bored na naman!

No Comments » December 10, 2005 » 1560 days ago
homesickness, so random

anong oras na pero gising na gising pa rin ako.. dapat matututlog na ko eh kaso, di mapigilan ng aking mga kamay na buksan ang computer.. la naman akong ginagawang importante, gusto ko lang mag-internet.. kaya naman binuksan ko ang aking friendster account.. binago ko na ung layout.. hehehe, tutal la naman akong magawa.. natapos ko na un kaso di pa rin ako dinadapuan ng antok, kaya naisipan kong gumawa ng image.. =) at ito un!

Image hosted by Photobucket.com

aliw lang ako! hehehe.. at nilagay ko na rin sya sa friendster profile ko.. mga kaibigan kong tunay! na sobrang miss na miss ko na! natapos ko nang ayusin ang profile ko, pero tinamaan ng magaling, la pa rin.. may kung ano ata akong nainom kaya di ako makatulog.. kaya naman, tiningnan ko lahat ng friends ko! hehehe.. 400 un, di naman lahat ung tipong browse lang.. masaya.. may ilang binigyan ng mensahe na nangungumusta lang.. habang ginagawa ko to, nagpapatugtog ako ng OPM! eh lalo na akong di inantok! kausap ko pa si besis sa YM.. syempre, super pilit ang paguwi ko next yr! hay sana nga!

kung uuwi man, 2 weeks lang daw.. pano kaya un? ang bilis lang.. 14 days.. goodluck! kailangan nga isipin ang mga dapat gawin.. gusto ko nang umuwi!

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.