hikaw

No Comments » August 9, 2005 » 1683 days ago
Uncategorized

“. .. .. .. .. ”

At nawala na naman ako sa sarili ko.

“Magkano po yung rambutan?”

Naririnig ko ang kanyang boses na parang ako ang kinakausap niya. Haay, sana nga ganun, pero napaisip na lang ako na sana nagtitinda na lang ako ng prutas.

“kalahati nga, tsaka pakipili na rin po.”

Sana kalahati na lang ng kalahati muna ang bilin niya tapos mamya naman yung isa pang kalahati para naman dumalas ang pagdaan niya dito. At pasensya na rin kung iniisip ko na sana ay madapa siya, para naman magkaroon ako ng dahilan at pagkakataon na malapitan at makausap siya.

“Tulungan na kita, oo nga pala ako nga pala si arvin, pwede ko bang malaman ang pangalan mo?”

Hehe, masyado yatang halata kung ganun ang pagkakasunod-sunod ng mga sasabihin ko. At kung bakit naman kasi sobrang sipag ng mayor ng bayang ito at pinasemento pa itong parte ng palengke, hindi tuloy matuloy-tuloy itong baduy na plano ko.

“pakihanap nga ng 28. Yung gan?tong design ha.”

Nakalimutan ko pala na may tinutulungan akong babae na humanap ng mabibili niyang shorts. At para naman magkabuena-mano na rin kami.

“Walang 28 eh, 27 tsaka 30 meron.”
“Wala? Masyado namang malaki kung 30.”
“Sukat mo sa leeg, tsaka pwede namang palitan kapag di talaga pwede.”
“Edi babalik pa ako sa sabado.”
“Kung gusto mo, may c.r. sa likod, tignan mo kung kasya.”
“San, dun? Sige, babalik ako ha.”
“sige ( talagang dapat bumalik ka, hehe )”

Nasan na siya? Sabay lingon sa dulo ng compound at pilit tinanaw ang kanyang mukha. Nakabalik na pala siya dun, hindi ko man lang napansin. Sayang, minsan-minsan lang pa naman kung makita ko siya ng malapitan. Kulit kasi ng kostumer ko, at speaking of her, pabalik na siya at nakangiti pa.

“Sinukat ko yung 30, maliit pala, hehe. Meron bang 32?”

Sinasabi ko na nga ba. Unang tingin ko pa lang kanina, alam ko nang hindi kasya sa kanya yung 28 na hinahanap niya. Iba talaga kapag nangangarap nang payat.

Minsan lang kung may magsoling lalaki sa amin ng short dahil mali ang sukat. Karamihan, mga babae. At lahat sa kanila, humihingi ng mas malaking kapalit. At isa lang ang dahilan na naiisip ko kung bakit nangyayari ang ganito.

Dahil gustong isipin ng mga babae na payat sila, at wala nang magagawa pa dun.

“… . ..”

At natigilan na naman ako sa pag-iisip.

Ano kaya ang sinasabi niya, ano kaya ang pinag-uusapan nila ng nanay niya. Sing tamis kaya ng ngiti niya ang kinakain niyang rambutan. Pero wala yatang makakahigit dun, ang makita siyang nakatawa.

“Pakibalot o, kukunin ko na.”
“Etong sukli, salamat.”

Naalala ko, habang nagtatalo yung ditse tsaka nanay ko tungkol sa isang bagay na nakalimutan ko na kung ano, pero seryoso, nagtatalo talaga sila.

“Pano ko naman malalaman kung ano yung gusto mo?”

At gaya sa lahat ng pagkakataon, sasabat ako sa usapan.

“Edi i-wiretap mo.” sabi ko.

Sana,
Sing dali lang ng pagbili sa inyong tindahan
Ang makausap ka ng harapan,
Ang malaman ko ang iyong pangalan,
Ang maaya ka sa isang kwentuhan.

Pero dito na lang muna ako
Pagdidiskitahan itong boy bawang.

Kung gaano ko siya gustong makilala, ganun din ang hirap na gawin ko iyon.

Sisikat ang araw, madadatingan ang mga tao, darating siya, dadaan sa aking harapan, tititigan hanggang hindi niya napapansin, lalampas na parang wala lang, dahil talagang wala lang, aabutin ng tanghali, mag-uuwian na ang lahat hanggang sa huling sandali, ikaw.

At mawawala na naman ako sa sarili, matitigilan.

Siguro nga, lagi kong naiwawala ang sarili ko, kapag nahahanap kita. Nawawalan ng puwang ang lahat ng bagay at sa isip ko?y ikaw lamang ang mananatili.

Ani nga ni janno gibbs,
“I love you sabado!”

dyipni

No Comments » August 5, 2005 » 1687 days ago
Uncategorized

Papalayo na ang dyip na binabaan ko, pero nakasunod pa rin ang tingin ko sa iyo. Mga mata mong nakatingin rin sa direksyon ko ang huli kong nakita sa dilaw na dyip na papalayo na.

Minsan, mawiwirduhan ka talaga sa biyahe ng dyip mula up campus papuntang sm at pabalik. Medyo nakakatuwa kasi yung mga babaan na sasabahin mo sa drayber kapag nagbayad ka ng pamasahe.

“Tatlo ngang bumbero.”

Narinig ko na lang habang binabaybay ang agham road. Pati ang nagsabi nito ay medyo naguluihan rin ng konti. Pagkatapos magbayad ay pinag-usapan pa nila kung bakit ba bumbero ang tawag sa bababaan nila. Inisip pa kug ano ang tawag sa gusali ng mga bumbero. Firemen house daw.

“Yung singkwenta po isang visayas, isang mindanao tsaka isang sm.”

Buti na nga lang daw hindi sa luzon ave. bababa yung papuntang sm, kundi para na rin nilang kinakatawan ang tatlong bituin ng bandila ng Pilipinas.

“Yung bente po isang dar, tsaka isang sugar, pareho pong estudyante.”

Ang totoo, pwede mo ring umorder ng rice, coconut, mines, at kung ano-ano pang departamento at bureau ng pamahalaan ng republikang ito. Para ka na ring umoorder ng super combo meal sa angel?s goto heaven ni ka anghel.

Ewan ko kung talagang wala na akong pera pero kung bakit kahit sale sa sm ay wala pa rin akong nabili na kahit na ano. Napagod lang ako sa pakikisiksik sa tambakan ng mga damit. Iba talaga kapag sale, higit pa sa doble ang dami ng tao, at higit pa sa triple ang binibili nila. Sa ilang sandali ay maiisip mo na walang problema sa pera ang Pilipinas.

Nakita ko rin sa wakas ang sinasabi ng ate ko na bus na papuntang baliuag pero nagbababa rin ng pasahero sa bocaue, kaya sumakay kaagad ako dahil wala pa ring del carmen, at marami-rami na ang nagkukumpulang mga taga-sta. maria sa may antayan ng bus sa sm annex.

Pero bukod sa komportable akong nakaupo at muntik nang makatulog sa biyahe ay walang nang ibang magandang dulot ang pagsakay ko sa bus na ito. Mas mahal ng sampung piso ang pamasahe, binaba pa kami malayo sa paanan ng bocaue exit dahil trapik, kaya malayo rin ang nilakad namin, nakakapagod. Hindi na ulit ako sasakay dun, kahit parang lata ng sardinas ang del carmen kapag rush hour, buti na lang, walang kasamang tomato sauce.

diverging worlds

No Comments » August 1, 2005 » 1691 days ago
Uncategorized

“The convergence or divergence of a sequence does not depend on the behavior of its initial terms, but rather on how the terms behave, eventually.”

Ibig sabihin, sa isang sequence, hindi mahalaga kung magulo ang mga unang numero, ang mahalaga ay ang pagkakaayos ng mga ito, pagkatapos. Parang sa lahat ng bagay, na kahit hindi maganda ang umpisa, basta tapusin mo nang maayos.

“Ok lang kahit bagsak ka sa unang dalawang exam, makakabawi ka naman sa susunod.”

Sana nga ganun, pero hindi ito kasing dali ng gusto ko sanang isipin.

converging lives

No Comments » August 1, 2005 » 1691 days ago
Uncategorized

Narinig ko ang mga yapak mula sa hagdan pababa mula sa ikatlong palapag ng math building. Pamilyar ang tunog na iyon, hindi ko mapagkakamalan sa yapak ninuman. At kahit isang grupo ang bumababa ay nangingibabaw pa rin sa karamihan.

Habang lumalapit ay lalong lumalakas, napapasabay sa unti-unting bumibilis na pintig ng aking pulso. Tuluyan na akong natigilan sa aking pagsusulat. At napalingon na lang ako sa kanyang direksyon.

At bigla na lang tumigil ang oras.

O ginusto ko lang na tumigil sana ang oras sa sandaling mapalingon kami sa isa?t-isa. Nakita ko ang kanyang mukha, ang kanyang mga matang nakatatak na sa isip ko?y nasa harapan ko na?t natatanaw. Sana nga tumigil na lang ang oras.

Pero hindi, sinundan kaagad ito ng isang segundo, dalawa, at tatlo.

Hindi na siya naabot pa ng aking tanaw, at napansin ko pa, hindi siya nakangiti sa pagkakataong ito.

At nagising na naman ako sa aking panaginip.

Pareho pala talaga kami ng professor, siya siguro ay sa earlier class ni ong. Nakita ko kasi yung pinasa nilang problem set ng kagrupo niya, at may mali sila, hehe.

Marami pa pala ang pagkakataon na makita ko siya, ayus.

math bagsak

No Comments » August 1, 2005 » 1691 days ago
Uncategorized

bagsak na naman ako sa long exam ko sa math 54.

strike 2 na ako, isa na lang, baka kailangan ko nang magdrop. hindi ba ako nag-aaral ng mabuti?

o talagang bobo lang ako

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.