litrato..
ang dami ko nyan.. mga litrato ko, pamilya, kaibigan.. mga lugar.. magsawa ka! may sarili na rin akong bulletin board na talagang pinagtyagaan kong ipaglalalagay ang aking mga larawan.. masasabi kong sentimental akong tao.. kahit ano itinatago ko.. kahit wrapper ng candy! kaya naman talagang iniingatan ko ang mga larawan..
sa tuwing nakikita ko ang mga litrato ng aking mga kaibigan, natutuwa ako na naluluha.. natutuwa dahil naalala ko ung mga gimik namin, mga gala.. mga ilang studio pictures din un! hahaha.. ngunit, sa kabila ng aking kagalakan, may nararamdaman din akong lungkot.. lalo ko silang nami-miss dahil sa mga litratong iyon.. dahil alam kong hanggang larawan na lang muna.. di ko sila makakasama, makakausap ng personal, mayayakap.. wala lang, tititigan ko lang ang mga larawang ito hanggang sa magsawa ang aking mga mata at ako’y antukin.. madami ring pagsisisi… sana nagawa ko to, sana nagawa ko un.. kung alam ko lang na aalis pala ako.. sana mas marami pang larawan ang nadala ko.. sana bumili na ako ng sarili kong camera para nakunan ko lahat ng kilos nila.. sana..
malungkot oo, pero mas higit ang kagalakang dala ng mga larawan ko.. na kahit malayo sa akin ang aking mga kaibigan, alam kong nandyan lang sila para sa akin.. na pagbalik ko ng pinas, may babalikan pa ko.. dahil sa mga larawang ito, buhay pa rin ang pagkakaibigan.. buhay na buhay.. makita ko lamang ang mga ngiti namin sa labi, bumabalik sa akin ang masasayang alaala na aming pinagsamahan..

















