dahil wala akong magawa at di pa ko inaantok

No Comments » January 8, 2006 » 1531 days ago
so random

la lang

dapat di na ako gagawa ng post eh.. kaso, di pa naman ako inaantok, kaya naisipan kong sige na nga.. kahit na wala naman talaga akong gustong sabihin, heto pa rin ako at tumitipa sa itim na keyboard.. saka ko lang naisip, di pala ako makakabalik sa pagbo-blog kung di ako nakabili ng sarili kong computer.. gudluck naman kasi, la namang computer rentals dito.. kaya laking pasasalamat ko talaga na may computer na kami! =)

halata talagang wala akong magawa kaya naman pati picture ko eh nilagay ko na rin dito.. la lang.. trip.. di naman ako masyadong mahilig sa picture compared sa mga kapatid ko eh.. ako ang pinakamahiyain! (walang kokontra!) kahit sa mga kaibigan ko… di naman kasi ako “maganda sa picture eh” kahit mga candid shots na ginagawa ko mismo eh pangit talaga! teka, kyut naman pala ako! hehehe..

nami-miss ko na naman sya.. lagi naman eh.. lang araw na lumipas na di ko sya iniisip.. hay.. ganito na lang ata palagi.. kailangan ko talagang makauwi this year!

wait lang, la pa pala akong new year’s resolutions.. hmmm.. di naman talaga ako gumagawa ng resolutions taon-taon dahil di ko naman sya nagagawa.. pero this year, try ko! hehehe.. ito ang ilan:

  • magtipid

  • magpapayat (dapat before ako umuwi ng pinas payat na ko)

  • bawasan ang pagka-isip bata

  • magpakabait (teka, mabait na ko ngyon.. mula nung nasa texas na kami!)

  • magtipid

  • magtipid

  • at higit sa lahat magtipid!

magastos na talaga akong bata, kaso maging mas magastos ako dito.. bawat sweldo na lang, gusto ko may nabibili ako.. mga libro, dvd, panglagay sa kwarto at kung anu-ano pa.. pero napansin ko lang, halos 80% ng gastos ko eh dahil sa pagkain! kaya naman.. *buntong-hininga*

ang tanging hiling ko lang ngayong 2006 eh, good health at happy life! hehehe.. lahat naman ata tau ganon.. pati pala world peace! thank you very much! =)

12:15am na.. di pa rin ako inaantok.. hay naku! pipilitin ko na lang matulog.. =)

peace awt!

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.