kundiman

karmi. komski. parehong 20-something. frustrated writer. rockstar wannabe. madrama. naruto fanatic. mahilig kumanta. cam-whore. charmed addict. loves twitter. writer kuno. isip-bata. idol si BO. mastermind ng komski quotebox. makulit. computer geeks. pero mas geek pa din si komski. mababaw ang kaligayahan. 14.

Chat with Us

Plugoo: karmi | komski: 1, 2
Y! Messenger: karmi | komski

  • glesy the great: ahehe… kaw naman.. di naman ineng… basta ba may nakakacarry pang magbasa ng post mo okay...
  • joshmarie: isan-libo at isang tears i mean 3 tears para sa Lamentations of a Withered Tin Can ni ron. :) hindi pwede...
  • joshmarie: 3 tears for longing by ice :) hindi pwede na dalawang entry ang bigyan ng 3 tears.
  • dzerom: 2 tears for enday…
  • rio: 3 tears for yods 2 tears for teresa 1 tear for ice gudluck sa lahat ng sumali=)
  • andeng: i vote for enday =) vote counted.

Thank you!

Subscribe to my feed




June 22nd, 2005 | Uncategorized

hangin, hangin,
sana ako’y iyong dinggin
umihip ka, huminga ng malalim
patungo sa kanya,
siya’y iyong dalawin.

pisngi niya’y iyong haplusin
para pagbalik mo’y iyong sabihin
ang lambot nito at kinis
na pilit hahanap-hanapin.

hangin, hangin, sa iyong mga kamay
mahimbing mo sana siyang pangarapin
sa alapaap siya’y iyong dalhin
dantayan mo siya ng iyong lambing.

lungkot niya’y iyong tangayin
masayang musika ang iyong tugtugin
himig niya’y iyong isaliw
isayaw mo siya buong araw aliwin.

hangin, sa kanya’y iyong iparating
ang nilalaman ng aking damdamin
ibulong mo sa kanya ang saloobin
na matagal nang kinikimkim.

hangin sa iyong pagbabalik
huwag kalimutan ang aking bilin
tinig niya’y iyong dalhin
nang siya’y akin ring marinig
boses niya sa akin ay iyong bigkasin.

hangin, hangin, iyong tuparin
kahilingan na makapiling
ang layo’y balewalain
para mapalapit ang aking puso
sa tunay kong mamahalin

Leave a Reply

One Response to “ihip”

[...] lang, at napagod nga ako diyan e, hehehe. At ang tula naman ay aking isinulat nuong 2005 sa isang post sa parehong pamagat. Para tuloy gusto kong panoorin ang Windstruck mamaya:D Mga kahalintulad na [...]