Narinig ko ang mga yapak mula sa hagdan pababa mula sa ikatlong palapag ng math building. Pamilyar ang tunog na iyon, hindi ko mapagkakamalan sa yapak ninuman. At kahit isang grupo ang bumababa ay nangingibabaw pa rin sa karamihan.
Habang lumalapit ay lalong lumalakas, napapasabay sa unti-unting bumibilis na pintig ng aking pulso. Tuluyan na akong natigilan sa aking pagsusulat. At napalingon na lang ako sa kanyang direksyon.
At bigla na lang tumigil ang oras.
O ginusto ko lang na tumigil sana ang oras sa sandaling mapalingon kami sa isa?t-isa. Nakita ko ang kanyang mukha, ang kanyang mga matang nakatatak na sa isip ko?y nasa harapan ko na?t natatanaw. Sana nga tumigil na lang ang oras.
Pero hindi, sinundan kaagad ito ng isang segundo, dalawa, at tatlo.
Hindi na siya naabot pa ng aking tanaw, at napansin ko pa, hindi siya nakangiti sa pagkakataong ito.
At nagising na naman ako sa aking panaginip.
Pareho pala talaga kami ng professor, siya siguro ay sa earlier class ni ong. Nakita ko kasi yung pinasa nilang problem set ng kagrupo niya, at may mali sila, hehe.
Marami pa pala ang pagkakataon na makita ko siya, ayus.












