meron akong natanto, nito lang;
isa talagang silid-tulugan ang library at kaya lang maraming libro doon ay para mas mabilis kang makatulog.
kundiman[dot]netdahil ang tanging panalangin ko ay ikaw.
meron akong natanto, nito lang; isa talagang silid-tulugan ang library at kaya lang maraming libro doon ay para mas mabilis kang makatulog.
Pinapalipat-lipat ko pa rin ang iilang pahina ng xerox copy ng isang bago na namang imbentong bestseller. Hindi siguro magandang setting ang isang wooden bench sa gilid ng parke sa pagbabasa ng isang madamdaming trahedya ng isang pinagkait, pinaglayo, pinagsinungalingan at pinagkadusta-dustang pag-ibig.
Generic naman talaga yung may namamatay na bida sa dulo, sa action films lang ata hindi nangyayari yun. Hmmm, bakit kaya kapag nakikipagpatayan ang bida, hindi siya namamatay pero kapag sa isa namang kwentong wala man lang kahit isang fighting scene, tsaka pa siya nalalagutan ng hininga? Buti na nga lang hindi cancer o leukemia yung naging sakit nung kawawang lalake sa istorya na to.
Mga magkababata sa isang malayung probinsya na nagbitiw ng pangako sa isa?t-isa sa ilalim ng isang century old tree na hindi-hindi sila, magkakalimutan. Haay, 2 out 5 ata sa mga telenobela ay sa ganitong tagpo nagsimula. Pero medyo ok na rin, habang binabasa ko ang mga maaanghang na salita ng kontrabida bilang pang-aalipusta sa pinakamamahal na bidang babae, naririnig ko ang malakas na paghampas ng alon sa mga bato. Parang bato ang pag-iibigan nina Maricris at Carlo, hindi natitinag.
Napaisip ako bigla sa mga sinabi niya. May mga naglalarong bata sa tabi, may naglalakad na nagtitinda ng lobo, maraming nag-jojogging, maraming namamasyal, at habang tinitignan ko silang lahat sa isang mabilis na sulyap, iniisip ko kung lahat nang ito ay naitakda na ba talaga bago pa man ito talaga nangyari. Malamig ang hanging umiihip mula sa dagat.
Bigla ko na lang naalala na meron pala akong kwento na dapat bigyan ng kaukulang hatol. Maikli lang naman, limang pahina, single-spaced, 11pt-sized arial font. Mas mahirap pala ito kaysa sa mga exam sa math, kasi dito, walang review.
iyong ilapat ang panulat sa papel simulan mo nang iguhit bigyan mo ng buhay ang bawat letra humabi ka ng mundong hindi pa nakikita ibalik mo ang nakaraang lumipas imulat mo kami sa isang bagong araw patakbuhin ang oras ayon sa ?yong nasa kapag ngayo’y sumulat ka |