whattha?
mula nung dumating kami dito sa tate eh sobrang mis ko na ung mga tao – mga kaibigan, pinsan, mahal sa buhay at kahit mga kaaway (kung meron man). na-mimiss ko ung dating buhay ko.. la na akong kasamang gumala gabi-gabi na mapapagalitan ako, katelebabad sa telepono, ka-text na piso lang ang bayad at kung anu-ano pang bagay na dati’y di ko pinapansin.. ngayon ko lang naramdamanang maging huli sa uso.. animado ako non na MTV ang lagi kong pinapanood para alam ko ang latest kina mariah carey, britney spears, at sa kung sino-sino pa.. ngayon, nagaabang ako ng OPM MYX tuwing umaga at OPM MYX countdown every saturday.. naghahagilap ng mga mado-download na pinoy songs.. ngayon ko lang naisip, iba pa rin talaga ang pinoy.. mahilig din akong mag-window shopping non.. kasama symepre mga kaibigan ko.. of crouse ung mga branded ang tinitingnan.. kung ano ang wala sa pinas, un ang hinahanap.. ngayon iba na.. miss ko na ang penshoppe, bench, alimall, sm megamall, glorietta.. feeling ko nga mas marami pang mabibili sa pinas kaso wala namang pera.. un lang!
natatawa nga ako sa sarili ko eh.. 7 buwan na kami dito pero homesick pa rin! kaya naman kahit na $50 ang ginagastos ko para lang makabili ng phonecard eh ayos lang.. gusto ko nang umuwi! don’t get me wrong, ok talaga d2 sa tate, marami kang mabibili at lagi kang may pera kaso iba pa rin kasi ung kasama mo ung mga mahal mo sa buhay.. helo, 20 yrs akong tumira sa pinas.. kaya iba pa rin talaga.. kaya naman bilib talaga ako sa mga pinoy dito na iniwan ang mga pamilya para lang magtrabaho dito at makapagpadala ng pera.. ang dami kong kilalang ganon.. ang lungkot lalo nat magpapasko pero wala tayong magagawa.. kailangang magtrabaho.. para mabuhay..
naisip ko nga, gusto ko paring tumanda sa pinas.. babalik ako! pangako ko yan sa sarili ko.. sana lang matupad! iba pa rin ang pinas!




