nakita kita sa isang magasin

No Comments » January 30, 2006 » 1511 days ago
blog update, starstruck

camillepang-apat na post ko na ito ngayong araw na ito.. haha! halatang walang magawa! anyways, umuwi ako ng bahay during may lunch break.. ok naman.. kumain kami ng nanay ko.. tapos sympre, nakabukas ang TV.. Sineskwela ang palabas.. nung matapos kaming kumain, nilipat ko ang channel.. S-files ang palabas, tanghaling-tapat eh tsismis agad ang hanap ko.. guest nila si Camille Pratts.. di ko nasimulan ang interview, pero pinanood ko pa rin.. naisip ko, ano kaya ang intriga kay Camille since lumipat na ata sya sa Channel 7.. tapos, bilang may slideshow na pinakita.. ung tipong, iniinterview nila ung guest tapos biglang may mga litratong lumalabas sa screen.. si Camille pala ang cover girl ngayong month ng FHM.. what! grabe.. nagbago na ang itsura ni Camille.. kaya naman, pagdating ko dito sa trabaho, chineck ko agad ung site.. at oo nga, sya ang cover girl.. in fairness, ang ganda nya.. bagay sa kanya.. di masyadong bastos ang pagkakakuha.. siguro magiging mabenta ang issue na ito.. eh kasi naman from Ang TV days, Sarah, ang Munting Prinsesa, G-MIK eh talagang big move ang ginawang ito ni Camille.. ito pa nga ung nasa site ng FHM..

“It’s okay, boys. You can let go of your Princess Sarah memories now!”

bilib ako! kasi, ok sa kanya ang ginawa nyang medyo sexy image.. you can truly say na the baby is now lady.. Laughing

eh ako kaya. kelan magmamature?!!!!??? gudluck, matagal pa un!

*image from http://www.fhm.com.ph/

hawak sa aking kamay

No Comments » January 30, 2006 » 1511 days ago
inlove, writings

nandito ako ngyon sa trabaho pero la naman akong magawa kundi ang isipin ka.. ikaw na lang palagi ang laman ng isip ko.. di naman sa nagrereklamo ako, pero, ikaw na naman! haha! nakakatawa nga eh.. dapat nagtatrabaho ako, pero heto ako, tumitipa sa aking keyboard at ang dahilan ay ikaw.. siguro dahil sobrang miss na kita.. lalo na ung mga pinagsamahan natin.. sana nga makita na kita ulit.. sana..

naalala ko lang kahapon, nasa simbahan ako pero di ako nakikinig sa sermon ng pari.. ang sama ko, alam ko.. pero kasi, sa tuwing nakikita ko ang aking mga kamay, lagi kong naiisip na hawak mo ito.. nagsimba rin kasi tayong 2 diba? at nong hinawakan mo ang aking kamay dahil sa Our Father, may iba akong naramdaman.. kahit na walang malisya ang paghahawak ng ating kamay, masaya na rin ako..akala ko hanggang dun na lang ang paghahawak natin ng kamay.. di pa pala.. (buti naman!)

naulit iyon nung magkasama tayo.. feeling ko mahal mo na ko nun.. pakipot ka lang! di ko na maalala masyado ang mga pangyayari, naging blangko ang aking isip.. naramdaman ko na lang na hawak mo na ang aking mga kamay.. di ko maipinta ang aking mukha dahil sa sobrang kasiyahan.. madali ko namang naitago ang sobrang kasiyahan dahil parang wala lang ito sa akin.. habang pinaglalaruan mo ang aking mga daliri, naisip ko na pwede na akong mamatay.. hay, ang saya ko talaga!

dahil sa hawak mo ang aking mga kamay, la na akong takot na naramdaman.. feeling ko kaya mo na akong protektahan.. na wala nang mangyayaring masama.. na mahal mo nga ako.. ayoko nang matapos ang mga sandaling ito..

at ngayong nasa malayo ako, tanging gusto ko lamang ay mahawakan ulit ang iyong mga kamay.. at makasama ka.. sana nga magkita na tayo ulit.. sana talaga..

cellphone

No Comments » January 30, 2006 » 1511 days ago
writings

matutulog na naman ako.. katabi ang cellphone ko.. pero parang may kulang.. katabi ko nga ang cellphone kaso wala naman itong ingay na ginagawa… walang tunog.. parang himbing na himbing sa pagtulog habng naka-charge..

ang laki ng pagkakaiba.. tiningnan ko ang aking phonebook, kakaunti lamang ang mga numerong nandon.. di tulad dati, na halos maubos na ang memory.. wala ring mensahe at kownts.. wala..

*message sent*

nagtext ako ulit, kaso alam ko namang walang reply akong matatanggap dahil mahal kapag nagreply sa akin.. pero naghihintay pa rin ako, baka sakaling may magreply..

tik tak tik tak…

ilang minuto na rin, ayoko nanag umasa.. pero sana bukas ng umaga paggising ko.. sana may magkamaling magreply sa text ko..

piktur..

No Comments » January 30, 2006 » 1512 days ago
Uncategorized

gusto mo ng lollipop?

ang taba na nga, kain pa ng kain.. hay..

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.