dahil wala akong magawa at di pa ko inaantok

Posted 6 years ago so random

la lang

dapat di na ako gagawa ng post eh.. kaso, di pa naman ako inaantok, kaya naisipan kong sige na nga.. kahit na wala naman talaga akong gustong sabihin, heto pa rin ako at tumitipa sa itim na keyboard.. saka ko lang naisip, di pala ako makakabalik sa pagbo-blog kung di ako nakabili ng sarili kong computer.. gudluck naman kasi, la namang computer rentals dito.. kaya laking pasasalamat ko talaga na may computer na kami! =)

halata talagang wala akong magawa kaya naman pati picture ko eh nilagay ko na rin dito.. la lang.. trip.. di naman ako masyadong mahilig sa picture compared sa mga kapatid ko eh.. ako ang pinakamahiyain! (walang kokontra!) kahit sa mga kaibigan ko… di naman kasi ako “maganda sa picture eh” kahit mga candid shots na ginagawa ko mismo eh pangit talaga! teka, kyut naman pala ako! hehehe..

nami-miss ko na naman sya.. lagi naman eh.. lang araw na lumipas na di ko sya iniisip.. hay.. ganito na lang ata palagi.. kailangan ko talagang makauwi this year!

wait lang, la pa pala akong new year’s resolutions.. hmmm.. di naman talaga ako gumagawa ng resolutions taon-taon dahil di ko naman sya nagagawa.. pero this year, try ko! hehehe.. ito ang ilan:

  • magtipid

  • magpapayat (dapat before ako umuwi ng pinas payat na ko)

  • bawasan ang pagka-isip bata

  • magpakabait (teka, mabait na ko ngyon.. mula nung nasa texas na kami!)

  • magtipid

  • magtipid

  • at higit sa lahat magtipid!

magastos na talaga akong bata, kaso maging mas magastos ako dito.. bawat sweldo na lang, gusto ko may nabibili ako.. mga libro, dvd, panglagay sa kwarto at kung anu-ano pa.. pero napansin ko lang, halos 80% ng gastos ko eh dahil sa pagkain! kaya naman.. *buntong-hininga*

ang tanging hiling ko lang ngayong 2006 eh, good health at happy life! hehehe.. lahat naman ata tau ganon.. pati pala world peace! thank you very much! =)

12:15am na.. di pa rin ako inaantok.. hay naku! pipilitin ko na lang matulog.. =)

peace awt!

ayos lang

Posted 6 years ago inlove

..paguusap sa telepono..

–ako– musta naman si ate?
–sya– ayun, aalis na ulit. next week..
–ako– iiwan ka na naman nya?
–ako– anong sabi nya sayo?
–sya– wala
–ako– di nya sinabing “hintayin mo ko?”
–sya– sinabi na nya sa akin un eh.. sabi ko naman ayoko.. wag na lang

.. . . . . . . .

–ako– ah ganon ba?

. . . . . . .

–ako– pare, hintayin mo ko ha!
–sya– ayos lang..

kung ikaw ay isang panaginip.. ayokong magising..

Posted 6 years ago inlove

nanaginip na naman ako.. kasama ko sya.. umuwi raw ako ng pilipinas… daming tao, ang setting? sa *quirino elementary school.. sa lahat naman diba? maraming kaibigan, mga taong naka-miss sa akin.. basta marami sila.. parang totoo.. kasiyahan ang aking nadarama nung mga panahong un.. kaso matatapos na ang panaginip ko, wala pa sya… tapos biglang tumahimik ang lahat.. nagsi-alisan na ang mga tao.. saka sya dumating.. natuwa ako.. tuwang-tuwa.. feeling ko nga habang natutulog ako, nakangiti ako.. parang baliw.. baliw, oo, pero masaya ako kaya wala akong pakialam.. sya lang ang tanging taong gusto kong makita.. makasama.. mayakap..

kaso, biglang may isang lalaki na lumapit.. gusto nya akong makausap.. sumama ako sa kanya.. di ko sya kilala, pero sumama pa rin ako.. iniwan kong magisa ung mahal ko.. tinanong ako nung lalaki, “anong gusto mo?“..

di ko sya kilala, anong sasabihin ko? di ko alam.. lumingon ako sa lugar kung san ko iniwan ang mahal ko.. nandon pa rin sya, nakatingin lang.. di man lang lumapit.. sabay tingin ko ulit sa lalaking di man lang kakilala.. tapos.. tapos..

nagising na ko..

*paaralan ko nung elementary sa may anonas

guy stuff

Posted 6 years ago sports minded

di ako malaking fan ng football.. actually, di ko nga alam kung ano ba ung sport na un.. hello, sakitan lang ata ng katawan! hehehe.. pero now that i’m in texas, matunong pala ang football dito.. we have the Dallas Cowboys (Dallas) at ang UT Longhorns (Austin).. walang football team ang San Antonio kaya nga inampon nila ang New Orleans Saints.. ok lang na walang football team, may Spurs naman! =) nagiging sports minded na ata ako! hehehe.. =)

Last night, ung Rosebowl Championship Game.. sayang di namin napanood.. badtrip kasi ung DISH namin.. ang daming channel pero wala naman ung ABC! napanood lang namin ung pre-game na isang oras..

months before pa ung RoseBowl Game eh nagtataka na ako kung bakit tinawag na Rosebowl.. football ito, tapos rosebowl? naisip ko pa nga baka dahil malapit na ang valentines! hehehe.. korny! so, hinanap ko ung dahilan kung bakit nga ba rosebowl.. at ito un:

**In 1902, the Tournament of Roses® Association decided to enhance the day’s festivities by adding a football game. Stanford University accepted the invitation to take on the powerhouse University of Michigan, but the west coast team was flattened 49-0 and gave up in the third quarter. The lopsided score prompted the Tournament to give up football in favor of Roman-style chariot races.

When did the Rose Bowl Game begin? The Tournament of Roses Association was started in 1890 by the Valley Hunt Club and became a separate organization just five years later. The Rose Bowl Game is known as “The Granddaddy of Them All”® because the 1902 event was the first national, post-season, collegiate football game. In 1916, the second Game was played, and football has been an integral part of America’s New Year’s festivities ever since. The Rose Bowl Game has been a sell-out every year since 1947 – the first game under the Tournament’s exclusive agreement with the Big Ten and Pacific Coast, now the Pac-10 conference. Today the Rose Bowl is part of the Bowl Championship Series (BCS) which guarantees a match up between college football’s top two teams in a true national championship game.

ahh.. un naman pala! hehehe.. astig! this year it is against these two teams.. Trojan vs. Longhorns.. USC Trojans ang defending champs and they had won 34 games straight.. while UT Austin Longhorns won 19 games straight.. it was a close game.. and it ended Longhorns victorious 41-38. home-court advantange na nga ang USC, kaso magaling talaga ang longhorns! to think na college football lang ito! kala ko NFL na! malalaki ang katawan pero mabilis tumakbo.. si Vince Young ang main man of this game.. kasi ba naman, lamang ang USC 38-26 ata, tapos dahil sa touchdown ni Young, nanalo pa sila.. to think na ilang minuto na lang.. galing talaga! =)

**http://www.tournamentofroses.com/history/gamehistory.asp

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.