move on

Posted 6 years ago blabbers

move on.. madalas kong sabihin yan sa sarili ko.. pero sa pagkakataong ito, parang mahirap atang kalimutan na lang.. feeling ko ang sama-sama ko.. guilty? medyo.. bakit? dahil sa isang simpleng post.. mali ang manghusga ng isang tao.. oo, dahil sino ba naman ako para magsalita nang ganon diba? opinyon ko lamang iyon at kung may nasaktan man, sorry.. oo nga’t blog ko to at pwede kong isulat lahat ng gustuhin ko.. pero matapos kong basahin ang mga komento ukol sa post ko, bigla akong napaisip.. mali ba ang ginawa ko? mali ba na magsalita ukol sa isang issue? di naman siguro..

move on.. un na lang ang tangi kong masasabi sa sarili ko.. dahil la nang magagawa… di na maibabalik ang nakaraan.. di ako nagsisisi sa ginawa ko.. o kung ano man ang kahinatnan nito.. ito’y aking obserbasyon lamang at wala akong kinakampihan.. bahala na kung ano man ang mangyari..

move on.. move na nga! ang drama pa..

ito lang, napatunayan ko na may nagbabasa pala ng aking blog! medyo ok na rin sa akin un!

happy puso!

Posted 6 years ago Uncategorized

happy puso sa inyong lahat! happy birthday na din sa aking kapatid! love you sis! kahit na malayo na ako sau, just remember na nandito lang ako.. kita na lang tayo paguwi ko ng pinas! :D

balentyms na naman.. araw na naman ng mga umiibig.. hay, ang sarap talagang magmahal.. kahit na alam nating maari tayong masaktan.. ok lang, basta maiparamdam natin sa taong espesyal sa atin ang tunay na pagmamahal.. kahit na wala nang matira sa atin.. kahit na magmukhang tanga.. basta mahal natin, gagawin ang lahat, kahit ang imposible ay nagiging posible… bakit nga kaya ganon no?

love moves in mysterious ways nga.. tama ang kanta ni nina..

sana maging masaya ang balentyms nating lahat!

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.