2 years, 11 months ago by karmi nandito ako ngyon sa trabaho pero la naman akong magawa kundi ang isipin ka.. ikaw na lang palagi ang laman ng isip ko.. di naman sa nagrereklamo ako, pero, ikaw na naman! haha! nakakatawa nga eh.. dapat nagtatrabaho ako, pero heto ako, tumitipa sa aking keyboard at ang dahilan ay ikaw.. siguro dahil sobrang miss na kita.. lalo na ung mga pinagsamahan natin.. sana nga makita na kita ulit.. sana..
naalala ko lang kahapon, nasa simbahan ako pero di ako nakikinig sa sermon ng pari.. ang sama ko, alam ko.. pero kasi, sa tuwing nakikita ko ang aking mga kamay, lagi kong naiisip na hawak mo ito.. nagsimba rin kasi tayong 2 diba? at nong hinawakan mo ang aking kamay dahil sa Our Father, may iba akong naramdaman.. kahit na walang malisya ang paghahawak ng ating kamay, masaya na rin ako..akala ko hanggang dun na lang ang paghahawak natin ng kamay.. di pa pala.. (buti naman!)
naulit iyon nung magkasama tayo.. feeling ko mahal mo na ko nun.. pakipot ka lang! di ko na maalala masyado ang mga pangyayari, naging blangko ang aking isip.. naramdaman ko na lang na hawak mo na ang aking mga kamay.. di ko maipinta ang aking mukha dahil sa sobrang kasiyahan.. madali ko namang naitago ang sobrang kasiyahan dahil parang wala lang ito sa akin.. habang pinaglalaruan mo ang aking mga daliri, naisip ko na pwede na akong mamatay.. hay, ang saya ko talaga!
dahil sa hawak mo ang aking mga kamay, la na akong takot na naramdaman.. feeling ko kaya mo na akong protektahan.. na wala nang mangyayaring masama.. na mahal mo nga ako.. ayoko nang matapos ang mga sandaling ito..
at ngayong nasa malayo ako, tanging gusto ko lamang ay mahawakan ulit ang iyong mga kamay.. at makasama ka.. sana nga magkita na tayo ulit.. sana talaga..