100101010001111010101001

No Comments » June 23, 2005 » 1731 days ago
Uncategorized

Kahit hindi pa naman kami nagsisimulang magprogram ng assembly language ay binalaan na kami na malamang sa malamang ay baka masira ang computer namin sa konting pagkakamali lamang sa code.

Tinuro na sa amin kung paano ito maiiwasan. gagamit daw ng virtual os. Ewan ko pero baka parang virtual cdrom. kunwari meron pero wala naman, pinagmumukha lang na parang totoo. Siguro parang emulator.

Pero bago pa man kami magsimula don ay aalis muna yung instructor namin dahil pupunta siya sa amerika para sa isang convention tungkol sa java. Mawawalan kami ng klase sa cs ng 5 meetings. Baka raw makita niya si Gosling, ang leader ng grupong nakaimbento ng java.

Ayus, walang klase.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.