isang.blogista.com

Add comments July 26, 2005 » 1696 days ago
Uncategorized

isang.blogista.com

This is my biggest yet. Isang online community kuno ang susubukan kong itayo sa isang.blogista.com. ang tagline, ikaw ba ay isang.blogista.com? maki-isa sa isang.blogista.com. ayus.

Ito ang naging dulot ng librong kabibili ko lang. Yung 800-peso book na ang nilalaman ay lahat ng kailangang malaman mula sa web servers, server-side at client-side scripts, database usage in webpages at pati na rin dynamic html and xml.

I?ve learned at some extent how to use php. As of this writing, inaantay ko na lang magkaroon ng internet connection ?tong computer shop para ma-try yung mga pages na ginawa ko sa bahay kung gagana sa blogista webserver.

Tinambalan ko kasi ng mysql ang php, kaya sa gagawing kong website kuno, marami nang pwedeng magawa kung talagang magaling ako. Mula sa online polls, forums, messageboards hanggang sa sarili kong blogsite o kaya friendster.

Pwede akong mang-aya ng walang kamalay-malay na tao para maging miyembro ng site ko at pwede na silang magblog ng mga entries.

Ang kaso, may 15MB space capacity limit ang membership ko sa blogista, hehe. Ibig sa bihin, kung magtatayo ako ng epektibong blogsite, baka kaya lang nitong sumuporta ng hindi lalagpas sa sampong miyembro, baka nga hindi pa umabot sa pito.

Kaya kung hindi ako makakahanap ng mas malaking webspace, baka hindi na lang ako gumawa ng blogsite.

Kung gagawa naman ako ng isang online community, sino namang gago ang sasali sa akin? Konting kakilala? Siguradong hindi ito aabot ng ilang buwan at mapipilitan na akong isara kasi hindi naman produktibo.

Eto ang huli kong naging plano pagkatapos ng ilang minutong pagmumuni-muni kahapon. Isang online service provider. Parang bravenet or c-box or tag-board.com. Pero imbis na counters or tagboards ang iseserve ko, magiging medyo religious ako ng konti.

Kung meron kang website, would you even think of putting the daily Gospel on one of your pages?

Seryoso, I?ll provide webmasters, authors ang even bloggers a script placing the daily Gospel on their pages.

Yun ay kung papayagan ako ng the new american bible na ilagay sa isang online database ang mga Gospel accounts nina Matthew, Mark, Luke and John. At yun ang iniisip ko ngayon. Copyrighted ba ang Bibliya? Meron kasi akong nakitang program na nagdidisplay ng mga Bible verses sa screen ng computer, at nakasulat sa isa sa mga files ng program na yun na they have permission to use these verses para sa program na galing sa the new american Bible.

Siguro naman papayagan nila ako kasi di ba It?s like spreading the good news, parang ganun. Wala rin kasi akong nakikita pa na ganung klase ng service on the web.

Ito na siguro ang magiging kabayaran sa lahat ng hindi ko pinorward na religious mail sa yahoo. Pwede na ba yun.

If it would push through, medyo mahihirapan din ako kasi kailangan kong I-transfer yung Bible text sa database ko. That would mean typing the whole thing then placing it inside a script that would save it to the database.

I would give myself a month to do all of that.

At medyo pinag-iisipan ko pa kung paano ko malalagay yung Gospel sa webpages ng mga clients, pero may mga ideya na ako. Problema na lang ay kung gagawin ko talaga to.

Sana may tumulong kahit dun sa pag-type lang ng gospel, hehe.

Mga Kahalintulad na Posts



Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.