para sayo, ang laban na to..

Add comments January 28, 2006 » 1512 days ago
sports minded

sino ba namang Pilipino ang di matutuwa sa pagkapanalo ni PACMAN? eh feeling ko nga, kahit mga Pinoy na medyo tinalikuran na ang pagiging Pilipino eh bigla na lang naging Filipino citizen ulit.. bigla-bigla na lang nagyabang na Pilipino sya eh all this time, kung yurakan nya ang Pilipinas.. malaki talaga ang naitulong ni PACMAN sa ating bansa.. well, di man sa usapang pera dahil ganon pa rin ang exchange rate ng USD-Php, di rin naapektuhan ang presyo ng mga bilihin at langis pero naipakita ni PACMAN na pwede pa rin tayong magkaisa, come what may.. kahit na nagkakagulo na ang ating bansa, habang nakikipaglaban si PACMAN eh bati-bati muna.. aus, kahit ilang oras lang, nagkaisa ang mga pinoy..

kaso, sa aking palagay, medyo di rin masyadong maganda ang kinahinatnan ng pagkapanalo ni Manny.. parang.. sobra na.. ok, tama lang ung exposure ni Pacquaio kaso, parang kitang-kita na may ibang nanggagamit lang.. unang-una, ung TV station na nagcover nung laban.. i don’t need to mention the name of the TV station..Sealed bakit naman ganon? sobrang kailangan bang ipamukha sa ibang station na mas magaling sila dahil KA_______ nila si PACMAN? kala ko ba, ang panalo ni PACMAN ay panalo ng lahat ng Pilipino? tsk..tsk..tsk.. nakakairita lang.. tapos, ung sa gobyerno.. pulitika talaga! ayoko na lang magcomment dahil baka pati ako eh mahuli at akusahan na against sa kasalukuyang gobyerno.. magulo na talaga ang pulitika ng Pilipinas.. Yell

may album si manny.. ok naman kasi ung kanta nya.. sakto pa nga sa laban nya.. sakto talaga at nanalo sya! napanood ko lang sa TV na may album launching sya.. astig! Laughing kaso sana, hanggang dun na lang si manny.. ok nang makilala syang magaling na boxer at may album.. wag na sana syang pumasok sa showbiz.. magugulo lang ang buhay nya ng mga intriga.. sikat na si manny sa kanyang sariling propesyon, kaya sana dun na lang sya.. nanonood ako ng TV, at may movie na rin sya! gudluck! hay.. magiging artista na nga siguro si Manny.. sana di sya matulad kay Onyok.. sayang lang ung pinagpaguran nya..

habang sikat ang isang tao, ang dami talagang gagamit, kahit di aminin.. syempre, lang aamin.. sana lang maging matagumpay si Manny “PACMAN” Pacquiao sa kung ano man ang gagawin nya.. gudluck PACMAN! Cool

Mga Kahalintulad na Posts



Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.