You’re IN!

No Comments » August 12, 2005 » 1681 days ago
Uncategorized

kung isa ako sa mga judges ng search for the star in a million, bibigyan ko ng ‘in’ na boto itong shopkeeper ng zodiac comp center.

Magaling siyang kumanta, pero parang late bloomer kasi medyo matanda na siya. pero analogous pa rin kasi oldies ang walang kamatayan niyang kinakanta. Nagugutuhan niya siguro na may instant audience siya. kami, na hindi naman nagrereklamo kasi may sari-sarili ring ginagawa.

pinag-usapan namin ang tungkol sa tatlong sonnet ni shakespeare ( kung yan nga ang tamang spelling ).

tuloy parang gusto ko na ring tumula na parang nasa ilalaim ng balkonahe ng isang magandang babae. pero dahil ,masikip na sa pilipinas, halos wala nang bahay na may balkonahe at kung meron man, eto yung mga bahay na malalaki na napapaligiran ng matataas na bakod at binabantayn ng mga surveillance cameras, predator dogs, motion-sensitive laser beams, heat-sensors at satellite imaging. kaya baka hindi rin ako makapagtago sa ilalim ng balkonahe nila.

naalala ko pa tuloy yung kanta ni chin ng mymp( juris and chin ) and it goes something like;

“May patula-tula ka pa”
“Hindi naman niya nabasa…”

Parang ganon, parang ganto, may nalalaman pa akong sidewalk series, kalokohan, hehe. isang malaking kalokohan.

Pero puro tula na ang tatalakayin namin simula ngayon hanggang end ng semester. masaya siguro yun.

baka ganun nga

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.