3 years, 5 months ago by komski “Mr. Arvin Castro.”
sabay abot sa akin ng isang sineroks na kopya ng palatastas ng 2005 Youth IT congress ata yun. Napaisip na naman ako kung bakit buo niya kung sabihin ang pangalan ko, at dinagdagan pa ngayon ng “Mr.” sa unahan. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit.
Iba kasi ang pagbanggit niya nito, isang tono mula una, hanggang huling pantig at walang pag-iiba ng bilis. Deretso, marahan, magara.
Tatlong araw na kongreso na sa lahat ng nakalistang topic na tatalakayin ay isa lang ang pwede akong makisali, sa blogging. Pero masaya naman sigurong makinig sa mga bagay na hindi mo pa alam.
Sa setyembre na yun. Parang gusto kong sumama, sa university theater lang naman, pero ang iniisip ko. Anong oras kaya yun? Madaling araw kaya hanggang hatinggabi? Uuwi pa kasi ako sa bulacan at medyo malayo rin yun. Baka mamya hindi na ako makauwi.
Pero malay mo pag naligaw ako dun, baka ma-advertise ko pa yung bago kong gimik.
komski.blogista.com/quotes
60% sasama ako, aakyat pa yan sa 80% kapag tinopak ako. Pero tatanungin ko pa yung oras ng congress, kung magiging komportable sa sitwasyon ko tsaka malay mo, baka wala rin akong ipambayand sa registration, baka mamya limamlibo pala yun.
Sana mura lang.