philippine mode

Posted 6 years ago homesickness

hey kiddo you’ve been there for far too long to still be homesick, learn to let go of things and accept that you’ve moved on (to another country that is) its not goodbye to friends and that love one, nor are you trying to forget us here and vice versa…simply put, its just making the most of the great opportunity given to you. sure you might say ndi ka na makakakita pa ng mga magagandang friends tulad namin (harhar) totoo yun, pero…id like to see you move on..anjan ka na nga pero ang mode mo philippines mode pa din..ikaw talgang bata ka..

message ni mama v sa akin yan.. ngayon ko lang na-realize, oo nga philippines mode pa rin ako.. sa oras na lng eh, naga-adjust talaga ako sa oras ng pinas para lang makausap ang mga kaibigan ko.. tapos, every morning, instead of tuning in sa mga news dito sa tate, TV Patrol ang pinapanood namin.. actually, feeling ko nga nasa pinas pa rin kami kapag nasa loob lamang ng bahay.. paglabas namin, america na pala!

8 months na kami dito.. homesick pa rin! laging gusto eh ang umuwi.. un ang laging sinasabi ng mga magulang ko sa aming magkakapatid.. kaya lang naman daw kami nagiipon ay para makauwi.. kahit ung mga pinsan namin sa pinas di kami nami-miss dahil maya’t-maya ang tawag.. ni hindi nga raw nagbabago ang boses namin.. lagi ko ngang natatanong sa sarili ko.. tatagal kaya ako dito sa tate? di ko alam..

20 yrs akong namalagi sa pinas.. kaya siguro ganito.. mahirap makalimot o talikuran ang mga nangyari sa akin sa pinas.. di kailangang ikumpara ang buhay ko dito kesa sa pinas dahil kahit na naghihirap na ang pinas, uuwi at uuwi pa rin talaga ako… move on.. parang mag-syota eh.. ang hirap magmove-on kapag mahal na mahal mo ung tao.. sayang ung relasyon at pinagsamahan.. sayang lahat.. at kahit na magmahal ka at makakilala ng iba, di pa rin mawawala ang pagmamahal mo sa kanya…

siguro nga it takes time.. a lot of time para maka-move on ako.. hay.. ang hirap..

*thinking aloud mode* wait lang, kung friday morning ngayon dito, friday night sa pinas.. so paguwi ko, saturday morning na.. damn! lang pasok.. la akong makakausap sa YM! badtrip!

righter.. este writer pala..

Posted 6 years ago blabbers

frustrated writer.. ako un! hanggang ngayon ay pangarap ko pa ring makapagsulat ng isang libro.. tungkol sa akin, tungkol sa kung anu-ano sa buhay ko.. kaso, isang kwento nga lang, di ko pa matapos-tapos.. parang nawawala lahat ng gusto kong sabihin everytime na nakaharap na ko sa computer at sisimulan na ang pagsusulat.. weird nga eh, kasi kapag naglalakad ako papauwi galing trabaho, ang dami kong naiisip na isulat, kaso kapag nasa bahay na ko, umaatake na ang aking katamaran! hay naku.. iniisip ko rin kung may tao bang magkakainterest sa mga kwento ko.. tingin ko wala, sino naman kasi ang may gustong malaman kung ano man ang nangyayari sa buhay ko? nahilig din akong magsulat ng tula.. ang dami ko na ring nagawang tula.. lalo na noong broken hearted ako.. hehehe.. as in! minu-minuto may tula ako! ngayon, medyo tinatamad na rin ako.. hay.. wala na rin kasi sigurong inspirasyon.. wala na.. hay ulit.. kahapon lamang, naglinis ako ng kwarto.. as in linis ito! ang dami kong mga itinapon.. mga sobre, sulat na walang kwenta, mga resibo (madaming resibo!) at mga kung anu-ano pa.. mahilig kasi akong magipon ng mga kalat.. well, di naman talaga sya kalat.. ung mga tipong remembrance lang tuwing nagpupunta ako sa isang lugar,, dati ang tingin ko ay “tresure” ung mga un, kaso kahapon, feeling ko basura na sya..

habang naglilinis ako, nakita ko ung dating certificate ko.. certificate na natanggap ko, nung sumali ako sa tagisan ng pagsusulat.. newswriting.. noong nakita ko ung certificate, ang dami kong naalala.. ang daming bumalik na alaala.. grade 6 ako nun.. kasama ang iba pang kaklase na ang gusto lamang ay manalo ng first place.. representative ako ng quirino elementary school.. i felt proud of myself dahil ako lalaban NEWSWRITING-ENGLISH DIVISION.. taray! hehehe.. mga ilang buwan din kaming sinanay ng aking tiyahin na aking teacher sa ENGLISH subject.. (note: di po dahil sa tita ko ung teacher ko nung grade 6 kaya ako pumasa!) naglagay pa nga ako ng dyes sentimos sa aking sapatos dahil swerte daw un sabi nila.. sa aking pagkakatanda, ang artik ay tungkol sa isang patayang naganap.. natapos ko ung artik ko, na walang iniisip na mananalo ako.. wala sa akin un, manalo, matalo, at least nakasali ako.. natapos ang contest na parang walang nangyari.. wala lang.. tapos, matapos ang ilang araw, sabi sa akin ng tita ko, sama daw ako sa awarding ceremony.. kasama ko rin nanay ko na teacher din sa quirino.. 5 lang kaming umattend ng awarding ceremony, di naman sinabi ng tita ko na nanalo ako.. sinasabi na ung mga nanalo, kategorya ko na.. 10th place.. 9th place.. from quirino elementary school, carme francia.. na-windang ako! parang nanalo na rin ako ng 1st place.. unang award ko un.. na sarili kong pagsisikap.. na ako talaga ung sumali.. ako lang.. umakyat ako ng stage, kasama ang nanay ko.. malamang siguro eh nakangiti na naman ako ng sobra! di ko na maalala kung ano nang nangyari matapos un.. mula noong nanalo ako, naisip kong mag-mass comm pagtungtong ko ng kolehiyo.. kaso hindi nangyari un.. IT ang kinuha ako.. nahilig din ako sa computer pero mahilig pa rin akong magsulat.. kahit ano.. kaya naman, naisip kong pagsamahin ang 2 kong hilig.. computer + writing.. blogger! =)

wowowee

Posted 6 years ago homesickness


“wowowee, sinong di mawiwili, pagkat sa game na to ay di ka magsisisi..
wowowee, panalo ang marami, pagkat panalo ka sa wowowee…”

pagpatak ng 9:15pm ng gabi, nakatutok na kaming magkakapatid sa TV.. dahil sa WOWOWEE.. =)

pagkadating pa lang namin dito sa tate, gusto na naming magkaroon ng TFC.. para makapanood ng mga shows dyan sa pinas.. mga ilang buwan din kaming walang TV.. at talagang pangarap namin na magkaroon ng TFC.. mga ilang beses ring di natuloy at akala nami’y di na matutuloy dahil maraming dapat asikasuhin.. may babayarang insurance, dagdag bayad pa sa apartment, tapos ung mismong satellite dish pa.. pero buti na lang talaga at nagkaroon kami ng TFC.. nakakapanood na tuloy kami ng mga shows sa pinas, kahit di lahat, at least updated pa rin..

every night, nanonood kami talaga.. aliw lang.. =) ung mga contestant, mga TFC subscribers na nakakabisita dun.. kung sakali ngang babalik kaming magkakapatid this year, balak naming bumisita sa wowowee! mamimigay din kami ng dollars! hehehe.. masaya siguro un! magbibitbit kami ng plakard na may nakalagay na ‘SAN ANTONIO’, sabay bati tapos sasali sa BIGAT-10! hehehe.. =)

bakit ba ko gumagawa ng post about sa wowowee? dahil na rin siguro nawawala ang pagka-homesick namin dito.. as in parang nasa pinas lang kami.. tapos dahil rin sa episode na napanood ko kanina.. mga labandera ang kasali sa willie of fortune.. syempre, before ung game, batiian muna.. mga TFC subscribers, mga bisita.. basta silang lahat.. tapos, pumipili na ng sasali sa BIGAT-10.. so aun na.. nakakaaliw panoorin kasi lahat ng contestants eh may mga talent.. sasayaw, kakanta, drama, aliw talaga! =) fast-forward.. so BIGAT-10 na.. lalabanan na nung nanalo sa willie of fortune ung studio audience na napili ni willie.. sagot kung sagot.. tapos ung huling-huling contestant, nakalimutan ko na ung pangalan nya eh.. labandera din..

ang sabi lang nung contestant, pabalato lang daw kahit 50php pamasahe.. ang sabi naman nung isa pang contestant na nanalo na, kahit daw 100php ang ibibigay nya.. tapos biglang may tumayo na babae nagbigay ng 1000php.. tapos sunud-sunod na.. may nagbigay ng dollars, peso.. as in sobrang nakakaiyak ung eksena.. sabi pa nung ale, salamat daw dahil di na sila maglalakad pauwi at makakakain na daw sila kasi kasama nya ung 2 nyang anak ba un at saka ung asawa nya.. kahit ako napaiyak dahil sa ginawa nung mga tao sa studio.. as in nagsitayuan sila! nung tapos na magbigay, sabi nung contestant, di na raw nya hihingin ung balato nyang 100php.. sobra-sobra na daw un!

naramdaman ko na lang tumutulo na luha ko.. kahit sila carlo at mina eh natahimik.. nakakaiyak.. kung pwede lang din akong tumulong sa mga tao sa pinas.. hay..

astig talaga wowowee! =) galing! nakakamiss tuloy lalo ang pinas..

*image from www.abs-cbn.com

Posted 6 years ago emo daw

nandito na naman ako..
palagi na lang..
malungkot..
masaya..
magulo..
pano ko ba mababago ang ugaling kong laging nag-iisip?
laging homesick?
kailangan ko lang ng kausap..
kayakap..
ung makakaintindi sa akin..
kaso, nasan sya?
nasa malayo..
di ko makita..
makasama..
gustuhin ko mang puntahan, di naman pwede..
malayo..
sobrang layo..
kahit mga kaibigang nakasama sa hirap at ginahawa..
di ko rin makasama..
hanggang ngayon di ko pa rin alam kung bakit ba ako nandito..
minsan masaya..
madalas bad trip..
nakakapagod na..

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.