currently blank

No Comments » December 13, 2005 » 1553 days ago
emo daw

currently feeling blank which is so not me.. i have so many things to say but the moment i opened my blogger, it just disappeared.. i dont know.. it feels like something is missing.. suddenly i felt numb.. that my mind is just doing something because I HAVE TO not because i want to.. i have to do this and that or else.. when can i do something for myself? ok, i can buy a lot of stuff for me, myself and i but i’m not happy.. I’M NOT! i feel so greedy cause GOD gave me alot since i got here and here i am still wanting more.. what happened to me?

i said that we are better of friends than have something to hold on to.. i feel like its time.. it won’t work.. all the negativity is kicking in that’s why i decided to stop.. i didn’t sleep well cause i’m waiting for him to say “we can do it..” but no reply.. i slept crying.. i totally understand that he got a life of his own and i do too but what i’m asking is just a moment.. is it too much? this has been going on and on eversince we met.. he won’t be sending a message to me for a week, then i’ll worry.. and then after a week, we are back together again.. i want this to stop.. it’s not because i don’t love him no more but because i’m getting tired.. i love him so much that i’m letting him go (too much drama i know!) i’m still hoping for the best to happen.. i know we will meet again..

bored na naman!

No Comments » December 10, 2005 » 1557 days ago
homesickness, so random

anong oras na pero gising na gising pa rin ako.. dapat matututlog na ko eh kaso, di mapigilan ng aking mga kamay na buksan ang computer.. la naman akong ginagawang importante, gusto ko lang mag-internet.. kaya naman binuksan ko ang aking friendster account.. binago ko na ung layout.. hehehe, tutal la naman akong magawa.. natapos ko na un kaso di pa rin ako dinadapuan ng antok, kaya naisipan kong gumawa ng image.. =) at ito un!

Image hosted by Photobucket.com

aliw lang ako! hehehe.. at nilagay ko na rin sya sa friendster profile ko.. mga kaibigan kong tunay! na sobrang miss na miss ko na! natapos ko nang ayusin ang profile ko, pero tinamaan ng magaling, la pa rin.. may kung ano ata akong nainom kaya di ako makatulog.. kaya naman, tiningnan ko lahat ng friends ko! hehehe.. 400 un, di naman lahat ung tipong browse lang.. masaya.. may ilang binigyan ng mensahe na nangungumusta lang.. habang ginagawa ko to, nagpapatugtog ako ng OPM! eh lalo na akong di inantok! kausap ko pa si besis sa YM.. syempre, super pilit ang paguwi ko next yr! hay sana nga!

kung uuwi man, 2 weeks lang daw.. pano kaya un? ang bilis lang.. 14 days.. goodluck! kailangan nga isipin ang mga dapat gawin.. gusto ko nang umuwi!

christmas post

No Comments » December 9, 2005 » 1558 days ago
buhay SATown, homesickness

its already december 9.. 25-9=16.. 16 days na lang pasko na.. ang bilis talaga ng panahon.. parang dati eh summer, tapos fall, ngayon winter/christmas na! ilang araw na lang eh 2006 na.. everytime na malapit na ang pasko, natutuwa ako.. syempre sino bang hindi diba? madaming regalo, mga reunion, parties, galaan.. pero ngayong paskong to, feeling ko maiiba.. masaya pa rin pero di ganon kasaya.. first christmas namin dito sa san antonio.. malamig din.. di tulad sa pinas.. pero walang snow dito.. dati rati, gustong-gusto kong makakit ang snow.. pero ngayon, parang ayaw ko na.. eh kasi naman la pang snow eh nanginginig na ko sa lamig, un pang may snow.. natatawa nga ako kahapon eh, pagpasok ko, basa pa ang buhok ko tapos ang lakas ng hangin.. goodluck! ang tigas ng buhok ko.. feeling ko ako si rose ng titanic! hehehe.. ganon katigas!

pasko na naman.. ilang pasko rin ang na-celebrate ko sa pinas.. hello, since birth? hehhe.. 20 christmas din un! sa bawat pasko maraming nangyayari.. maraming alaala.. last year, un na pala ung huling pasko namin sa pinas.. la namang espesyal na pangyayari, ung tamang magkakasama lang kami.. pumasok pa nga ako sa maersk ng 24 eh.. o diba? hehehe.. tapos sa marikina kami ng pasko dahil dun na nakatira ang tita ko.. masaya.. kahit kami-kami lang..

kaninang umaga, napanood ko ung commercial sa TFC, ung isang tawag lang.. ung commercial kasi, pinakita ung situation na naka-relate talaga ako..

  • isang scene ung, lola at lolo sa pinas tapos may narinig silang nangangaroling, sabi nga lola “mga apo, nangangaroling pa ba kayo?” tapos ring ng telepono

  • mag-ama naglalagay ng christmas tree, then ung anak eh hawak ung angel. sabi nung tatay nya, “o mommy’s angel na” sabi nung bata “mommy sana nandito ka” tapos nag-ring din ung telepono

  • magkakaibigan, magkakasama ng christmas eve, tumitingin sila sa photo album.. sabi nung isang girl “sino kaya ang ka-gimik mo ngayon?” of course nagring ung telepono

  • lalaki, katatapos lang nyang magsimbang gabi, sabi nya, “nilalamig ka rin ba ngayon?” nagring ang celphone

ito ung mga nasa commercial.. panay nagring ang telepono dahil lahat sila ay tinawagan ng mga mahal nila sa buhay.. hay, nakakamiss lang din kasi ung pasko sa pinas.. mas ramdam kasi dyan.. ewan ko ba.. dito kasi, oo nga maraming palamuti ang gaganda pa.. kaso parang kulang pa rin eh.. la man lang nangangaroling, lang simbang gabi, bibingka, puto-bumbong, mga barkadang sama-samang nagsisimba at pagdating simbahan ay matutulog.. naalala ko tuloy nung unang bese kong balak kumpletuhin ang simbang gabi, nung ika-4 na araw na, nilagnat ako! hehehe.. di ko tuloy na-kumpleto..

ang pasko sa pinas ay tunay na ibang-iba.. un lang!

whattha?

No Comments » December 6, 2005 » 1560 days ago
homesickness

mula nung dumating kami dito sa tate eh sobrang mis ko na ung mga tao – mga kaibigan, pinsan, mahal sa buhay at kahit mga kaaway (kung meron man). na-mimiss ko ung dating buhay ko.. la na akong kasamang gumala gabi-gabi na mapapagalitan ako, katelebabad sa telepono, ka-text na piso lang ang bayad at kung anu-ano pang bagay na dati’y di ko pinapansin.. ngayon ko lang naramdamanang maging huli sa uso.. animado ako non na MTV ang lagi kong pinapanood para alam ko ang latest kina mariah carey, britney spears, at sa kung sino-sino pa.. ngayon, nagaabang ako ng OPM MYX tuwing umaga at OPM MYX countdown every saturday.. naghahagilap ng mga mado-download na pinoy songs.. ngayon ko lang naisip, iba pa rin talaga ang pinoy.. mahilig din akong mag-window shopping non.. kasama symepre mga kaibigan ko.. of crouse ung mga branded ang tinitingnan.. kung ano ang wala sa pinas, un ang hinahanap.. ngayon iba na.. miss ko na ang penshoppe, bench, alimall, sm megamall, glorietta.. feeling ko nga mas marami pang mabibili sa pinas kaso wala namang pera.. un lang!

natatawa nga ako sa sarili ko eh.. 7 buwan na kami dito pero homesick pa rin! kaya naman kahit na $50 ang ginagastos ko para lang makabili ng phonecard eh ayos lang.. gusto ko nang umuwi! don’t get me wrong, ok talaga d2 sa tate, marami kang mabibili at lagi kang may pera kaso iba pa rin kasi ung kasama mo ung mga mahal mo sa buhay.. helo, 20 yrs akong tumira sa pinas.. kaya iba pa rin talaga.. kaya naman bilib talaga ako sa mga pinoy dito na iniwan ang mga pamilya para lang magtrabaho dito at makapagpadala ng pera.. ang dami kong kilalang ganon.. ang lungkot lalo nat magpapasko pero wala tayong magagawa.. kailangang magtrabaho.. para mabuhay..

naisip ko nga, gusto ko paring tumanda sa pinas.. babalik ako! pangako ko yan sa sarili ko.. sana lang matupad! iba pa rin ang pinas!

december na!

No Comments » December 2, 2005 » 1564 days ago
so random

ok, disyembre na.. grabe *kanta mode* pasko na naman.. ngunit wala ka pa.. hanggang kailan kaya ako maghihintay sa iyo.. well, actually, meron na pala kaso malayo naman kami sa isa’t isa.. =( *lungkot mode* ano ba ang gusto ko ngayong ka-paskuhan? hmmm.. ito ang ilan

  • plane ticket back to the philippines

  • charmed season 3

  • laptop

  • ipod nano

  • dance school

  • world peace!

–badtrip portion–

ok, i know i just started in my job, i’ve been there for almost 2 months now and i can say that i’ve learned a lot from my trainor and friend robert.. he told me a lot of things, both good and bad regarding the people i’m gonna be working with.. at first i thought that “nah, i’ll be alright” but i was wrong.. when i got to work this morning, i just wanted to go back home.. my storeroom is all messy, and i just cleaned it yesterday before i left.. i wanted to scream but what can that do? nothing.. so i just cleaned it WHOLE DAY, like whole day from 7:30am til 4pm.. i know i shouldn’t be complaining and hating coz i’m just new but there are certain things that i really can’t take.. i’m doing my best to get along with everybody well and all i get is this? they actually take me for granted.. talk about loving your job.. now, it made me thinking of looking for another job but i don’t want to be wasting my resumes looking for a job and i’ll just end up doing something i really don’t love doing.. and since the pay is good i don’t want to leave.. whereelse can you find a work so easy and its paying you more.. nowhere.. i can also buy almost anything i wanted and help my family at the same time.. but do you think the pay is really worth it if you are working with people who doesn’t even notice your help? i don’t know.. i’m just confused.. this is life..

–end of badtrip portion–

kapag pala badtrip ako, nakakapag-english ako eh! hehehe.. aus!

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.