marami nang nasabi.. marami pa ring nagsasalita.. at isa na ako sa mga un.. last february 4, (bday pa naman ni kuya jay) eh nangyari ang di natin inaasahan.. maraming namatay.. nasugatan.. na-trauma.. maraming pumunta doon na ang iisang hangarin ay ang manalo at maging maayos ang buhay.. wala namang masama doon, dahil sino nga namang pilipino ang hindi gugustuhing manalo ng isang milyong piso o kaya ng tricycle? kung tutuusin, mababaw lang naman ang gusto nila.. kung tutuusin, kayang-kaya naman nilang makuha un kung meron lang silang trabaho.. kung meron silang pera.. kaso wala.. wala silang pera kaya sila nandon.. kaya sila nagsumiksik.. kaya may namatay.. dahil sa pera..Love makes the world go round.. ngayon ata eh Money makes the world go round.. kung wala ka nga naman kasing pera, wala kang magagawa.. magugutom ka, wala kang titirahan.. walang damit.. wala lahat.. pero sino nga ba ang dapat sisihin kung bakit ganito na ang nangyayari sa mundo? di lang naman kasi sa pinas may ganitong kaguluhan.. maging sa ibang bansa na talagang ramdam mo ang kahirapan.. kahit dito sa tate may makikita ka pa ring mahihirap..
kahit naman sino ay may problema sa pera.. sino bang wala?! well, siguro ung mga mayayaman na.. pero may problema pa rin sila.. kung san nila gagastusin ang pera nila.. problema un ha! malaking problema un.. dahil sa problemang ito, ang show na wowowee ay naging tulay para sa mayayaman at mahihirap.. maraming nagsasabing, ang show na ito ay nagbibigay daw ng limos.. may nagsasabi pang ginagawa lang daw tamad ang mga Pilipino dahil umaasa lang sila sa bigay.. may nabasa rin akong mukhang “perya†ang show dahil ang mga kontestant ay pinapasayaw at pinage-english para lang magkaroon ng $20.. kahit na mali-mali at pinagtatawanan, ok lang basta may pera.. ano bang masama sa show ni willie?
reality check muna: sobrang hirap na ng Pilipinas.. bakit? dahil sa corruption, dahil sa mga politikong nangungurakot. dahil sa sobrang inggitero ng mga Pilipino, dahil sa “crab mentalityâ€.. dahil sa problemang ito, marami nang namatay.. hanggang ngayon marami pa rin ang naghihirap.. kelan kaya matatapos ito? kelan? kahit na palitan pa ang presidente, darating din ang panahon na patatalsikin din nila ang bagong halal na pinuno.. hanggang sa cycle na ito.. paulit-ulit.. predictable na..
dahil sa kahirapang ito, maraming tao ang nais tumulong sa mga kababayan natin.. at isa sa mga ito ang show ni willie.. pinapanood ko talaga ang wowowee, kahit minsan eh nakakainis din dahil panay TFC subscribers ang tao sa audience.. pero ok lang.. masaya rin.. maraming natulungan.. maraming nasiyahan.. kaso, kahit pala gumagawa ka na ng kabutihan sa kapwa mo, pwede pa rin palang may mangyaring masama.. di mo talaga masasabi ang buhay.. kung ano ang pwedeng mangyari.. Diyos lang ang nakakaalam..
para sa akin, kesa magturuan kung sino ang may kasalanan, tumulong na lang.. wag nang magsisihan, isipin na lang ang kung ano ang dapat gawin.. saka sana magbago na tayong lahat.. nakakasawa na kasi eh..
lab en pis on earth olways!


![E[kwento]MO: bawat emo, may kwento.](http://kundiman.net/wp-content/uploads/2008/09/emo-5-small.png)







