kundiman

karmi. komski. parehong 20-something. frustrated writer. rockstar wannabe. madrama. naruto fanatic. mahilig kumanta. cam-whore. charmed addict. loves twitter. writer kuno. isip-bata. idol si BO. mastermind ng komski quotebox. makulit. computer geeks. pero mas geek pa din si komski. mababaw ang kaligayahan. 14.

Chat with Us

Plugoo: karmi | komski: 1, 2
Y! Messenger: karmi | komski

  • ner: 3 tears ke ron for lamentations of a withered tin can. 2 tears ke enday for wasak ^^
  • rio: hahaha..may ganitong agreement din kami ni ate lalaine mo..ang magkakaboyps after four years,after the...
  • krisjasper: 3 tears for Lamentations by RON. vote counted.
  • cryptonyte69: 3 tears for “WASAK” by ENDAY
  • McRey: Boto ko sina: 3 tears - Bahay Kubo 2 Tears - Sanlaksang Katanungan 1 tear - Letting Go Sana naman this time...
  • glesy the great: ahehe… kaw naman.. di naman ineng… basta ba may nakakacarry pang magbasa ng post mo okay...

Thank you!

Subscribe to my feed




February 27th, 2006 | heart-to-heart

Senior Year - HS, sometime 1999

Michel : Alam mo minsan tinatanong ko si God bakit ngayon lang tayo naging close.Raych: Kasi kung nong dati pa tayo naging close, we wouldn’t be this close right now. It would’nt have been like this.

I miss you, Michel.

got this from besis

just reading her post got me teary-eyed.. February 26, 2001.. 5 years ago.. we never expected it to happen.. she left us..

hanggang ngayon, sa tuwing naiisip ko na wala na sya, di ko pa rin mapigilang maluha.. ang dami naming pinagsamahan, mga kalokohan, mga kadramahan.. mahirap ding tanggapin na wala na sya.. ung tinuring namin (raych at ako) na kapatid.. na iniwan na nya kami at di na sya babalik.. pwedeng magkita-kita pa kami pero matagal pa un..

pero alam ko namang di nya kami talagang iniwan, nandyan lang sya nagbabantay.. pero syempre iba pa rin ung kasama mo sya at nakakausap.. mahal na mahal ko tong babaeng to.. sobrang miss ko na rin.. ang dami pa naming dapat ay napagsamahan.. ang dami pa… pero alam ko namang masaya na sya kung san man sya naroroon..

i’m just happy that i got the chance to meet somebody like her.. iloveyou sis.. and imissyou!!!

February 21st, 2006 | starstruck

ok.. naisipan kong i-post ito kasi naaliw lang ako.. hehehe.. actually, nung nakita ko ung picture ni sheila.. taray! hahaha.. artistahin na ang mga kaibigan ko.. di ko ito kinaya!! hehehe..

esel with mariel

esel with mariel rodriguez.. picture nila nung pumunta sila sa uplate..

raych with mariel

first picture ata to ni sis and mariel.. ngayon, super close na sila..

carlo with regine

kung friend ka ni carlo, alam mo na regine fanatic talaga sya… and this is just one of his pictures with his idol

sheila and mark

ito talaga ang di ko kinaya.. si sheila may picture with mark herras!!!! waaaa… ultimate crush ko kaya yan!!

certified jologs talaga ako! hahaha… inggit ako kay sheila kasi nakita na nya si papa mark ko!!! waaaaaaa… hay naku.. basta paguwi ko.. paguwi ko!!!! :)

*ang mga litrato ay kinuha sa mga friendster account ng aking mga kaibigan *

February 21st, 2006 | buhay SATown

isang paguusap…

kaibigan: musta? musta ang buhay tate?
ako: ok naman.. eto, homesick pa rin..
kaibigan: san ka na nagtatrabaho ngayon?
ako: sa ospital ako..
kaibigan: ospital? ano ka nurse?

mga ilang beses na ring naitanong sa akin yan.. siguro nga kasi kapag sinabing sa ospital ka nagtatrabaho, tapos nasa amerika ka, eh talagang iisiping nurse ka.. malamang diba? kaso hindi ako nurse eh.. utusan lang..

oo, sa ospital ako nagtatrabaho dito sa San Antonio.. araw-araw, nilalakad ko lang.. 15 min. walk naman kasi.. ni hindi ko naisip na magtatrabaho ako sa ospital.. kasi naman, sa aming magkakapatid, ako lang ang hindi na-confine sa ospital.. o diba, tapos ako ngayon ang araw-araw nandon.. anong trabaho ko kung hindi ako nurse? service aid ako.. in short, utusan.. ung tipong, ako ang bahala sa mga supply, sa mga lab, tumutulong sa mga nurse, taga-kuha ng kung ano-ano.. runner kumbaga.. mahirap din para sa akin.. dahil wala talaga akong alam tungkol sa medical field.. sobrang takot pa nga akong makakita ng dugo.. pero ngayon, la na.. immune na.. kahit mga injection, ebs ng pasyente, wiwi, spit, at kung anu-ano pa.. sanay na.. hahaha!

nung kadarating pa lang namin dito, sabi ko ok lang na magaral ako ulit kahit nursing.. pero ngayon, kinain ko ang sinabi ko.. di ko talaga linya ang pagnu-nurse, di ko kaya na mag-alaga ng pasyente, maglinis sa kanila, at kung anu-ano pa.. kaya naman hands down talaga ako sa kanila! minsan pa nga, may namatay sa unit namin, sa ICU kasi ako.. tapos nagCODE BLUE sa unit namin… (para sa mga di nakakaalam, ang Code Blue ay code sa ospital na ang ibig sabihin ay nagcardiac arrest ung pasyente.. medyo 50-50 na ung chances).. dumating ung mga doktor.. kaso un nga walang nagawa.. namatay ung pasyente.. nakakaiyak.. di ko kaya un.. nakatayo lang ako sa isang sulok at tinitingnan na umiiyak ang mga kaanak ng pasyente.. ung mga nurse at doctor naman ay kalmado lang.. ung parang walang namatay.. mahirap un! di ko kaya.. iyakin ako eh.. lagi ko ngang sinasabi, mas madali pang ayusin ang computer kesa sa tao.. diba?

dahil na rin sa pagtatrabaho ko sa ospital, nagkaroon ako ng kakaibang pagtingin dito… kasi naman, pumupunta lang ako sa ospital kapag magppax-ray, may medical exam, o kaya may dadalawin.. mas naramdaman ko na mahalaga talaga ang may alam ang mga doctor at nurse.. kasi nasa kamay nila ung paggaling ng pasyente.. kaya pala sampung taon ang ginugugol sa pag-aaral bago maging doctor.. kaya pala.. ang dami nilang dapat pag-aralan…

ang pagiging nurse o doctor ay di dapat ginagawang laro lamang.. o di kaya dahil ito ung may malaking sweldo magnu-nurse na lang ako.. dapat kagustuhan mo talaga.. di ito dapat pinipilit sa sarili.. kaya ako… di talaga! :)