kwento lang

Posted almost 7 years ago inlove

kauuwi ko lang galing sa isang beauty pageant,, well, filipino beauty pageant ito.. la lang.. konti lang din ung mga contestant pero dahil kasali ung pinsan ko, sumama na kami.. ok naman ung pageant, then after that sayawan,, syempre mega sayaw naman lola mo.. hehehe.. tapos bilang slow dance.. hay, napaupo tuloy ako.. la naman akong partner eh.. so aun, nakaupo lang ako, tinitingnan ung mga sumasayaw.. biglang naisip ko, ano kaya kung may nagalok ng sayaw sa akin? hmmm.. para namang mangyayari un.. saka isang tao lang naman ang gusto kong kasayaw.. isang tao lang.. miss na talaga kita pare ko!!! paguwi ko, un pa rin ang iniisip ko.. sana may kasayaw ako kanina.. sana nandito sya.. sana.. hay.. pictures ulit.. =)

bored me again

*kanta mode* ipaglalaban ko ang ating pag-ibig.. maghintay ka lamang, ako’y darating.. pagkat sa isang taong mahal mo, ng buong puso.. lahat ay gagawin.. makita kang muli…

kapangalan

Posted almost 7 years ago Uncategorized

sa simula’t sapul talaga,

hindi ko na ginusto na meron akong kapangalan, kahit hindi eksaktong kapareho, kahit katunog lang.

kung bakit kasi nakapanood pa ang nanay ko ng nilintikang pelikula na yan ni sharon, edi sana hindi na ako nakakaranas ng ganitong mga agam-agam.

sana iba na lang ang pangalan ko, yung walang kapareho

bus stop

Posted almost 7 years ago writings

hay naku, heto na naman ako.. naaalala ka.. iniisip kung ano kaya ang ginagawa mo ngayong 8:00 am na ng lunes sa pinas, gising ka na kaya? iniisip mo rin kaya ako? baligtad na talaga ang mundo natin.. matutulog pa lang ako, gising ka na.. ganon tayo kalayo.. habang pinapanood ko ung mga sasakyang dumaraan, naiisip ko na kahit may sarili akong kotse eh di pa rin kita mapupuntahan ng ganon na lang.. ang layo na talaga natin..

ang tagal dumating ng bus ko.. sana nandito ka habang hinihintay ko un.. may kausap sana ako di ung nagsusulat ako ng kung anu-ano.. naalala ko tuloy ung dati.. na naman? lagi naman eh.. ung naghihintay tayo ng bus.. nakakapamili pa tayo kaso dito hindi.. iba talaga kapag kasama mo ung taong mahalaga sayo..

isang di ko makakalimutan sa pagsakay natin sng bus eh ung hahawakan mo ung kamay ko.. =) ang saya ko non.. sobrang saya.. feeling ko di mo talaga ako pababayaan.. ramdam ko na mahal mo ko..

dumating na rin sa wakas ung bus.. la nang magpapaunang sumakay sa akin.. ngayon nakasakay na ko sa bus.. pero di ako dadalhin sa kamias o cubao.. di rin ako makakapunta sayo.. la rin akong katabi na hahawak ng kamay ko at ibababa ang balikat kapag nakatulog ako.. mag-isa lang ako.. kahit na puno ang bus parang ako lang dahil wala ka.. kung alam ko lang na sasakay ako ng bus mag-isa, sana nung magkasama pa tayo eh nilubos ko na.. sana lagi tayong magkasama..

o, bakit ka umiiyak? kala ko ba masaya tayo dapat.. ang hirap talagang itago ang tunay na nararamdaman no? hayaan mo, kaya natin to! =) basta mahal kita at mahal mo ko.. at kapag nagkita tayo ulit, i’ll make sure na di na tayo magkakahiwalay.. kahit ilang bus pa ang humarang sa atin.. =)

6:59pm aug. 7, 05

another long post

Posted almost 7 years ago homesickness

hay, isang araw lang lumipas, ang dami nang nangyari,, masaya naman lahat.. kaya, i decided to have different topics in this post.. =) sana lang wala akong makalimutan..

_paguwi ni melo_ dito nagumpisa ang lahat.. around 12mn (nov. 5) dumating na si melo.. la namang nagbago sa kanya, halata lang na masaya sya sa naging paguwi nya sa pinas.. and im happy for him! =) ang dami pang mga kwento at pasalubong! hehehe.. as in, nagulat nga din ako dahil sa sobrang dami ng bigay! mga CD, magazine, letters, t-shirts (na sana kasya sa akin!) at journal.. ang daming mga kwento.. basta masaya daw.. sana lang next year nakauwi kaming lahat! puyat kami syempre dahil naglaro lang kami ng dance-dance revo at dahil na rin ayaw kaming patulugin ni melo.. hehehe.. buti na lang at wala akong pasok! hay, sana nga makauwi na kami ulit!

_salamat_ sobrang salamat sa mga regalo sa akin.. thank you sa sis ko, sa es2pidas, ana, lany, sa mga insan ko at sa mga tita ko, at sa pare ko.. hay, grabe, naiyak nga ako eh.. ewan ko ba kung bakit! cyempre natututwa ako kaso lalo ko lang tuloy silang na-miss! =( waaaaaaaaaaa! ah basta see you soon!

regalo!

journal ko!

mga bru!

_songs_ hay, may uwi si melo na madaming CD! parokya, bamboo, the pinoy ako CD at jasmine trias.. soundtrip na naman ito! hehehe.. pansin ko lang, ung mga kanta ngayon eh medyo nakaka-relate ako! ito ung 2 sa paborito ko sa ngayon..

Pinoy Ako -orange and lemons-

lahat tayo ay mayroong pagkakaiba
sa tingin pa lang ay makikita na
iba’t-iba ang kagustuhan
ngunit isang patutunguhan

gabay at magmamahal ang hanap mo
magbibigay ng halaga sayo
nais mong ipakilala
kung sino ka ngang talaga

*pinoy! ikaw ay pinoy
ipakita sa mundo kung anong kaya mo

ibang-iba ang pinoywag kang matatakot ipagmalaki mong,
pinoy ako! pinoy tayo!

ipakita mo ang tunay at kung sino ka
mayroon mang masama at maganda
wala namang perpekto basta’t magpakatotoo!

**talagang ganyan ang buhay, dapat ka nang masanay
wala ring mangyayari kung laging nakikibagay
ipakilala ang sarili anuman ang sayo’y mangyari ang lagi mong isipin kayang-kayang gawin!

Makita kang Muli -sugarfree-

bawat sandali ng aking buhay pagmamahal mo ang aking taglay
san man mapadpad ng hangin hindi magbabago ang aking pagtingin

pangako natin sa maykapal na tayo lamang
sa habang buhay maghihintay

ipaglalaban ko ang aking pag-ibig
maghintay ka lamang, ako’y darating
pagka’t sa isang taong mahal mo ng buong puso lahay ay gagawin
makita kang muli, makita kang muli

puso’y magdurusa, mangungulila iniisip ka pag nag-iisa inaalala mga sandali, ng tayo’y magkapiling

ikaw ang gabay sa aking tuwina ang aking ilaw na tumatanglaw tanging ikaw

ipaglalaban ko ang ating pag-ibig
maghintay ka lamang, ako’y darating
pagka’t sa isang taong mahal mo ng buong puso
lahat ay gagawin makita kang muli, makita kang muli
makita kang muli

_bcoz of u_ isa sa mga nirequest ko kay sis eh ung DVD ng bcoz of u.. hehehe.. gusto ko lang kasing mapanood ng buo ung palabas dahil nung pinanood ko sa sinehan un eh, di ko natapos.. =) hay nku, kakatuwa lang.. medyo naiyak pa nga ako sa isang part dun.. ewan ko ba! may naisip lang kasi ako.. hehehehe.. ang drama!

_in the end_ dahil sa mga bigay sa akin, napagisip-isip ko na KAILANGAN KO NANG MAKABISITA SA PINAS! un lang.. homesick na naman ako.. hay…

1252 11-05-05 ………. ang taba ko na! =( ewan ko ba.. i really need to start dieting.. nakakairita! hello, 7 days a week na nga akong nagtatrabaho, lakad pa ng lakad both jobs, tapos i gained 15 pounds??? kakairita tlaga!!! goodluck sa pagpapapayat!!!! **iloveyou pare ko!**

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.