nakita kita sa isang magasin

Add comments January 30, 2006 » 1509 days ago
blog update, starstruck

camillepang-apat na post ko na ito ngayong araw na ito.. haha! halatang walang magawa! anyways, umuwi ako ng bahay during may lunch break.. ok naman.. kumain kami ng nanay ko.. tapos sympre, nakabukas ang TV.. Sineskwela ang palabas.. nung matapos kaming kumain, nilipat ko ang channel.. S-files ang palabas, tanghaling-tapat eh tsismis agad ang hanap ko.. guest nila si Camille Pratts.. di ko nasimulan ang interview, pero pinanood ko pa rin.. naisip ko, ano kaya ang intriga kay Camille since lumipat na ata sya sa Channel 7.. tapos, bilang may slideshow na pinakita.. ung tipong, iniinterview nila ung guest tapos biglang may mga litratong lumalabas sa screen.. si Camille pala ang cover girl ngayong month ng FHM.. what! grabe.. nagbago na ang itsura ni Camille.. kaya naman, pagdating ko dito sa trabaho, chineck ko agad ung site.. at oo nga, sya ang cover girl.. in fairness, ang ganda nya.. bagay sa kanya.. di masyadong bastos ang pagkakakuha.. siguro magiging mabenta ang issue na ito.. eh kasi naman from Ang TV days, Sarah, ang Munting Prinsesa, G-MIK eh talagang big move ang ginawang ito ni Camille.. ito pa nga ung nasa site ng FHM..

“It’s okay, boys. You can let go of your Princess Sarah memories now!”

bilib ako! kasi, ok sa kanya ang ginawa nyang medyo sexy image.. you can truly say na the baby is now lady.. Laughing

eh ako kaya. kelan magmamature?!!!!??? gudluck, matagal pa un!

*image from http://www.fhm.com.ph/

Mga Kahalintulad na Posts



Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.