ihip

Posted almost 7 years ago Uncategorized

hangin, hangin,
sana ako’y iyong dinggin
umihip ka, huminga ng malalim
patungo sa kanya,
siya’y iyong dalawin.

pisngi niya’y iyong haplusin
para pagbalik mo’y iyong sabihin
ang lambot nito at kinis
na pilit hahanap-hanapin.

hangin, hangin, sa iyong mga kamay
mahimbing mo sana siyang pangarapin
sa alapaap siya’y iyong dalhin
dantayan mo siya ng iyong lambing.

lungkot niya’y iyong tangayin
masayang musika ang iyong tugtugin
himig niya’y iyong isaliw
isayaw mo siya buong araw aliwin.

hangin, sa kanya’y iyong iparating
ang nilalaman ng aking damdamin
ibulong mo sa kanya ang saloobin
na matagal nang kinikimkim.

hangin sa iyong pagbabalik
huwag kalimutan ang aking bilin
tinig niya’y iyong dalhin
nang siya’y akin ring marinig
boses niya sa akin ay iyong bigkasin.

hangin, hangin, iyong tuparin
kahilingan na makapiling
ang layo’y balewalain
para mapalapit ang aking puso
sa tunay kong mamahalin

ikatlong mundo

Posted almost 7 years ago Uncategorized

malay ko ba kung nasan ang third world. na ito pala ay kapag lumabas ka sa may kanto ay an unang xeroxan sa kanan na makikita mo.

lalo pang naging magulo ang aking mundo sa nakalipas na dalawang linggo.

parang RHGP ang bawat physics class. parang walang kang magagawang matino kung walang group effort. pati quizzes as a group kinukuha. ngayon lang ako nakaranas ng ganun.

magulo rin yung pe ko, na next class after kong magblog ngayon. na muntik pa akong patalsikin kasi lumiban ako sa klase noong nakaraang biyernes na hindi ko naman ginusto dahil nagkasakit ako.

langyang change of weather yan. kung bakit kasi biglang nag-uulan last week eh. langya din yung init sa likod ng bus pati yung amoy ng pintura sa nirerenovate na photoshop na pinasukan para magpakuha ng 1×1.

mas magulo ang p6 ngayon kaysa dati na lahat ng kaklase ko sa highshool eh tingin na napakadali para sa akin ang mag-add ng vertors o kaya mag solve ng constant acceleration.

ewan ko pero di hamak na mas magulo ngayon kaysa dati.

may recitation class pa mamya, langya talaga

Kwe!

Posted almost 7 years ago Uncategorized

Nabunggo ko nung miyerkules yung taiwanese na tindera ng dose-dosenang medyas sa may tabi ng escalator sa may second floor sa san juan plaza sa divisoria. May nasambit siyang expression pero hindi ko naintindihan, baka minura na niya ko nang hindi ko namamalayan. ewan ko.

Quezon ave. nga po, estudyante

Posted almost 7 years ago Uncategorized

balik na naman sa paggising ng madaling araw, sa pagsakay sa bus, sa pagtayo pag puno, sa pakikipagpatintero sa jeep at taxi sa kanto ng quezon ave., sa paglalakad ng metro-metro sa iskul papunta sa next class.

sana kahit isang buwan pa ang bakasyon, pero hindi dahil gusto ko pang magpahinga dahil baka nga mas nahirapan pa ang katawan ko ngayong bakasyon kaysa sa kung pumapasok na lang ako sa iskul.

sumasama kasi ako sa pagtitinda ng mga magulang ko sa palengke. hindi lang basta palengke, isang flea market, tiangge.

Gigising nang maaga, bibiyahe papunta sa kabilang bayan, magbubuhat ng paninda, magkakabit ng habong, magtatayo ng tukod at buong araw na “makikipagbuno” sa mga makukulit na mamimili. isang in-depth economics class, sagad.

Ang masasabi ko, consumers could be really harsh.

samahan mo pa ng matinding init ng tag-araw, daig pa namin ang …

( medyo inabot ako ng ilang minuto sa kaiisip ng scenario na pwedeng ikumpara sa hirap na nararanasan sa pagtitiyange pero wala talaga akong maisip )

pero kung mahirap nga, bakit gusto ko pa nang kahit isang buwan pa?

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.