sa hirap na nararanasan sa pagtitiyange pero wala talaga akong maisip )

pero kung mahirap nga, bakit gusto ko pa nang kahit isang buwan pa?

Isang blog nga, regular lang, tsaka penge na rin ng ketsap

No Comments » June 6, 2005 » 1743 days ago
Uncategorized

Nanalo ako ng gift certificate mula sa Jollibee worth 200 pesos, walang biro. Nanalo ang entry ko bilang May favorite sa Quill section ng hive.com.ph, nanalo ako dahil sa tatlong boto, hehe, alisin mo na yung isa kasi ako yun.

pinost ko yung dunkin lady ko sa website ng jollibee, na nalaman ko lang na meron pala sila nang makita ko yung poster sa branch nila sa SM Marilao. Tinignan ko kung anong itsura at nang may nakita akong part kung saan pwedeng maglagay ng mga sariling tula, naglagay ako ng isa. Malay ko bang open sa botohan yun at malay ko rin na may boboto sa tula ko na dalawang walang magawang surfers. Isama mo yung boto ko kaya naging tatlo, ayun panalo.

yung katunggali ko? tig-isang boto sila. malapitan ang laban, hehe.

Nasa Hall of fame tuloy yung tula ko, hehe. at ngayon, inihintay ko na lang na dumating yung gc’s ko sa jolibee sta.maria, kasi pinadala ko dun. Nung una kasi, gusto nila na sa ortigas ko pa kunin yung 200 pesos na yun, langya. ano ko?

Ilang sundae cone kaya yun? ilang extra rice? at ilang go large na coke?

Malay mo manalo ulit ako, mapapakain tuloy ako sa jabi nang madalas-dalas, hehe.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.