bus stop

No Comments » November 7, 2005 » 1335 days ago
writings

hay naku, heto na naman ako.. naaalala ka.. iniisip kung ano kaya ang ginagawa mo ngayong 8:00 am na ng lunes sa pinas, gising ka na kaya? iniisip mo rin kaya ako? baligtad na talaga ang mundo natin.. matutulog pa lang ako, gising ka na.. ganon tayo kalayo.. habang pinapanood ko ung mga sasakyang dumaraan, naiisip ko na kahit may sarili akong kotse eh di pa rin kita mapupuntahan ng ganon na lang.. ang layo na talaga natin..

ang tagal dumating ng bus ko.. sana nandito ka habang hinihintay ko un.. may kausap sana ako di ung nagsusulat ako ng kung anu-ano.. naalala ko tuloy ung dati.. na naman? lagi naman eh.. ung naghihintay tayo ng bus.. nakakapamili pa tayo kaso dito hindi.. iba talaga kapag kasama mo ung taong mahalaga sayo..

isang di ko makakalimutan sa pagsakay natin sng bus eh ung hahawakan mo ung kamay ko.. =) ang saya ko non.. sobrang saya.. feeling ko di mo talaga ako pababayaan.. ramdam ko na mahal mo ko..

dumating na rin sa wakas ung bus.. la nang magpapaunang sumakay sa akin.. ngayon nakasakay na ko sa bus.. pero di ako dadalhin sa kamias o cubao.. di rin ako makakapunta sayo.. la rin akong katabi na hahawak ng kamay ko at ibababa ang balikat kapag nakatulog ako.. mag-isa lang ako.. kahit na puno ang bus parang ako lang dahil wala ka.. kung alam ko lang na sasakay ako ng bus mag-isa, sana nung magkasama pa tayo eh nilubos ko na.. sana lagi tayong magkasama..

o, bakit ka umiiyak? kala ko ba masaya tayo dapat.. ang hirap talagang itago ang tunay na nararamdaman no? hayaan mo, kaya natin to! =) basta mahal kita at mahal mo ko.. at kapag nagkita tayo ulit, i’ll make sure na di na tayo magkakahiwalay.. kahit ilang bus pa ang humarang sa atin.. =)

6:59pm aug. 7, 05

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.