kung ikaw ay isang panaginip.. ayokong magising..

No Comments » January 6, 2006 » 1534 days ago
inlove

nanaginip na naman ako.. kasama ko sya.. umuwi raw ako ng pilipinas… daming tao, ang setting? sa *quirino elementary school.. sa lahat naman diba? maraming kaibigan, mga taong naka-miss sa akin.. basta marami sila.. parang totoo.. kasiyahan ang aking nadarama nung mga panahong un.. kaso matatapos na ang panaginip ko, wala pa sya… tapos biglang tumahimik ang lahat.. nagsi-alisan na ang mga tao.. saka sya dumating.. natuwa ako.. tuwang-tuwa.. feeling ko nga habang natutulog ako, nakangiti ako.. parang baliw.. baliw, oo, pero masaya ako kaya wala akong pakialam.. sya lang ang tanging taong gusto kong makita.. makasama.. mayakap..

kaso, biglang may isang lalaki na lumapit.. gusto nya akong makausap.. sumama ako sa kanya.. di ko sya kilala, pero sumama pa rin ako.. iniwan kong magisa ung mahal ko.. tinanong ako nung lalaki, “anong gusto mo?“..

di ko sya kilala, anong sasabihin ko? di ko alam.. lumingon ako sa lugar kung san ko iniwan ang mahal ko.. nandon pa rin sya, nakatingin lang.. di man lang lumapit.. sabay tingin ko ulit sa lalaking di man lang kakilala.. tapos.. tapos..

nagising na ko..

*paaralan ko nung elementary sa may anonas

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.