3 years, 6 months ago by komski Naalala ko yung minsang sinabi ng prof ko sa geog 1, si Juanico. Dapat raw, yung bahagi sa may QC malapit sa circle na nakahilera ang heart center, lung center, kidney center at kung anu-ano pang mga lamang-loob ay tawagin na lang na BOPIS AVENUE. May punto nga naman siya, at maganda pang pakinggan.
Kung nagkaganoon, hindi ka lang sa karinderia makaka-order ng masarap, maanghang at mainit na medyo mapait na bopis, kundi pati na rin sa drayber ng jeep at konduktor ng bus.
“Manong, magkanong bopis?”
“kinse.”
“dalawa po, estudyante.”
Makakadiscount ka pa.