Impostor

No Comments » February 15, 2006 » 1494 days ago
Uncategorized

kasama ko ang may-ari ng blog na ito kahapon, ta’s ngayong iniisip ko na, naaalala kong valentine’s day nga pala kahapon. masaya ‘ata s’ya nun, parang. o baka namalik-mata lang ako. gusto ko yatang nakikita na may kakaibang ngiti sa mga mata n’ya tuwing kasama ko s’ya.

ewan ko pa rin kung bakit masaya s’ya tuwing kasama n’ya ‘ko. idinadaan n’ya sa pahawak-hawak ng kamay (at minsan hindi lang kamay, malikot ang kamay ng isang ‘yun) ang pagpapakita ng kagustuhan n’yang manatili ako sa tabi n’ya. masaya rin naman ako. meron akong tagabuhat ng bag, tagalibre, tagahatid, tagacheck ng code ng mga program na ipinapasa sa klase. minsan, pag namimiss ko ang teddy bear ko sa kwarto, pwede na rin s’yang substitute. balbon na malaki ang tiyan. masarap yakapin, malambot, at hindi umaangal kahit pawisan ako. (galing kasi akong pe tuwing martes at biyernes.)

ginawan na rin n’ya ‘ko ng tula. kakaunti lang kumpara sa napakaraming naisulat n’ya (tungkol sa sari-saring mga babae), at di ko rin naman naintindihan. ‘yung isa pa nga roon, sabi n’ya, synonymous ang title sa pangalan ko. naniwala naman ako. tutal naaalala ko ang eksenang inilarawan sa tulang ‘yun, ‘yung hapong sumakay ako ng jeep papuntang pe kasi umuulan. sabi n’ya, sasama dapat s’ya sa akin, ihahatid n’ya ‘ko sa pe ko. kaso hindi natuloy kasi umulan, kaya umuwi na lang s’ya.

sabi n’ya, isinusulat n’ya sa mga tula n’ya ang lahat ng frustrations n’ya. kadalasan tungkol sa babae. (o baka hindi ko pa lang nababasa ang lahat ng mga tula n’ya.) lahat ng mga bagay na gusto n’yang mangyari, pero hindi naman nagkakatotoo. marami na siguro s’yang naipong tula tungkol sa mga babaeng hindi na n’ya makikilala maliban sa minsanang pagsulyap sa magaganda nilang mukha, sa pag-asam ng kanilang pagtingin.

pansin ko lang, hindi na s’ya nagsulat ng tula mula noong araw-araw na kaming magkasama. hindi na rin siguro n’ya gagawan ng tula ang kahapon, nung magkasama kami hanggang abutin s’ya ng paglubog ng araw. at bukas, kung kailan maaari ko na s’yang tawaging akin.

[ pasensya na kung naging madrama. pinagpost kasi n'ya ako rito, hehe. ]

now that i have you

No Comments » February 15, 2006 » 1495 days ago
inlove

title pa lang natatawa na talaga ako.. theme song ba ito? natatawa na kinikilig.. sinend ko sa kanya ang lyrics ng kantang ito.. siguro dahil sakto.. sakto ung lyrics.. na-recieve kong reply?

… wow, ang ganda ng lyrics pare, hehehe… pro mas maganda kung kinanta mo na lang over the phone para masaya…

oo nga, sana kinanta ko na lang.. next time pare ko.. :)

sa ngayon, masaya na talaga ako.. di na ko maghahanap pa ng iba.. maraming nagsasabi na di tatagal ang long distance relationship.. na imposible un.. oo nga siguro pero para sa akin, hangga’t di kayo bumibitaw sa isa’t-isa, tatagal kayo..

balentimes kahapon, nagtext sya.. :)

oi pare happy valentines day.. d nko nktawag khapon. ingat2 lage. iluv u!

lumipad ng ganon na lang ang 15php nya.. haba ng hair ko! hahaha…

iloveyou pare.. im so inlove with you.. :) see you soon..

..still be here..

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.