isa talaga itong magulong mundo

Post Info 3 years, 4 months ago by komski

Napatunayan ko na magulo talaga ang mundo.

Nag-aantay ako sa titser namin sa math, nakaupo sa may likuran ng klasrum. Siyempre walang ginagawa. Lingon dito, buklat ng notebook, hihikab ng konti at kung anu-ano pang normal gestures kapag nag-aantay. Nang biglang may pumasok na isang estudyante na hindi naman namin kaklse.

Naghanap siya ng mauupuan at huminto pa sa harap ng nakaupo sa may harapan ko dahil kakilala pala niya ito. Ngayon ko lang siya nakita, hindi ko natatandaan na nakasalubong ko na siya kahit minsan.

Napayuko ako at pagtingin ko ulit sa harap, nakita ko siya. Tama, nakita ko siya, si shuwarmz, kung yun nga yung pangalan niya talaga. Medyo natigilan ako ng konti habang iniisip kung bakit siya narito.

Yun pala, kasama niya yung naunang pumasok, isang kaibigan. Pero bakit sila nandun sa klase ko.

Naisip ko na galing sila sa earlier class ni maan at dahil sa kung anong sumupot na activity ay kinailangan nilang lumiban sa klase at naisip nila na sa later class na lang umattend. Sana ganun nga pero hindi.

Bago pa man pumasko ang guro sa loob ay lumabas na siya kaagad.

Una ay naisip ko pa na baka pupunta lang sa cr pero hindi, hindi na siya bumalik.
Gara talaga, hindi ko man lang siya natingnan ng medyo matagl-tagl dahil akala ko ay uupo sa don sa buong isang oras naklase. Gara talaga.

Pero the weird thing about it is, napatingin siya sa akin bago siya lumabas sa pinto.

At pagkatpos nun ay inisip ko kung sadya ba yun o hindi. Ok lang siguro kung nasa tabi ako ng pinto pero hindi eh, pang-apat ako na silya mula sa pinto, at mara makita ako mula sa kinatatayuan niya nung tumungin siya sa akin, kailangan pa niyang lumingon.

Pero bakita naman niya gagawin yun?

Tuloy nabuo ang aking pangalawang tanong. Namumukaan kaya niya ako? Naaalala ko kasi na naipakita ko sa kanya ang litrato ko sa friendster, yung annual picture ko na colored. Medyo nagkausap kami ng konti, pero mababaw lang, at ano naman ang aasahan mo sa ganun.

Baka mamya ay naalala pa niya ako pero malamang ay hindi na. Siguro. At lahat ng nabanggit ko kanina ay likha lamang ng magulo kong imahinasyon.

Pero sana, may bigla ulit sumulpot na kung anong activity at kailangan nilang lumiban sa klase at naisip na para magawan ng paraan ay umattend na lang sa later class.

Sana nga.

Post a Response Comment icon Posted July 20th, 2005 at 10:36 pm

Leave a Reply

Get updates as often as we post! Subscribe to our full feed or comments feed.