kundiman

karmi. komski. parehong 20-something. frustrated writer. rockstar wannabe. madrama. naruto fanatic. mahilig kumanta. cam-whore. charmed addict. loves twitter. writer kuno. isip-bata. idol si BO. mastermind ng komski quotebox. makulit. computer geeks. pero mas geek pa din si komski. mababaw ang kaligayahan. 14.

Chat with Us

Plugoo: karmi | komski: 1, 2
Y! Messenger: karmi | komski

  • glesy the great: ahehe… kaw naman.. di naman ineng… basta ba may nakakacarry pang magbasa ng post mo okay...
  • joshmarie: isan-libo at isang tears i mean 3 tears para sa Lamentations of a Withered Tin Can ni ron. :) hindi pwede...
  • joshmarie: 3 tears for longing by ice :) hindi pwede na dalawang entry ang bigyan ng 3 tears.
  • dzerom: 2 tears for enday…
  • rio: 3 tears for yods 2 tears for teresa 1 tear for ice gudluck sa lahat ng sumali=)
  • andeng: i vote for enday =) vote counted.

Thank you!

Subscribe to my feed




Mr. Joey De Leon,Siguro nga walang malisya ang iyong ginawa noong Sabado sa Eat Bulaga after ng eliminations ng Laban o Bawi. Siguro nga po para sa inyo eh wala kayong ibig sabihing masama. Pero tama po bang nangyayari na ang stampede ay ganon pa rin ang gawin nyo? Napanood ko ang episode nyo nung Sabado dahil sa GMA Pinoy TV. At syempre, replay na po ito dahil Saturday night na dito, Sunday morning na dyan. Alam na rin namin ang nangyari sa stampede. Nanonood po ako ng ETK at binanggit dito ni Direk Jose Reyes na nagpapasalamat sya sa inyo sa Eat Bulaga dahil sa 1-minute silence na inalay nyo.. Astig.. kahit 1 minute lang, nakiisa kayo.. Un po ang inintay namin sa show nyo. Aliw nga rin po ung episode nyo dahil sa Bebot. Tapos un nga, Laban o Bawai na. Mr. De Leon, bago po mag-commercial, ginawa nyo po ung gesture ng Wowowee. Nakita ko po un. Tapos biglang dead sign. Siguro nga po wala kayong ibig sabihing masama pero para sa aking po, medyo di po ata maganda un. Bakit nyo po kailangang mag-gesture nang ganon? Kala ko pa naman ayos na, dahil dito, pinatay ko na lang ang TV. Di ko na inantay ung 1-minute of silence na ginawa nyo. Bakit pa, eh parang ka-plastikan naman un. Nakita ko po un, tapos sa balita kanina, sinabing walang naman kayong ginawa. Na-paranoid lang siguro ako dahil nga ang dami nang namatay tapos ganon pa ang mangyayari. Pero kitang-kita ko po..

Bakit ako gumawa ng sulat at online pa? Para lang mailabas ang aking opinyon. Maling-mali po un eh. Ang Eat Bulaga ay Eat Bulaga na kahit sang channel pa mapunta. Bakit apektado pa rin kayo sa ipantatapat sa inyo? Natatakot pa rin kayo? Kung iisipin nga, dapat di na kasali ang Eat Bulaga sa mga ratings na yan eh. May napatunayan na kayo.

Mr. De Leon, ang akin lamang po ay tanong, bakit nyo po kailangang mag-gesture ng ganon? Di nyo po pwedeng sabihin na di nyo sinasadya, malamang po na iniisip nyo ang inyong ginagawa ng mga oras na un. Nakakahiya pa po kasi, worldwide po kayong napapanood. International na. Kaya sana, maging maingat po kayo sa inyong kilos.

Lubos na gumagalang,
karmi